(stop muna tayo sa lovelife ni Joey. Focus naman ako sa lovelife ng ating bida.....ang hirap mag-isip lalo na pag wala kang isip-_-!)
ⓚⓚⓚⓚⓚⓚⓚ
Maaga kaming dumating ni Joey sa studio, wala pa kasi yung mga importanteng tao. Yung ibang nandito hindi ko kilala.
Okay lang naman na ako ang maghintay. Ayoko naman na ako ang hinahantay. Hindi ko kasi yun naging ugali. Ayoko din kasi sa lahat ang mga pa-importante.
May sumalubong sa amin kanina, tinanong pa kung sino kami. Nakakahurt lang pero ganun talaga, weren't that famous.
Pero nung sabihin ko ang pangalan ko, nanghingi naman sya ng sorry at ginuide nya na kami papasok sa loob. Si Joey naghintay na lang sa lobby. Bawal kasi ang hindi kasama sa cast.
Sa pagkaka-alam ko hindi pa naman ito press con, parang meeting lang para sa buong cast ng drama.
Hindi naman ako nag-antay ng matagal, dahil maya-maya lang nagsisi-datingan na sila.
Medyo awkward ang feeling ko nung time na yun, ako lang kasi ang hindi famous dito.
Atleast yung iba, mga nakikita ko na sa tv dahil may mga variety show sila, yung iba naman kasali sa mga grupo ng singer na nag-perform na din overseas.
Eh, ako?
Nagko-commercial din naman ako, kaso yung role ko hindi naman masyadong tandain. Kumbaga maiksi lang ang exposure.
Maya-maya dumating na din si Direk Ramsey (yan po talaga ang pangalan nya at yung apelyido nya itatanong ko pa). Sabay lapit nito sa'kin ng makita ako at nakipaghand-shake pa.
"Hi! Eunice. Nice to see you again!" sabi nito sa'kin na halata namang nagagalak talaga.
"Hi din po direk! Kamusta po? and salamat po pala sa pagpili nyo sa'kin, ang saya-saya ko po talaga," sabi ko naman.
"Mabuti naman ako Eunice and thank you. Regarding naman sa audition, hindi ka dapat magpasalamat sa'kin, dahil hindi lang naman ako ang nagde-decide. And Magaling ka, hindi mo ba alam yun? And I think naging lucky charm mo ang bukol mo that time...," biro nito at sabay kaming nagtawanan.
Nasa ganun kaming pag-uusap ng hindi ko napansin na may tao pa lang dumaan mula sa likuran ko patungo sa lugar ni direk.
Ang taong naging laman na ng puso ko since highschool.
At ang taong kanina ko pa hinahantay.
"Direk" sabay tapik ni Lee minho sa balikat ni direk ng makalapit ito at nakatingin naman sa'kin (yiii kilig).
"Hi", direktang bati nito sa'kin (yihiii kilig ulit)
"Wala na din ang bukol mo?" tanong nya sa'kin sabay turo sa noo nya.
NApangiti ako sabay kapa sa noo ko kung nasaan ang bukol ko dati, "Wala na", sagot ko naman sa kanya.
"Congratulations din pala sabi ko sayo magaling ka eh." sabi nya.
"Thank you. Nakaka-emote ka kasi, ang galing mo talaga" pa-tweetums kung sagot.
"Im so happy na ikaw ang magiging partner ko" sabi nya with his cute smile.
I dont know pero parang may nakita akong kinang sa mata nya o baka nag-iimagine lang ako, ah ewan.
Ambisyosa lang.
Baka nagiging ambisyosa lang ako masyado.
"Remember her, right?" tanong ni direk kay Minho.
"Yeah. How can I forget, eh pareho kaming my band-aid nun" sabi nyang nakangiti sa'kin.
BINABASA MO ANG
My Idol My 1st Kiss!?
RomanceSi Eunice Kim. Isang trainee sa Starbuilder Entertainment. Nag-audition at nakapasa sa isang upcoming drama na ang main actor ay si Lee Minho. Ang idolong matagal na nyang pantasya. Ang hindi nya inaasahan, ang idolo nyang ito ang magiging firs...