#Meet my in-laws#Sikat na ba ako?

26 2 0
                                    

It's sunday today.

I've decided to treat my family out since na nakuha na namin ni Joey ang sahod namin sa SBE but after na namin mag-church.

Kaya naman nandito kami ngayon sa church ng subdivision. Marami pang bakanteng upuan. Sa bandang harap kami pumwesto, ayoko kasi maistorbo ng mga dumadating. Lumuhod ako para magdasal. Marami akong dapat ipagpasalamat sa kanya ngayon. Natupad na ang dreams ko, isa na lang ang kulang....LOVELIFE. Ang dasal ko lang pag-dumating sya, sya na ang for life.

Naramdaman ko na may lumuhod din sa tabing pwesto ko, meron na sigurong pumwesto, bakante kasi yun kanina eh. Hindi ko na tiningnan kung may umupo na ba ipinagpatuloy ko na lang ang mataimtim kong pagdadasal.

Pagtapos kong magsign of the cross, muli na akong umupo na nakatuon lang ang pansin sa may altar ng simbahan. Panay naman ang kalabit sa'kin ni Joey, si Khyle naman na katabi ko nakangisi sa akin, hindi ko alam kung bakit at pati si nanay miriam, ng sumulyap ako kay Joey, may nginunguso syang banda sa niluhuran ko kanina kaya naman napatingin ako sa nginunguso nya, sya namang sign of the cross ng pamilyar na likod ng lalake.

Alam nyo na kung sino.

Si Lee Minho po sa mga nagsisirit dyan.

Sumulyap ito sa'kin at makahulugang ngumiti habang paupo sa tabi ko. As in sa tabi ko po sya tumabi sa dinami-rami ng upuan na bakante.

Nagulat ako. Aba! Sinusundan ba ako nito? Kunsabagay iisa lang naman subdivision namin and sunday ngayon natural lang na mgsimba sya dito pwera na lang kung hindi sya katoliko.

Nakatitig lang ako sa kanya habang sya naman nakatingin lang sa may altar, pero nakangiti.

Sabay kurot sa'kin ni Joey sa tagiliran kaya napakislot ako sabay tingin sa kanya at pinanlakihan ko ng mata.

Sya namang kanta ng choir at nagsimula ng rumampa si father sa gitna na hudyat na ng pagsisimula ng misa kaya nagtayuan na ang lahat.

Haaayy! hindi tuloy ako makapag-concentrate sa pagsisimba. Bakit kasi dito pa ito umupo eh.

Sa pagkanta pa ng ama namin hindi naman necessary na hawakan ang kamay ng katabi pero si Lee Minho hinawakan nya talaga ang kamay ko, as in holding hands po kami sa simbahan at mas lalo tuloy akong natense, ang hawak nya pa talaga hindi lang hawak grab nya talaga ang hands ko.

Minsan lang talaga mapang-asar tong tao na to. Yun ang isang bagay na nadiscover ko about him sa pagiging magkatrabaho namin.

Pilit kong hinihila ang kamay ko sa kamay nya pero lalo lang nyang hinigpitan ang pagkakahawak. Nakapikit pa ito ha?! As if naman taimtim naman sya sa pagkanta ng ama namin.

Naasar ako na natatawa sa kalokohan nya kaya hinayaan ko na lang hanggang matapos.

Minsan gusto ko ng isipin na may pagnanasa din to sa'kin eh, kaso ayokong maging ambisyosa. Friendly lang talaga sya siguro.

Nang matapos hinala ko bigla ang kamay ko at sinimangutan sya.

Nang matapos ang misa sumunod ako kila Nanay Miriam palabas ng simbahan.

"Minho iho, san ka ba pumunta at nawala ka na lang sa tabi ko?" sabi ng babae na naghihintay sa labas. Maganda ito na medyo sosyal kung manamit. May katabi itong may kaedaran na rin na lalake maganda din itong manamit at may hawig kay Lee Minho.

Sinundan ko ng tingin ang tinutukoy nito. Pagtingin ko sa likuran ko si Lee Minho pala ang kinakausap nito nagulat pa ako na nakasunod din pala ito sa likuran ko na nakalagay ang hintuturo sa labi nya pero bigla nya din itong inalis ng makita nya akong nakatingin na sa kanya.

My Idol My 1st Kiss!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon