1

10.7K 153 4
                                    

HEATHER' S P.O.V

Narito kami ngayon sa isang kilalang coffee shop. Libre ni Candy kaya ako narito ngayon, sayang yung libre niya eh. Whahahahaa!

Halos ng mga customers dito mayayaman, ako lang yung hindi. Katunayan afford ko naman eh, kaso sayang yung pera para lang sa coffee, di ako gagastos ng ganito? Yup nagtitipid ako, kuripot ko noh?!

Naglakbay ang paningin ko sa loob ng coffee shop na ' to habang iniinom ang kape. Awwwwwwwww, napaso dila ko!!  Agad ko naman binaba dahil mainit pala ang kape basta basta ko nalang ininom. Pinapaypay ko pa ang dila ko gamit ang kamay ko. Whooo, ang init! Para akong timang sa kakapaypay at tumingin ako sa paligid baka ako na pala ang main attraction dito!

Yung mga friends ko ayun nagboboy hunting ata, panay ang sulyap dun sa mga staffs dito. Hay nako, lalandi ng mga ' to!

Nakita ko ang isang lalaki na customer din na ako ang tinitignan, leche nakita niya ang pagkapaso ko at nag gesture pa siya na if okay lang ba 'ko? Tumango naman ako bilang pagsang ayon, hehe ang concern niya ah. At nginitian ako, may dimples naman siya. Infairness, gwapo siya at tangos ng ilong! At parang siyang celebrity! Ugh, makalaglag underwear! Ang gwapo gwapo niya.

I think Crush ko na siya! 'Nu kayang name ni Kuya?! Hay nu ba yan, lumalandi na naman ako.

Heh, crush lang naman yan diba? Paghanga, walang masama at walang namamatay jan. Pwede kaya akong mag aapply bilang girlfriend niya?! Handa akong magkabf kung siya!! Habang sinusulyapan siya, may napansin ako..... may kasama pala siya isang babae. :(

Nalukot ang mukha ko, girlfriend niya siguro ' to! Awww hindi, akala ko pa naman single siya! Kainis lang! At nakita kong nakatingin sa kin yung girl. Mukha siyang model, ayyy bagay naman sila eh. I'm sure gandang lahi ang magiging anak nila. Nakatingin pa rin sa kin yung gf niya, hinahagod niya ako ng tingin. Napalunok ako, mukha siyang mataray.

Ang ginawa ko nalang iniwas ang tingin sa kinaroroonan nila. Malay ko ba baka iniisip niya na tinitignan ko yung boyfriend niya at may interes ako.

( Eh totoo naman diba?! )

Haay oo na tinitignan ko bf niya, gwapo kasi eh! Pero baka sabihin nung gf niya baka nang aakit ako. Haaay nako ayoko ng away, sa tingin ko wala akong laban dun. At tinignan ko nalang ang kapeng nasa table na hawak ko. Shemay, minsan nalang akong magkacrush at may gf pa!

< puk! >

" Aray! Kung makabatok parang wala ng bukas. " - daing ko na hawak ang batok ko at nakatingin ng masama kay Lhea na siyang bumatok sa kin.

Ansakit kaya, parang minartilyo niya yung batok ko.

" Marie, kanina kapa tahimik diyan. Anong iniisip mo? Wag mong sabihin may boylet kana!! " - si Lhea na kung makasigaw parang walang paki sa paligid. Marie ang tawag nila sa kin dahil ayoko ng Heather!

" Oo nga Marie! Waaaah!! So inunahan mo kami?! Ih ba' t dimo sinabi agad samin! Kainggit ka! " - si Candy na tumatayo sa upuan at nilapitan ako para sakalin.

Walang hiya, ano bang pinagsasabi ng mga to?  Aww, my goshhhh!!! Nakikiliti ako sa pagsakal ni Candy sa kin.

" Ahah-- Haha --- ha-- ha! " - ako, tawa ko. Nakikiliti talaga ako! Alam ng babaeng to kung san malakas ang kiliti ko.

" Hoy Lhea, tignan mo to! Tawa pa ng tawa, sinasakal na nga!  "

" Eeh haha, bitawan mo na kasi haha ako. " - ako

At binitawan naman niya ako, " Akala ko tutuluyan mo na ako, alam ko mahal mo ako ayaw mo pang akong patayin. "

Bumalik naman siya sa upuan niya.

You(girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon