Kasalukuyan akong nasa studio ngayon. Gusto ko ulit magrehearse.
Affected pa ako ng audition kahapon. Dama ko pa until now yung eksena at si Lee minho.
Nung umuwi nga kami, hindi ko sila inimik. Kahit na anong pangungulit sa akin ni Joey kahapon na mag-kwento sa plaster sa noo ko, hindi talaga ako nagsalita hanggang sa maihatid kami ni Jihoong. At pagdating sa bahay diretso lang ako sa room ko ni hindi na nga ako kumain.
Kaya pumunta ako ngayon dito sa studio to release my emotion. Hindi ko na muna isinama si Joey. Mangungulit lang kasi yun eh.
After ng ilang sayaw , I feel better na.
Ngayon na-upo na lang muna ako sa isang sulok ng studio at nagmumuni-muni.
Hindi ako makapaniwala na naka-eksena ko sya kahapon. Ang gwapo nya talaga. Sobrang love na love ko na talaga sya. Actually, hindi naman ako nage-expect na ako ang mapipili nila. Sa dinami-dami ba naman ng nag-audition kahapon tyak naman na may mas magaling pa kumpara sa'kin.Tsaka, andami kayang sikat na nandoon.
Ok na yung one on one scene namin. And ngayon pa na alam ko na taga-subdivision din sya.
Naalala ko pa yung huling sinabi sa'kin ni Direk bago ako bumaba ng stage, "Papakantahin ka pa sana namin eh kaso mukhang hindi ka na okay, baka hagisan mo na kami ng mic." At sabi nya pa, "inform na lang namin ang agency mo kung ano ang magiging result ng audition." And ang last, "Im looking forward to work with you..." At ang sabi ko, "Thank you po. Same here direk.ت"
At yung panyo nya...(panyo po ni Lee minho ha?! hindi po ni Direk).
Yung panyo na pinahiram nya sa'kin kahapon.
Pumunta ako sa mga gamit ko at hinalungkat ang loob ng bag ko at kinuha ko ang panyo.
From now on ang panyo na'to ang gagawin kong representative ni Lee minho sa life ko. Ikaw ang magiging inspiration ko. (ang baduy ko noh!)
Sorry, hindi ko ugaling hindi magsoli ng gamit na hindi akin, pero dahil sa'yo 'tong panyo, hindi ko na sya ibabalik sa'yo...sabi ko sa isip ko habang nakatitig sa panyong hawak ko.
Souvenir mo na lang sya sa'kin.
Ang bukol kasi pwede pang maglaho ng ilang araw, pero itong panyo, as long as ingatan ko. Nandito lang 'to.
Ibinalik ko ulit ang panyo sa loob ng bag ko.
'line' (message tone ko po sa line ito).
Kinuha ko ang cp ko sa bag at binasa ko ang message galing kay Joey.
'wer k? Tinakasan mo na naman ako ha?!' sabi nya sa message nya.
Hindi ko na sya nireply. Mamaya na lang sa bahay.
Ibabalik ko na sana ang phone ko sa loob ng bag pero tumunog ulit ito, akala ko si Joey na naman, hindi pala si Jihoong.
'Eun, wer ka? ツPunta ka dito sa recording studio.' txt nya.
'y?-_-' reply ko.
'basta!ツ'
Huh?!-_-?
Wala akong nagawa. Binitbit ko ang mga gamit ko para magpalit ng damit at dumiretso na sa studio.
Pumasok na ako diretso sa loob ng studio. Hindi na ako kumatok. Nandun sya nakaupo.
"Oh, Bakit mo ko pinapunta dito?" tanong ko.-_-
"Meron kasi akong kinompose na song, gusto ko ikaw ang kumanta. I think kasi mas bagay sya sa boses mo." sabi nya habang kinukuha yung copy ng lyrics.
BINABASA MO ANG
My Idol My 1st Kiss!?
RomanceSi Eunice Kim. Isang trainee sa Starbuilder Entertainment. Nag-audition at nakapasa sa isang upcoming drama na ang main actor ay si Lee Minho. Ang idolong matagal na nyang pantasya. Ang hindi nya inaasahan, ang idolo nyang ito ang magiging firs...