4

5.8K 129 9
                                    

HEATHER' S P.O.V.

Haaaaay, umpisa na ng paghihiganti nung babaeng maarteng yun. Diko na alam name kaya tawag ko sa kanya maarte, di kasi ako interesado sa kanya eeh. Malay ko ba, baka nakikipagfriends lang siya eh tricks niya lang yun at sa huling banda ay dun siya aatake. Kaya kaylangan kong mag ingat.

At talagang pinuntahan pa ako sa room kahapon, eh di naman talaga masakit ang ulo ko at sadyang nagtitipid lang ako.

( KURIPOT ka talaga! At iniiwasan mo rin yung babaeng yun. Tama? )

Oo, iniiwasan ko yung babaeng yun. At sa kakaiwas ko naman ay talaga pang pinuntahan pa niya ako sa room. At salamat na rin sa mga bruhilda kong mga kaybigan na sinabi pa na masakit ulo ko. Mga baliw talaga!

Pero infairness, sa Scott University nag aaral si Kuya Pogi at nalaman kong Brent pala ang name niya. Ang gwapo talaga niya!! Sana wala nalang siyang girlfriend at kung ganun handa akong lumandi! Hehe, joke lang. Pero tsk, sumagi na naman sa isip ko ang mukha ng babaeng maarteng yun. Hay ewan ko ba, baka eto na ang simula? Pinakulam niya ba ako? Oh my kabayo, hindi!

Palabas na ako sa may gate namin at may napansin akong may nakapark na sasakyan. Ang sasakyan ay di pang ordinaryo, mamahalin at makintab. And It's a luxury car. Nakonsyus tuloy ako, ba' t ito nakapark?

Ang ginawa ko ay patuloy na naglakad at wari'y di ko pinapansin ang sasakyan.

Lakad

Lakad

Lakad

Ohhhhh mmmy!! Nakita kong umandar ang sasakyan at ngayon sinusundan niya na ako!! Wag muna Lord, kaylangan ko pang magka apo sa tuhod!

At talagang ako ang sinusundan nito, huminto ako ay huminto din ito. Kinakabahan na ako, hah. Ang
gagawin ko ay itetext ang dalawa kong friends kung nasan na sila. At bago ako makapindot sa celphone ko, narinig ko ang kotse na bumisina at nakita kong bumukas ang bintana.

At hulahan ninyo kung sino?!!!!

Oo tama kayo, siya yung maarteng babaeng luka luka! Nakita ko siyang ngiti ngiti, grabe tinakot niya ako! Nakakainis siya ah, binabadtrip niya ako! Nanlisik ang mga mata kong nakatingin sa kanya.

" Ikaw?! You! You! Masasakal kitang babae ka, Hah I mean I gonna choke you into death. Walang hiya ka! Tinakot mo ko! " - ako na nilapitan siya at akmang sasakalin.

Ngunit diko nagawa dahil, alam ko naman mamahalin ang kanyang skin at magbabayad pa ako sa insurance niya if nadamage ko. Waaaahhh,.kaasar!!

" I'm sorry. By the way, get in we're going school Heather. " - siya na nakangiti sa kin. At Heather ang tinawag sa kin. Feeling close ang lola ninyo. -___-

Ihhh, nakakailang na ah? Mas maganda pala siya kapag nakangiti. Napatingin naman ako sa labi niya, wow red lips! Ansarap atang halikan?! Oh no, nababaliw na naman ako shit! Natotomboy ba ako sa kanya? No hindi, babae ako! Napapailing nalang ako. Pero sasabay ba ako sa kanya? Baka itapon niya lang ako sa dagat? O kaya naman ipapakain niya ako sa buwaya! Huhuhu! Ayoko nga!

" Ahm hindi eh. Sige una na ko! May kasabay na ako sina Candy at Lhea, hinihintay na nga ako nila eh. Eto kakatext lang. " - ako sa kanya at ginegesture sa kamay ko ang celphone, pero ang totoo diko pa natetext ang mga yun. Asan na nga ba sila?

" But —

" No more buts, sabi ko nga naghihintay sila sa kin eh. "

" Hoy Marie, wag ka nang maarte! "

" Sakay kana kaya at haler wala kaming load ni Candy pano ka namin matetext? "

Boses yun nina Candy at Lhea, asan sila? Oh my gosh,.don't tell me na multo na sila? At, at, at.. It's too late. No!

You(girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon