13.5

4.8K 104 5
                                    


"What the eff!"

"Gosh, I don't believe this?!"

"Oh my, is she!?"

"Seriously, her!?"

"Wow they're so sweet!!"

"Yeah, ang swerte nung girl oh. Ang hot kaya ni Lady,"

"Kaya nga, that's why I envy her. Ang taray ng bangs ni ate,"

"Yep, san pa siya,"

"You go girl!"

Ilan lang yan sa mga naririnig ko sa bibig ng mga babae habang naglalakad kami dito sa hallway na magkaholding hands ng mangkukulam.

Grabe kung makatili, wagas? Daig pa nila yung wangwang! Ansakit sa tenga kulang nalang mabasag yung eardrums ko. Urgh!

Pero sino naman ang sinasabihan nila ng ganun? At pansin ko, nakatingin sila sa min? Kami ba yung pinag uusapan nila? Oh my g, nakakailang.

Kaya,

Inaalis ko na yung kamay ko sa kamay niya kaso lalo niya pang hinigpitan. Shemay naman oh! Talagang inaasar ako neto, hah!? Bakit naman kasi gustung gusto niya akong pinapahiya rito? At ba't kaylangan niya rin akong kaladkarin.

"Hoy witch, bitiwan mo na yung kamay ko. Kaya ko pong maglakad nang mag isa," sabi ko sa kanya ngunit ang sagot niya ay,

"No,"

At wala na akong nagawa baka kasi pag nagpumilit pa ako ay ipapahiya niya pa ako rito sa buong campus.

"Wow kakakilig sila,"

"Yeah Kilig to the bones!"

Mga shunga, eh adik din yung mga 'to noh? Isa lang akong alalay ng bruha kung makatili para silang ginagahasa ng kabayo. Sakalin ko kaya sila para naman matuwa ako?

Nakita ko din sina Myka, Bianca at iba pa niyang kasama na nakatingin ng masama sa kin at umirap din.

----

Pagkatapos ko sa opisina ni  Van, may bitbit akong bag na bigay niya, kesyo luma na daw yung bag ko at sira na yung zipper, kaya tanggapin ko daw, ang sabihin niya lang di siya sanay nakakakita nang mga pangit na bagay kaya siguro ganun at talagang maarte lang siya, naaawa naman ako sa bag kong nilait lait niya. Papunta na ako ng rum nang bigla akong hinarangan nina Myka.

"Ohh my G, looks who's here?" panimula ng lider nila na si Myka naka pamaywang pa ito. Mukhang pagtitripan na naman nila ako.

Bwisit naman, wala akong panahon sa ganito kung bakit ako ang napiling favorite plaything nila? Gosh lang.

"Yeah, and I think she enjoys the attention awhile," sabi nung isa, ewan ko kung anong pangalan niya eh.

"So what's the feeling girl?! Having a good time!?" yung isa na makapal yung make up, grabe nakamura ata siya ng baking powder sa bakeshop ah? Mukhang bineyk niya muna ang mukha niya dun sa oven.

"Pakiusap lang, wala akong panahon sa inyo, okay?" nagtitimping saad ko sa kanila mukhang nang iinsulto na ang mga ito.

Ano bang problema nila sa kin?! Antahimik ko dito, tapus sila? Guguluhin nila ako.

Pahakbang na sana ako palayo sa kanila ng bigla nilang hawakan ang kaliwang braso ko. Argh, leche naman.

"Wait miss, we're not yet through. You're sooo ohh rude. Let me file somethin, porket malapit ka kay Savanna, does not mean that you can rule this school just like us. Remember you're still a rag," pang aalipusta ni Myka, namumuro na 'to sa kin ah. Tch.

You(girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon