Shet eto na ang araw ng paghatol. God, help me. Kung ba't pa kasi nahulog ang mga alahas niya. Mahalaga pala talaga sa kanya ang mga yun at binigay ng mama niya.
Kaasar kasi siya eh, kung sanang binitawan niya kamay ko, walang mangyayaring ganung insidente.
Pero ahm, papasok kaya ako? Ehh kasi naman eh, natatakot ako. Kung anong plano niya sa kin? Ipapakain niya ba ako sa buwaya o ipapatusok ako sa bubuyog na si Jollibee?
Ayy shocks, ngayon lang ako tinamad na pumasok ng school! Eh kasi naman ngayon daw sabi ni Van.
Wag nalang kaya akong pumasok?
At nang,..
" Uyy panget! Tara na sa school!" sabi nila pagkapasok nila sa bahay.
" Antagal mo te! Anong balak mo? Kanina ka pa namin hinihintay sa park!" Lhea
" Wala kabang balak pumasok?" Candy naman.
Nakaupo kami sa may sala.
" Nakakatamad kasi eh, di muna ako papasok!" pagririson ko nalang.
Pinanlakihan nila ako ng eyes, wow me ganun?!
" Anong drama 'to, Marie? Di tayo kikita jan! Tara na nga!!" sila at talagang hinila pa ako patayo at kinaladkad sa kwarto ko at pinilit magbihis.
Walang gana at tamad akong nagbihis para sa kanila. Kaya kinuwento ko naman ang nangyari kagabi at ang atraso ko kay Van.
" Naku panget, antapang mo ah? Pero magready kana ah, ginalit mo si Lady I'm sure doble ang gagawin niyang kabayaran sa yo!" sabi ni Lhea sa kin.
Nagsasapatos na ako ngayon..
" Yup. Ano kaya ang magiging hatol ni Lady sa yo?" si Candy na pumormang nag iisip.
" Oo nga noh? Pero baka gawin ka niyang alalay! Ang swerte mo lang kung ganun!"
" Haay anong swerte dun? Eh makakasama ko siya at papahirapan niya ako!?"
" Yun na nga eh, makakasama mo siya at may chance kang humingi ng beauty tips mula sa kanya! Diba, Lhea?"
" Oo nga, kaya swerte mo lang kung ganun! "
Hay nako, sila talaga.
---
Room..
Tapos na ang first period, at buti naman wala pang nangyayaring masama sa kin. Thank you Lord.
Sa ngayon, gumagawa kami ng essay.
Nang...
Bumukas ang pinto at niluwa nun ay isang babae, buti naman di yung witch!
" Good morning. Ms. Savanna just send me here, to pick someone. By the way, who's Ms. Castañeda? "
Shete, eto na nga ba ang sinasabi ko eii. Lagot na talaga ako sa mangkukulam na iyon! Nakayuko at magtatago sana ako ng tinuro ako ng mga kaklase ko..
Bwisit, mga epal talaga..
" So you're Ms. Castañeda. I'll see. Okay follow me." Sabi nito na nakatingin sa kin at nauna nang lumakad..
Tumayo naman ako at sumunod sa kanya, baka kapg di ako susunod ay madagdagan na naman atraso ko.
Yeah, party party! Eto na ang resbak ng witch.
Mga malayo layo kaming naglalakad mula sa klasrum namin.
Baba, and then lakad.
At napansin kong Huminto na pala kami sa may tapat ng pinto.

BINABASA MO ANG
You(girlxgirl)
HumorMaarte, Liberated, maldita at iba pang negatibong salita ang gustong ikapit ni Marie kay Van.Wala siyang pakiyelam if everybody likes her. Para sa kanya, panggulo lang ito sa buhay niya at di lang ito basta panggulo dahil siya ang nagiging hadlang s...