#Ang Pagtatagpo

95 4 1
                                    

Kinabukasan.

Araw ng audition ko.

Mas nauna pa akong nagising kaysa sa alarm ko. Ewan ko ba, parang excited ako na ninenerbyos.

Tiningnan ko ang oras sa cp ko 6:10 pa lang ng umaga, 9 o'clock pa naman ang punta namen sa SBS studio kelangan ko munang magrelax.

Naisip kong magjogging. Tama jogging muna ako.

Pumasok ako ng banyo para sa aking everyday routine. Paglabas ko nagpalit na ako ng outfit panjogging.

Leggings na black na medyo makapal ang tela at white shirt na tama lang sa katawan ko.

Naglabas na din ako ng towel pamunas ng pawis.

Ipinusod ko muna ang buhok ko pataas bago ako lumabas ng kwarto.

Balak ko sanang isama si Joey sa pagdya-jogging kaso tulog pa daw sabi ni nanay Miriam, na abala naman sa pagluluto ng almusal sa kusina. Maaga kasi itong nagigising para mag-asikaso na sa bahay at sa aming lahat. Sobrang maasikaso kasi yan.

Kumuha na lang ako ng inumin sa ref na bibitbitin ko pag-jogging tas inayos ko ang mp3 sa braso ko at naglagay ng headset sa tenga bago ako tuluyang lumabas ng gate.

Kasalukuyan na akong tumatakbo.

Naisip kong libutin ang buong subdivision, hindi ko pa kasi nalilibot ito eh, yun ay kung kaya ko.

Try ko lang wala namang masama eh.

Nasa tapat na ko ng park, tiningnan ko ang oras sa relo ko, magse-7:30 na pala naisip kong bumalik na sa bahay.

Napatingin ako sa braso ko, napansin kong malalaglag na pala ang mp3 sa pagkakalagay nito. Kaya huminto muna ako sa pagtakbo at naglakad na lang muna habang inaayos ko ang pagkakalagay.

Boogshh!! (~_~メ)

Nang biglang may taong bumangga sa sakin. Medyo malakas ang pagkabangga. Natumba ako eh.

❇⭐Tsaka nakakita talaga ako ng mga stars pramiz.(~_~メ)

Hindi naman ako nagalit. Mabait kaya ako :-)

Tingin ko kasi kasalanan ko, hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko. At ayoko din ma-stress dapat good vibes today. Ngayon ang Audition ko remember?

Pero sa isang banda, hindi ba dapat kung nakatingin din sya sa kalsada iniwasan nya ko? Anu sya nakapikit? (⊙o⊙)

Whatever!

"Naku miss!" narinig kong sabi nung nakabangga sakin habang inaalalayan akong tumayo.

Medyo hilo pa ko dahil sa mga stars.

Nang nakatayo na ako magso-sorry

sana din ako. Pero.....

"sorr....."❗❕

❗❕Boooggsshh ulit!

Ayun nagkauntugan ulit kame.

"Ouchhhh. huhu!" Anu ba ito. My goodness naman.

Sapo-sapo ko ang noo ko. At walang nasabi kundi....

"Aray, Naku..." parang kanta lang.

Sabay pala kaming yuyuko para mag-sorry sa isat-isa.

Nag-worry naman ako sa nakauntugan ko.

Hindi ko makita ang mukha nya kasi nakasuot sya ng hood bukod sa hawak nya pa ang noo nya kaya natatakpan ang mukha nya at may katangkaran sya sakin. Parang kasing taas niya ang idol ko.

My Idol My 1st Kiss!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon