Sunday.
Its my mother's bday. And nasabi ko din kay Eunice na susunduin ko sya. Nawala sa isip ko na iremind sya the last time na nagkita kami. I hope hindi nya nakalimutan.
Madalas ko syang tinetext pero hindi nya ako nirereply. And if i call her naman, unattended naman ito.
May isang oras na akong nasa loob ng sasakyan na nasa tapat ng bahay nila Eunice pero hindi pa din ako makapagdecide if bababa ako at magdo-doorbell.
"What the heck! Ano ba ang nangyayari sa'kin bakit ganito ako ka kabado? Is it bcoz of what happened yesterday? Eh hindi pa naman nya alam ang nararamdaman ko para sa kanya ha?!Napapraning na ba ko?" tanong ko sa sarili ko habang nakahawak sa manibela.
"Ahh alam ko na tawagan ko na lang sya..." naisip kong bigla sabay kuha ng cp ko sa bulsa ng suot ko at dinayal ang number nya...nakailang ring muna ito bago may sumagot pero parang hindi sya .
"Hello" sabi ng sumagot sa kabilang linya. Tiningnan ko muna uli ang screen ng cp ko kung tama ang dinayal ko o baka wrong number lang ako.
Tama naman.
"Hello?" sabi muli ng nasa kabilang linya.
"Ahm, hello, si Eunice ba 'to?" tanong ko sa kausap.
"Ah hindi Lee Minho si Joey to, nasa rehearsal Pa kasi si Eunice eh para sa next sunday show kaya ako na ang sumagot ng phone nya, may ipapasabi ka ba?" tanong nito.
"Ahh, nandito kasi ako sa tapat ng bahay nyo susunduin ko sana sya kasi ngayon ang bday ng mommy ko but since may trabaho sya,sasabihin ko na lang na hindi sya makakapunta" paliwanag ko pero disappointed at malungkot ako, akala ko kasi makakasama ko sya ngayon.
Malulungkot din si mommy, expected kasi nya na darating si Eunice. Magaan kasi ang loob nya dito simula ng una nya itong makita, aside from the fact na idolo nya din ito. Bibihirang humanga si Mommy sa mga naging katambal ko sa kahit na anong drama o teleserye ko.Pangalawa pa lang si Eunice. Ang una ay si Mina Yoo.
"Ay ganun ba?! Pasensya na Lee Minho ha biglaan kasi ang schedule na to eh, hayaan mo sasabihin ko kay Eunice. Baka nakalimutan nya din sa dami ng trabaho" sabi nito.
"Ok Joey...Salamat" yun lang at pinindot ko na ang end call.
Bumaba pa din ako ng sasakyan para iinvite na lang yung family nya siguro naman nandito sila.
Sa labas ng bahay, madami ng sasakyan ang nakapark at kasama ko ang nanay ni Joey at ang ang kapatid nito. Medyo atubili pa nga silang sumama dahil wala si Eunice at nahihiya daw sila dahil siguradong mayayaman daw ang nandoon. Pero napilit ko din sila.
"Tayo na po" aya ko sa kanila para bumaba na ng sasakyan at pumasok sa loob.
"Sigurado ka ba iho na hindi nakakailang kung makikihalubilo kami dyan sa okasyon nyo? Tingnan mo nga at halos de sasakyan ang mga bisita ng mama mo." pag-aalala nito.
"Naku Aling Miriam wag po kayong mag-alala at karamihan naman po sa bisita ni Mommy eh mga staff nya at ang mga sasakyan po na yan eh arkilado po ng parents ko para service po sa kanila pag-uwi" paliwanag ko.
"Ah ganun ba? ke bait naman pala ng mga magulang mo noh, kaya pala ganyan ka din kabait. Ang swerte ng mga staff nyo may mabait silang amo" sabi pa ni Aling Miriam.
"Eh Nanay, pwede po ba tama na yang speech nyo, gutom na ko" reklamo naman ni Khyle.
"Tara na po" sabi ko.
"Dyaskeng bata ito hindi na nahiya!" sabi ni Aling Miriam habang bumababa na ng sasakyan. At si Khyle eh nakababa na mula sa likuran.
Pagpasok namin sa may gate, nanduon si Mommy at sumasalubong sa mga bisita nya. Puno na din ng sasakyan ang loob.

BINABASA MO ANG
My Idol My 1st Kiss!?
Roman d'amourSi Eunice Kim. Isang trainee sa Starbuilder Entertainment. Nag-audition at nakapasa sa isang upcoming drama na ang main actor ay si Lee Minho. Ang idolong matagal na nyang pantasya. Ang hindi nya inaasahan, ang idolo nyang ito ang magiging firs...