Naglalakad na kami, at buti nalang dina nagpakita yung babaeng yun sa kin. Pero seryoso, kahit sa cafeteria at sa taas diko siya nakikita. Siguro di na talaga siya nagpapakita sa kin? O kaya naman baka absent lang siya. Errr, ba't ko pala siya hinahanap?*iling iling
Haayyy, anong nangyayari sa kin? Eto naba? Pinakulam niya na ba ako, kaya ako nagkakaganito? Sana naman hindi! Pero ugh, parang hinahanap hanap kasi ng ilong ko ang amoy niya eh. Hayyyss, wag na nga siyang isipin.
Paakyat na kami ng room nang makita ko si Crush, oo si Kuya Pogi. Nginitian niya ako at parang di niya kasama si Van. Hmm. Argghh!! Bakit ko ba naalala yung babaeng yun?!! Hay. -____-
Nasa corridor nakami sa 2nd floor papunta na ng room, may nakasalubong kami at,
" Good morning, BSHRM students kayo, right? ( tumango ako pati na din sina Lhea at Candy) Okay, we have an orientation later after this break, and please keep your other classmates informed. Thanks. " - sabi ni Kuya, member ata siya ng Student Council.
-----
Narito na kami ngayon sa MPH( Multipurpose Hall) ng school na 'to. Grabe anlaki at anlawak rito. Pito ata ang aircon dito, hayy. Grabe sosyal talaga ng school!!
Nakaupo na kami at kasama namin ang iba din kurso. At talagang ang ingay ingay rito dahil sa dami ng mga estudyante.
At nang.....
" May I have your attention folks?" - sabi ng tinig, nakamic ito at napatingin naman kami.
Si Kuya Brent ang nagsalita at hawak hawak ang mic. Wow angwapo talaga ni Kuya!!
( Kung makakuya, kapatid mo te?! Nga pala pic ni Brent nasa gilid. -----> )
Watevs, wag kang epal. Moment ko 'to, shit lang gumagwapo siya. Isa rin ba siyang member ng student council?
" Good Morning Sir! " - bati nang ibang estudyante, pati din sina Lhea at Candy.
Whhattt?? Sir? Siya Sir? Ugh, isa ba siyang Prof/ Faculty member? At di siya estudyante na katulad namin?
Siniko ako ni Candy at napaharap ako sa kanya, " Uii, si Kuya Brent oh. Yie.... Kilig ka noh? "
At sinabunutan ba naman ako ni Lhea at ansakit!
" Aray naman kung makasabunot to!? " - pinanlakihan ko siya ng mata ko pero diman lang natakot.
" Gwapo niya noh? Bruha ka, matutunaw siya, maawa ka sa kanya! " - si Lhea, na madaldal.
Ang iingay nila kaya yung ibang estudyante ay nakatingin sa amin, yung iba nag ssshh, yung iba naman ay hay nako. Ako ang nahihiya sa kanila eh, imagine parang mas kinikilig pa ang mga 'to kesa sa kin. Naman!
Napatahimik din yung dalawa sa wakas at nakinig kami kay Kuya Pogi. Pinaliwanag niya ang mga rules and regulation, mga parte ng school, etc. At pinatayo niya ang mga member ng Student Council.
Pagkatapos bumalik ang mga tingin namin sa monitor, ipapakilala ni Kuya ang mga kasosyong negosyante sa school na 'to, mga piktyur nila nasa sa monitor.
At bigla akong napatutok sa screen ng monitor, shit parang familiar ang mukha nung nasa larawan.
Si Kuya Brent at si....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.Si Van.
O____0
Nakalagay roon na sila ang mga may ari ng unibersidad na 'to.

BINABASA MO ANG
You(girlxgirl)
HumorMaarte, Liberated, maldita at iba pang negatibong salita ang gustong ikapit ni Marie kay Van.Wala siyang pakiyelam if everybody likes her. Para sa kanya, panggulo lang ito sa buhay niya at di lang ito basta panggulo dahil siya ang nagiging hadlang s...