#the sensational kiss

29 2 0
                                    

Eeksena lang po muna ang taga-sulat para batiin si Aprille Jane Paica, Agnes Rivera at Mariel Lecerio...hindi po nila birthday..good mood lang po ako and I missed them.

[Minho's POV]

Schedule ng shooting ngayon para sa teleserye at gaya ng dati super excited ako.

Akala ko maaga na ako pero may mas maaga pa pala sa akin. Naunahan na naman ako ni Eunice kasalukuyan itong nagbabasa ng script. Lalapitan ko na sana sya para asarin ulit, lam nyo na yun lang ang way of lambing ko ng hindi nya nahahalata, pero naunahan ako ni Yonghwa, isa sa mga cast, nakalapit na ito kay Eunice bago ko pa maihakbang ang mga paa ko.

Nakaramdam ako ng selos.

Bukod kasi sa gwapo itong si Yonghwa, magaling din itong composer and singer.

Teka, gwapo din naman ako ha.

Bahala ka na nga dyan!

Tsk!Dun pa talaga sa tabi ni Eunice naupo dapat ako dun eh!

Makabalik na nga lang sa upuan ko. Medyo malayo sa kanila ang pwesto ko pero tanaw ko pa din sila  kaya kita ko pa din kung paano makipagbungisngisan si Eunice dito.

Psh!! hindi ko talaga mapigilan ang mainis. Ni hindi man lang napansin ang pagdating ko.

Nakaupo na ako at wala sa sarili na nakatitig sa kinaroroonan nila.

"Ang aga mo ngayon ha?" sabi ni manager Hong. Hindi ko napansin na kanina pa pala ito dito.

"Minho!!" sabay tawag ni Eunice at kumaway pa ito.

Aish! Ngayon mo lang ako napansin! (himutok ko sarili)

Hindi ko sya pinansin. Kinuha ko ang script at kunwaring nagbabasa pero panaka-naka pa din akong sumusulyap sa kanila.

Ni hindi man lang nag-effort tumawag ulit itong babae na 'to o kaya puntahan ako dito.

Aish! at may pahampas-hampas pa ng kamay!!!

"Minho may problema ba? Sobra naman atang makakunot ang noo mo? O baka naman selos lang?" panunuksong sabi ni manager na kanina pa pala pinagmamasdan ang facial expression ko.

"Kanino naman ako magseselos?" tanong ko at ang script na naman ang pinagbalingan ko.

Halos mapunit ang script na hawak ko dahil sa lakas ng paglipat ko dito.

"Sino ang nagseselos kanino?" sabi ni direk na nakalapit na pala sa'kin.

Nagtaas lang ako ng mukha at muling binalik ang attention ko sa script.

"About sa eksena nyo today, actually hindi nakalagay sa script na may kissing scene kayo. Mas kelangan kasi na maging mas natural ang eksena para maging natural ang reaksyon. After ng dialogue mo, bigla mo syang hahalikan" walang preno na sabi ni direk na dahilan para tingnan ko sya. Para bang its not a big deal ang isang kissing scene.

"Hahalikan ko si Eunice??!" gulat kong tanong.

Kissing scene kasi iyon at kay Eunice. It's a big deal. I know what I feel for her but I can manage to hide it. I dont know if I still can, after this scene. Baka biglang kumawala ang nararamdaman ko para sa kanya at hindi ko na kayanin pang itago.

"Bakit Lee Minho may problema ba? Its not your first time naman na magkaron ng kissing scene diba?" pagtataka naman na tanong ni direk.

"Ahh wala naman direk...Nasabi nyo na ba sa kanya?"

"Mamaya ko na lang sya kakausapin. Sige tatawagin ko na muna ang make-up artist then take na tayo" sabay lakad palayo but i doubt kung sabihin ito ni direk sa pagkakasabi nya kasi kanina gusto nyang maging natural ang reaksyon ni Eunice. Kasama din kaya dun ang pagsampal sa akin. Baka kasi masampal ako ng babae na to dahil sa kabiglaan.

Balak ko sanang sabihin sa kanya pero ng makita ko na naman na nag-eenjoy sya sa kausap nya kanina......

Psh! hindi bale na lang! sabi ko sa sarili ko at bumalik na lang sa kinauupuan ko.

Pinatawag na kami ni direk para mag-rehearse ng eksena sa totoo lang hindi ko alam kung saan side ko sya hahalikan. At siguro naman sinabi na ni direk yung magiging eksena kay Eunice.

Right now, im just staring at her. Wala akong salita na mahanap para sabihin sa kanya. And she's smiling at me. The sweetest smile I've ever seen. The reason why my heart jumped everytime I see her.

"Tinatawag kita kanina hindi mo ko pinansin..." nagpout pa ito na parang bata.

"Ha?! Tinatawag mo pala ko? Ahh...ehh..sorry baka busy lang? Hindi pa kasi ako nagbabasa bg script eh" kunwari lang syempre.

"Ahh. Oo, seryoso ka nga kanina eh. Para bang galit. Kaya hindi na kita tinawag ulit baka kasi makaistorbo pa ko."

Kaya pala hindi na ko pinilit.

"Ha?! Ako? Galit? Bat naman ako magagalit? At tsaka kanino?...hehe"

Nagkibit lang sya ng balikat para sabihing ewan.

Naputol na ang kwentuhan namen kase sumigaw na si direk, hudyat na para gawin na ang eksena. We ex-changed the dialogue and do what i needed to do. I suddenly hold her nape and bring her lips into my lips. ♥♥Nung una gusto nyang kumawala sa pagkakahalik ko, initial reaction ng mga nabigla, pero mas lalo ko lang itong hinigpitan.

Im sorry Eunice. I wanted to tell her.

Nakalapat pa din ang labi ko sa labi nya hanggang sa wala na akong maramdaman na pagtanggi. Kundi ang pagsabay ng labi nya sa mga labi ko dahilan para mahulog akong lalo sa nararamdaman ko para sa babaeng ito.

Pumikit ako at itinuloy ang paghalik sa mga labi nya. I just let my true feelings run through this scene. Hindi ko alam kung gaano kami katagal ganito.

♡♡♡I stopped, to stare at her, and she slowly open her eyes and looked at me. Bigla syang humawak sa magkabilang gilid ng shirt ko na parang matutumba and I embrace her and kiss her forehead.

At duon na sumigaw ng "cu....CcUTt!!!!" parang nabigla pa si direk ng sabihin ito at nagpalakpakan ang mga staff, pati si Yonghwa na kaninang kausap ni Eunice nakipalakpak din at sinundan pa ng "GOOD TAKE!!! LEE MINHO & EUNICE...kamuntik ko ng malimutan na shooting ito. It's just like I'm watching the real lover's that are so in-love with each other! " sobrang tuwa ni direk.

"And Eunice, I'm sorry for not telling you the scene. Because I want the outcome to be like this....sooo natural! sooo real!" paliwanag nito kay Eunice na walang reaction.

"Okay! Yun na muna for now pack-up na muna tayo. Para makapagpahinga na din muna si Eunice" at iniwan na kami ni direk.

"Im sorry" bulong ko sa kanya.Nakalapit na sa amin si Joey.

"Eunice?! ok ka lang" worried si Joey pero tumango lang ito at humawak sa kaibigan.

"Lee Minho and Eunice, come here. It was a nice take and a very realistic act too, tingnan nyo. Come here" tawag ni direk.

I hold her hands para lumapit kay direk. Nanlalamig ito. Na-guilty tuloy ako dahil hindi ko sinabi yung magiging eksena and nobody told her.

Bigla nyang hinila ang kamay nya.

"ii....t's ok. Maganda naman ang kinalabasan" sabi nya at nauna na itong lumakad papunta kay direk.

We watched the scene together with the other people behind us. Nasa likuran ako ni Eunice, while she's staring at the monitor.

Very realistic nga ang eksena and full of emotions.

Full of emotions talaga dahil yun ang tunay kong nararamdaman while doing that scene.

Si Eunice kaya? Totoo din kaya yung pagganti nya ng halik sa akin? Parang totoo kasi sa pakiramdam ko? o ako lang ang may pakiramdam nun?

My Idol My 1st Kiss!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon