#Status: In a relationship?? or It's complicated??

43 2 0
                                    

Nakatalikod si Minho sakin at si Mina naman ay hindi napansin ang presence ko dahil busy sya sa ginagawa nyang kalandian at si Lee Minho mukhang nagustuhan naman.

Nagmamadali lang akong tumalikod pabalik sa lugar kung san ako nanggaling. Hindi ko kayang manuod sa ginagawa nila. Parang may kumukurot SA puso ko. Parang gusto Kong umiyak. Pero ayaw tumulo ng luha ko.Emote! Emote! Hikbi! Hikbi! Ayaw talaga eh.

Bakit may relasyon BA kayo Ni Lee Minho para magkaganyan ka? Wag ka ngang assuming girl. Natikman mo lang yung halik ni  Lee Minho, feeling mo sayo na sya. Ok ka Lang?! trabaho lang yun baka nakakalimutan mo...Wag ka ngang feeling dyan....

Parang baliw lang ang peg na inaaway ang sarili ko habang naglalakad. 

Nababaliw na ba ko? Nakakabaliw ba talagang ma-inlove?

"....... Ms. Eunice Kim!!!!"

"... Huh?!?"

Tinawag ng Mommy ni Minho ang pangalan ko sa mikropono ng matapat ako sa stage at sabay nagpalakpakan ang lahat na may kasama pang tilian.

Sinenyasan ako ni Mrs. Lee na umakyat sa Stage.Sumunod naman ako. Parang nahulaan ko na kung ano ang gagawin ko. Nagpromise pala ako Sa Mommy nya that I am going to sing a song today.

Pag-akyat ko sa stage sya namang baba ng Mommy nya at muling nagpalakpakan ang lahat.

Naisip kong kantahin ang kanta ng isa sa mga paborito kong singer na si Sarah Geronimo...ang I BELONG TO YOU.

Hindi alam ng banda. Kaya I played the piano while singing.

Kaya naman mas lalong nagtilian ang lahat.

Madalas ko itong tugtugin lalo na pag gusto ko mag emo. And this is the time para mag emote.

Nang matapos ang kanta ko nagpalakpakan ang lahat. a

"Salamat po" sabi ko sa mikropono at nagpasalamat din ako sa banda at  pababa na sana ako ng hagdan ng makita ko ang kamay na gustong umalalay sa pagbaba ko.

Ang mga kamay ni Lee Minho. Nakalahad ito upang alalayan ako sa pagbaba.

Nakalapit na pala ito sa stage ng hindi ko napansin.

Inabot ko ang kamay nya. Ayoko naman syang mapahiya noh! Kahit na nakipaglaplapan sya sa babaeng pusit na yun.

"Salamat" sabi ko sa kanya ng makababa na ako. Akala ko tatanggalin na nya ang pagkakahawak sa kamay ko ng makababa na ng hagdan pero lalo nya lang itong hinigpitan ng naglalakad na kami papunta sa table namin at nginitian lang ako ng nakakalokong tingin.

"Eunice!!ang galing mo iha! Sooo touching!" salubong sakin ng mommy nya at niyakap ako. At kahit na yakap ako ng mommy nya, hindi pa din nya binibitawan ang kamay ko.

Teka! Anu bang trip nito? Pagkatapos nyang makipagchupchupan sa pugita eh iniwan na lang niya ng ganun? Ah hindi naman tama yun.

"Minho, Asan nga pala si Mina? Hindi ba sya ang kasama mo kanina?"

"Im here. why?" si Mina at napatingin sya sa magkahawak kamay namin ni Minho.

Feeling ko biglang namula ang pisngi ko. Kaya hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Minho.

"Ahm wala naman. Kayo kasi ang magkasama kanina. Anyway maiwan ko muna kayo" yun lang at pumunta na ako sa kinauupuan ko kanina.

"What's with that holding hands?" tanong ni Joey ng makaupo na ako na sinamahan pa ng nakakalokong ngiti.

"Honestly,...I dont know"

Coz I really dont know.

Biglang sumama ang pakiramdam ko ng maalala ko ang eksenang nasaksihan ko kanina. Kaya naisipan kong magpaalam na.

My Idol My 1st Kiss!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon