[Minho's POV]
Sunday ngayon and kapag sunday palaging nagsisimba ang parents ko. At kapag wala naman akong trabaho, sumasama ako.
Since nagstart ang teleserye medyo nagkaron ako ng time para sa sarili ko and parents ko na din. Kailangan kasing matapos ang teleserye in due time at nasa producer na lang if gusto pa nila itong i-extend. Pero after this madami na akong naka-line up na projects and commitments abroad.
Kasalukuyan kaming nasa simbahan ngayon. Sa kanan na mga hilerang upuan pumwesto ang mommy at ang daddy ko.
Wala pang masyadong tao, first mass kasi tinatamad pang gumising ang ilan.
Palinga-linga lang ako. At kapag nakikita ko ang ilan sa simbahan, nagsisikaway sila. Sanay na ako sa ganito kapag nagsisimba, pati ang mga parents ko, hindi na nila gaanong pansin ang ganitong sitwasyon.
Nang mapadaan ang mata ko sa entrance ng simbahan. Isang pamilyar na mukha ang nakita ko.
Si Eunice. At kasama si Joey at may dalawa pa. May edad na ang isang babae na kasama nila at ang isa naman eh matangkad na binatilyo na may hawig kay Eunice. Sinundan ko ng tingin si Eunice, gusto kong makita kung san sya uupo at sa bandang harap ng panggitnang mga upuan siya pumwesto pati ang kasama nito ay duon na din.
Naisip ko agad na lapitan ito. Hindi na ako nagpaalam sa parents ko kasalukuyan kasi silang nagdadasal.
Tumayo ako at naglakad papunta sa harapan kung saan nakaupo si Eunice at ang mga kasama nito. Nakaluhod si Eunice at nagdarasal, patay malisya akong lumuhod sa tabi nya at kunwaring nagdarasal din. Nang maramdaman kong umupo na sya. Nagsign of the cross na din ako at umupo na din. Patay-malisya pa din ako ni hindi ako tumingin sa kanya, sa harapan lang ako nakatingin kahit na alam kong nakatingin sya sa akin at hinahantay lang na tumingin ako. Nangingiti lang ako sa ginagawa ko para kasi akong bata. Ewan ko ba, natutuwa lang kasi ako na asarin sya.
Nagsimula ng kumanta ang choir at tumayo na ang lahat. Naglakad na din ang pari papunta sa altar.
Hindi ko alam kung bakit masaya ang pakiramdam ko ngayon. Dahil ba sa kasama ko si Eunice? Ano ba ang dahilan kung bakit sa tuwing nakikita ko sya eh nabubuo ang araw ko?
Matagal ko ng dasal na sana kapag natagpuan ko na ang babae na titibok ang puso ko eh sya na ang magiging panghabambuhay ko. Hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko. Kailangan ko munang siguraduhin bago ako gumawa ng isang malaking desisyon.
Ama namin na. Tumayo na ang lahat at kumanta ng ama namin habang nakalahad ang palad. Bigla ko lang naisip na hawakan ang kamay ni Eunice.
Hinawakan ko bigla ang kamay nya at nagkunwaring taimtim na nagdarasal. Pilit nya naman itong hinihila pero mas lalo ko lang itong hinigpitan.
Nang matapos ang awitin, hinila nya bigla ang kamay nya at sinimangutan ako. Ang cute nya lalong tingnan kapag naiinis na sya.
***
[Eunice POV]
Kinabukasan. Maaga kaming pumunta ni Joey sa SBE para sa recording ng album ko. Bukas pa ang shooting ng teleserye kaya recording muna ako. Ang isang bagay na gusto-gusto kong gawin.
Malapit na kami sa building ng mapansin namin ni Joey na maraming reporter sa labas. Hindi tuloy makapasok sa tapat ng entrance ang taksing sinasakyan namin.
Biglang nag-ring ang phone ni Joey.
"Hello" sagot nya.
"Oh?"
"Malapit na sa Entrance kaso hindi kami makapasok. Bakit ba madaming reporter dito?" tanong ni Joey sa kausap.
"O sige" yun lang ang huling sinabi nya sa kabilang linya at hindi na ito nag-abalang magbabay pa sa kausap.

BINABASA MO ANG
My Idol My 1st Kiss!?
RomansaSi Eunice Kim. Isang trainee sa Starbuilder Entertainment. Nag-audition at nakapasa sa isang upcoming drama na ang main actor ay si Lee Minho. Ang idolong matagal na nyang pantasya. Ang hindi nya inaasahan, ang idolo nyang ito ang magiging firs...