8

4.3K 123 4
                                    

---

HEATHER' S POV

" Do you know her? " - rinig kong tanong ng kasama ni Van sa kanya habang papalapit ako.

" No, I don't. " - sagot ni Van sa mga kasama niya.

Sa pagkakarinig ko nun, lalo ko siyang kinamumuhian at naiinis ako lalo sa kanya dahil sa pagkasabi niyang di daw ako kilala. Alam ko naman na nasigawan ko siya nun pero parang piniga ang puso ko sa pagdeny niya na di niya ako kilala? Sa ngayon narito ako sa banyo dahil nagpapalit ako ng damit, nabasa kasi nung nilalagay ko sa mesa nila.

Alam kong sinasadya niya yun. At ako na naman ang napagtripan niya. Haaay, maldita talaga ang babaeng yan kaya panget din ang trato ko sa kanya. Biruin ninyo nung sa banyo akala ko anong gagawin niya sa kin at nantitrip lang pala siya. Anong akala niya sa kin, magpapaloko sa kanya? Siguro alam niya na palaban ako kaya ako na ang pinagdidiskitahan niya. Haay, kundi lang siya isa sa may ari ng school kakalabanin ko siya ngunit sa kasamaang palad, isa siya. Kaasar!

Naman oh, ba't ako pa ang napagtripan ng maarteng yun, pwede naman na iba. Bakit ako pa? Ako naba ang chosen one?

Alam ko enemy niya na ako dahil sa pagkasabi ko nun di kami friends. At ngayon enemy na ang turingan namin! Omo! At eto ako ngayon makakaranas na ng paghihirap sa kanya pero diko hahayaan na ipatalsik niya ako sa school, ako nalang nga ang pag asa ni Tatay kung di pa ako mag aaral.

Diko pa pala nasasabi sa inyo na nagtatricycle lang si Tatay kaya ako nagtrabaho sa isang fastfood para nadagdagan kita namin. Day off ko ay sa mga araw na Tuesday at Saturday.

Nangungupahan lang din kami sa apartment. Iniwan kami ni nanay noong ako'y tatlong taon gulang pala mang at sumama nasa ibang lalaki dahil di niya daw kayang mamuhay ng ganitong sitwasyon.

Pero kami ni Tatay, di kami nagrereklamo sa ganitong kabuhayan, makakaraos din kami tiwala lang.

Kahit ganito yung sitwasyon namin, masaya kami at kinukuha ko nalang sa pagtawa at ngiti. Tinatanong ninyo ba kung bakit ayokong tawagin akong Heather? Eh kasi si mama ko ang nagpangalan sa kin niyan at si Papa namanMarie. Kaya ayoko talaga ng HEATHER dahil binibigyan ako ng HEADACHE at naalala ko lang si mama. Okay, tama na ang pagkwento sa talambuhay ko.

Buti nalang patapus na ang duty ko sa fastfood na 'to at makakauwi na rin sa bahay. Pero bago ako umuwi nagtext ako sa dalawa kong kaybigan para ibalita na narito na pala ang bruhang si Van sa bansa!

TO: KAPALMUKS_ LHEA, KAPALMUKS_ CANDY

Mga aswang! Nandito na pala ang dakilang mangkukulam na si Van. Aww, pa'no ako bukas niyan, baka ipakick out niya ako! At hulaan ninyo mukhang galit nga siya sa kin. Huhuhu. Ano nang gagawin ko?! Textback.

Message Sent √

Palabas na ako ng C. R at,

" Hatid na kita? " - si Henry, katrabaho ko siya nakangiti pa ito. Well gwapo naman ito at madalas sa mga katrabaho namin na asarin kami sa isa't- isa pero hanggang pagkakaibigan lang ang trato ko sa kanya.

" Hindi na, salamat nalang. " - ako sa kanya at lumabas na.

Nasa parking lot na ako sa harap nang naturang foodchain. Sanay na akong nakakakita at naiinggit din sa mga may kotseng nakaparada dito.

Haay someday magkakaroon din ako ng mga niyan. :)

< Tuntintuntintun! >

Hay ringtone ko pala yan, anpanget noh? Haha. Mukhang nagreply ang mga bruha. Binasa ko ang mga messages nila.

You(girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon