#The Audition

84 4 0
                                    

Before 9 kami dumating sa studio. Naisip kong iwan na ang mga gamit ko sa kotse ni Jihoong since kasama naman namin sya hanggang mamaya.

Madami ng tao sa loob. May mga kilalang celebrity din pala ang gustong mag-audition like si Kim Tae Hee, Si Krystal ng f(x), Si Suzy ng Miss A at madami pang iba. Yung iba naman familiar ang mukha hindi ko lang alam ang pangalan at yung iba mga trainee din sa ibang agency.

Sobrang sikat talaga ni Lee minho andaming gusto syang maka-partner. Naalala ko bigla yung noo nya. Naku kamusta naman kaya yun? Sana lang wala syang bukol.

Isinulat ko na muna ang pangalan ko sa line-up of applicants na gustong mag-audition. Naku andami na pala ang nagpalista, mga what time kaya ako matatawag? May mga nagsisi-datingan pa.

"Hey miss! Are you done? Pwedeng ako naman?!" mataray na sabi ng babae na nasa likuran ko.

"Sureness! Your majesty!" sabi ko na may kasama pang pagbibigay pugay. Para kumpleto. Sabay irap naman sakin.

"Psh! ang arte akala mo kagandahan. Ang pangit pa ng suot nya. Baka akala nya fashionista na ang dating nya. Ang Baduy kaya!" bulong ni Joey sa'kin.

"Hi Jihoong! Pwedeng magpa-picture?" sabi ng maarteng babae matapos nyang magsulat at nakita nya si Jihoong sa tabi namen.

Ang lande.

"Sure!" sabi naman ni Jihoong.

Nabasa naman namen ni Joey ang gustong mangyare ni girl. Gusto nyang kame ang humawak ng camera para piktyuran sila.

Kaya naman ng palapit sya samen, "Ayyy Joey hanap na tayo ng upuan!"

"Ayyy Oo nga! Ayun. Dun tayo!"

Sabay alis namen sa pwesto nila. Nagngitian lang kami ni Joey ng nakaupo na.

Bahala sya kung sino mag-picture sa kanya. Ambisyosa! Asar kasi kami ni Joey sa mga maaarte.

Bigla naman sumingit si Jihoong sa gitna namen ni Joey at pilit siniksik ang sarili para makaupo.

Ang sikip na tuloy. Para na kaming sardinas na tatlo.

May mga paparazzi na nasa loob ngayon ko lang napansin. Siguro kinukuhanan nila ng picture yung mga sikat na nandito at mago-audition.

Ilang sandali lang may lumabas na sa naka-saradong pintuan at kinuha ang papel na nasa ibabaw ng table at pumasok ulit sa loob.

At maya-maya lumabas ulit at nagsimula ng magtawag.

Wala na kaming imikan tatlo. Wala din ako maisip sabihin kasi ninenerbyos ako.

"Relax ka lang!" sabi ni Jihoong sa'kin. Ramdam nya siguro ang tense ko.

ggrruuuuggg! Hayyy umepal pa ang tyan ko.

Mage-11 na di pala pagtingin ko sa cp ko. Hindi pala ako nakapag-almusal kanina, nagmamadali kasi kami. Ayoko din kumain ngayon. Pag ganito kasi na naunahan na ko ng kaba, wala na akong ganang kumain.

Lumabas si Jihoong ng walang paalam. Ewan kung san sya pupunta. Hindi nga nagpaalam eh. Sinundan ko lang sya ng tingin palabas ng studio.

Paglabas ni Jihoong ng studio, nanlaki ang mata ko sa taong papasok. Si Lee minho.

Oh my God! may plaster din ang kanyang noo. It means nabukulan din sya. Oh no! Im dead! Baka sinusumpa na ko ng taong ito. Naisip ko kaagad.

Paano na kami ngayon? Hindi pa mandin ako nanliligaw basted agad. Tsk! Tsk!

Sinalubong sya agad ng mga paparazzi na nasa loob. Picture dito picture doon ang mga peg habang naglalakad si Lee minho papasok sa room at may mga kasama syang nakasunod din sa likuran nya.

My Idol My 1st Kiss!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon