#Confront Joey or Not?!

41 3 0
                                    

Joey's TOT

Ouch! Sapo ko ang ulo ko paggising parang binibiyak.

Ganito pala ang epekto ng alak, pero ang hindi ko maintindihan kung bakit madami pa din  ang adik dito.

"Buti gising ka na lasengga!!"

Nasapo ko bigla ang dibdib ko dahil sa biglang pagsasalita ni Eunice.

"Ha?! Ginulat mo naman ako Eunice eh!"

Hindi ko kasi alam na nasa kwarto na pla sya.

"Hangover? I told you na wag uminom ng madami, ang tigas kasi ng ulo mo!" sabi nito at diretso sa banyo.

Pagbalik nito ay may dala na itong gamot at iniabot sa'kin.

"Here. Inumin mo." sabay abot sa palad ko.

"Maligo ka na din para Gumaan ang pakiramdam mo. Kung hindi mo kaya, magpahinga ka na lang muna ako na lang ang pupunta sa meeting mamaya."

Sabi nya habang nakahalukip-kip ang dalawang kamay sa harap ko at seryoso ang mukha.

"Nakakagulat ka basta ka na lang sumusulpot!"

"Mas nakakagulat ka. Lasengga."

Yun lang ang sabi nya at nilayasan nya na ako na naka poker face pa din.

"Anu daw?! ......Anu nman ang ginawa ko para magulat sya? ....Ang weird ha! Galit ba sya dahil nalasing ako? Minsan lang naman, ang KJ! ha!"

Nilunok ko na lang ang gamot na binigay nya kahit walang tubig at kumuha ng tuwalya, ililigo ko na lang ito baka mawala ang hangover ko.

After kong maligo medyo gumaan ang pakiramdam ko. Naghanap ako sa cabinet ng isusuot ko today.

Bigla kong naisip, bakit kaya hindi ko i-apply sa sarili ko ang pagiging fashionista ko.

Madalas kasi nakamaong lang ako at t-shirt na small size. Kay Eunice ko lang inaaplay yung frustration ko as a fashion designer.

Now its time na iapply ko naman sa sarili ko.

It is time to make a change, Joey.

*****

Eunice TOT

Pag-gising ko naisip ko agad puntahan si Joey sa room niya.

Tulog pa ito. Balak ko sana syang kulitin about dun sa love na sinasabi nya kagabe.

Pero naisip ko na hihintayin ko na lang syang mag-open up, kung kelan ready na sya.

Nagising na ito na sapo-sapo ang ulo.

"Buti gising ka na lasengga!" sabi ko sa kanya ng makita ko sya sa ganung akto.

Bigla nya sinapo ang dibdib nya ng marinig ang boses ko. Hindi nya kasi alam na andun ako sa kwarto nya.

"Hangover?" I told you na wag uminom ng madami, ang tigas kasi ng ulo mo." at pumasok ako ng banyo para kumuha ng gamot sa medicinal cabinet na nakalagay doon.

"Here. Inumin mo" sabi ko ng kunin ko ang kamay nya at ilagay dito ang gamot.

"Maligo ka na din para gumaan ang pakiramdam mo. Kung hindi mo kaya, magpahinga ka na lang muna ako na lang ang pupunta sa meeting mamaya,"

sabi ko sabay halukip-kip ng dalawang kamay sa harap nya.

Seryoso ang mukha ko. Kunwari lang yun. Hindi naman ako galit. Baka lang hindi pa sya ready magtapat kaya wait ko na lang sya kung kailan na nya gusto.

"Nakakagulat ka basta ka na lang sumusulpot!" tanong nya.

"Mas nakakagulat ka. Lasengga" sabi ko lang at lumabas na sa kwarto nya.

Papunta naman ako sa kwarto ko para mag-asikaso. Kailangan ko ng maghanda para mamaya at kailangan ko din magpaganda ng bongga dahil magkikita kami ulit ni Lee minho.

"My Gosh! ♩♬♪Im so excited!♪♬. " sabay kanta habang nagra-running man papunta sa room ko.

"♩♪♬And i just cant hide it....♪♬♩"

"uh ye!" Parang tanga lang ang peg.

****

Kasalukuyan akong nasa sala. Hinahantay ang paglabas ni Joey..nagtxt kasi sya kanina na hintayin ko daw sya at sasamahan nya ako.

Maya-maya may lumabas na isang maganda at sophisticated girl mula sa kwarto ni Joey.

"Joey?! Ikaw ba yan?!" ang pagtataka kong tanong.

Babaeng-babae kasi sya ngayon. Madalas kasi nakamaong pants lang ito at t-shirt, ngayon nakauso syang dress and flat shoes lang naman, sa meeting lang naman kasi kami pupunta para mag high heels shoes pa sya. And nakamake-up sya ha.

"Bagay ba?"tanong nya habang nagpapaikot-ikot sa harapan ko.

"Ang ganda mo! Naku, matutuwa si nanay pag nakita ka. Bakit ngayon mo lang naisip yan? In-love ka noh?!" panunuksong sabi ko na ikinapula ng pisngi nya.

"Ui nagba-blush!" sabay turo ko sa mukha nya.

"Inlove nga si Joey!"

"Inlove nga si Joey! Inlove nga si Joey!" kinanta ko pa.

"Hindi ako inlove noh?! Blush-on lang yan!" sabi nya ng makabawi sa pagkapahiya.

"Let's go na at baka matraffic tayo...remember magkikita kayo ni leeminho today." yun lang at nauna na itong lumabas ng bahay.

Sumunod na din ako.

"inlove na si Joey! inlove nga si Joey!" sabi ko habang nagkakandirit palabas ng pinto.

.......to be continue

A/N:

In-love nga ba si Joey kay Jihoong?!

o baka naman lasing lang?...

Ang nagagawa nga naman ng alak....hehe.

A/Reminder's:

Drink moderately.

Dont drink and drive.

Dont drink and get drunk.

Drink with limitations.

React-react din pag may time.

My Idol My 1st Kiss!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon