Shocks! Tommorow is another day! At eto na naman ako, another day na naman! At magsisilbi na naman ulit sa bruhildang mangkukulam na yun! Naman! Wala eh. No choice kesa naman di ako makapag aral, kaya tiis tiis nalang.
Maaga akong nagising as usual, kaylangan eh, kasi sinusundo ako ng maaga ng mahal kong amo. Naligo, nagbihis at naghanda na ako pero nakakapagtaka dahil wala pa siya ah. Kasalukuyan ko siyang hinihintay. Ilang minuto, segundo ang lumipas ay wala pa rin siya! Himala wala pa siya. Grabe ano na kayang nangyari sa kanya, natraffic ba? Omo! Baka nahagip ng sasakyan yung sasakyan niya papunta dito! Edi maganda, di joke lang. Haha. Iling iling di siguro, edi sana binabalita na. Baka natutulog pa? Oh em gee, grabe dapat nagtext man siya para di niya ako pinaghihintay ng ganito! Nasasayang lang ang oras ko sa kanya!
Kaya di nako nagdalawang isip at tsaka ko siya tinext, kung susunduin pa niya ako o hindi. Pero malay ko baka di magreply kasi natutulog nga pala ang prinsesa, pano magrereply?
Naghintay pa ako ng 5 minutes sa reply niya pero wala. Kaya nagdesisyon na akong lumabas ng bahay, at narinig ko ang celphone kong tumunog. Tinignan ko. Baka kay Witch pero di pala dahil kay....
From: Kapalmuks_Lhea
Imagine the Zombies looking for brains......At tapos ikaw nilagpasan ka? Ano yun.... Bastusan!?
Good morning people! Maaga akong papasok para sa assignment haha! Pakopya ah!
GM..(Subukan lang ng mga Zombie na lagpasin nila ako. Kundi ko sila ililibing ng buhay!)
Ayy grabe naman si Lhea, talagang iggm pa ang pagkopya niya ng assignment. Nasan na ang kahihiyan niya? At sa palagay ko relate yung gm niya sa sarili niya haha! Naikwento ko na sa kanila ang nangyari sa kin kahapon, at syempre naasar sila at kumalat pa pala yung mga picture at video ko, nakatanggap din sila nito at gusto pa daw nilang rumesbak. Sabi ko naman sa kanila na wag na, dahil nagkadetention sila na galing kay Brent. Sabi din nila kapag binully pa daw nila ako, makikisali din sila. Makikisali din sila sa kin na magpapabully. Di joke, lalaban daw sila. Ano yun boxing, antapang ah? Haha. Pero kahit may pagkasaltik sila sa ulo, maasahan ko ang mga yan at mahal ko sila. Ganyan kaming magkakaibigan, walang iwanan.
At naalala ko sila, baka di pa sila nakakapasok sa school at naisipan kong makisabay sa kanila papunta ng school. Magtatype na sana ako, nang biglang may pumasok na message sa phone, baka gm na naman to at kay Candy galing. Babasahin ko na at di pala kay Lollipop galing, kundi kay Sandwich.
Binasa ko ang text niya, ang sabi niya, di niya daw ako susunduin dahil kasama niya yung Kevin. Haaay nako, yung babaeng yun talaga!! Akala ko tulog pa pero kasama niya lang yung lalaki niya at may date pala sila! Wow hah? Edi wow! Mukhang nag eenjoy na siya sa buhay niya! Subagay yun pala yung someone niya! Malamang tuwang tuwa siya! Siyempre kapiling niya na ang kanyang special someone! Grabe kaylangan ba ulit ulit? Unli ako, unli? Argh, ba't parang bwisit na bwisit ako dahil di niya ako sinundo? Ayy dahil pinaasa at pinaghintay niya ako akala ko pa naman susunduin niya ako. At buong akala ko tulog pa siya kung ano ano tuloy pumapasok sa isip ko, pero di pala kasama niya lang pala yung Kevin!!
(Selos ka te?)
Hala, adik ka ba? Ba't naman ako magseselos. Kutusin kita jan eh. At talaga pang sinabi niyang kasama niya yung Kevin! Urg, pinapainggit niya ata ako dahil may lovelife siya! Edi sila na!
Nakakaasar na kasi siya hah, namumuro na siya sa kin! Di man lang siya nagtext agad para alam kong wala na akong hinihintay! Leche siya! Kahit na kasama niya ang special someone niya ay dapat di niya ako nakalimutan itext agad. To the point, na pinaghihintay niya ako sa wala! Siguro nga plano niya 'to eh, na maghintay ako sa kanya ng wala tapus magtetext lang siya kapag alam niyang oras na talaga! Syet, hanggang ngayon naiinis pa din ako sa babaeng yun, at diko nakakalimutan yung ginawa nila sa akin kahapon at alam kong kasabwat siya! Tuwang tuwa pa siya e!
BINABASA MO ANG
You(girlxgirl)
HumorMaarte, Liberated, maldita at iba pang negatibong salita ang gustong ikapit ni Marie kay Van.Wala siyang pakiyelam if everybody likes her. Para sa kanya, panggulo lang ito sa buhay niya at di lang ito basta panggulo dahil siya ang nagiging hadlang s...