#SWEETEST DREAM

33 1 0
                                    

The following day, eh talaga naman super hectic ang schedule ko, pictorial dito, guesting doon, at promote to the max.

Kadalasan pa madaling araw na kami na kakauwi ni Joey. Tapos kinabukasan, trabaho ulit.

Pero gusto ko ang ganitong buhay, Ito ang pangarap ko. At kasama ko pa ang pinapangarap kong si Lee Minho.

Halos araw-araw na kaming mag-kasama. At simula ng kunin nya ang number ko, araw-araw na din syang may greetings na goodmorning. Ewan ko kung gm yon o ako lang talaga ang tinext nya ng ganun, but whatever, ang importante pinadadaanan nya ako ng gm nya. Ang babaw noh! Kaya naman palagi na din akong may load kasi hindi pwedeng hindi ko sya ireply, sayang kaya ang chance. Lee Minho yun noh!

At dahil doon naging mas close kami.

Maraming bagay din akong nadiscover sa kanya.

Makulit din pala sya at mapang-asar.

Madalas nya akong asarin, pero instead na mainis, kinikilig pa ang lola nyo.

Haayyy, kagaya na lang ngayon, 1st day ng shooting namen, kasalukuyan akong nagme-memorize ng lines ko habang nag-aayos pa ang iba.

Nakaupo ako sa chair na provided para sa amin ng may magtanggal ng ponytail ko at sabay guluhin ang hair ko mula sa likuran.

"Anu b........?" naiinis kong sabi sabay lingon sa likuran ko, ngunit natigilan ako ng makita ko si Lee Minho pala iyon akala ko si Joey.

Nakangiti sya sa'kin, "Hi" bati nya sabay kaway. "Ang aga mo ha?!" at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko.

Paano ka naman magagalit kung ganito kagwapo ang mang-iistorbo sayo.

"Ayoko naman na ako ang late no?!" sagot ko habang kinukuha ang tali sa kamay nya at ibinalik ko ulit sa pagkakapusod ang buhok ko.

"Ikaw? Bat ang aga mo din?" tanong ko naman sa kanya. Ganito na kami mag-usap ngayon medyo kaswal na. Hindi na kagaya dati na nahihiya pa ako.

Ngayon, feeling at ease na ako. Sabi nga nila, makapal na ang mukha.

Approachable kasi sya hindi kagaya ng ibang sikat dyan. At araw-araw na din kasi kaming mag-katext. Kaya feeling close na ako.

Kung anu-ano lang naman ang pinag-uusapan namin, wala namang seryosong usapan. Mas madalas pa nga nauuwi pa sa asaran ang text nya na nagsimula sa goodmorning.

"Excited lang", sabi nya.

"Excited saan?" tanong ko naman.

"Wala. Akin na tulungan kitang magdeliver ng lines mo" sabi nya sabay kuha ng script na nasa kamay ko kahit hindi pa ako pumapayag.

"Ahm,..busy ka ba next week?", seryoso nyang tanong habang iniisa-isa ang bawat pahina ng script na waring may hinahanap.

"ha?!...bakit mo naman tinatanong?," pagtataka kong tanong.

Aayain na ba nya akong magdate...my gosh!!! wag muna hindi pa ko ready...

"Aish! Sagutin mo muna ang tanong ko, ako ang unang nagtanong eh!" naiinis nyang sagot na may kasamang dabog.

Nagulat naman ako sa reaksyon nya,

"....hi..hindi ko alam kay Joey, sya ang may hawak ng sked ko eh...." nakasimangot kong sagot..."pero teka muna bakit ka ba nagagalit?!" ako naman ang nagdabog.

Biglang nagbago ang itsura nya ng makita nya na ako naman ang nagdabog.

"Hi...hindi naman ako nagagalit ha?" mahina nyang sagot..."tinanong ko na kay Joey kanina, free ka daw next sunday," nakayuko nyang sabi na parang nahihiya...

My Idol My 1st Kiss!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon