Still Heather' s POVNarito na ako ngayon sa Florida Fastys, may duty ako ngayon eh. At ngayon nasa may counter ako.
" May I take your order, sir?"
" Ahm, gusto ko nang sweet and sour fries, hotdog sandwich at tsaka pineapple juice. Yun lang. Dalawang order. " sabi ng customer.
Pagkatapos magbayad ni Kuya..
" Good day mam, may I take your order?" saad ko with a smile, diko namalayan na ang customer na ito ay si Van.
As usual, mamahalin at magagarbo ang suot suot niyang damit. Mayaman at model eh.
" Yeah, I want you. "
" Huh? Come again mam?" diko masyadong narinig eh.
" I said I want cheese flavor fries, hashbrown, and an ice tea, please. "
" Okay mam."
" It's < just name the price> pesos. "
Kumuha siya sa wallet niya at inabot sa kin, " Here, keep the change. "
Huh, andami pa niyang sobra sa 1 thou. Iba talaga ang mayaman eh, bulasak sa pera!
Pagkatapos niyang magbayad, pasimple akong tumingin sa gawi ng bruha, nag iisa lang pala siya at walang kasama.
Pagkatapos ng ilang minuto, lumapit na naman ulit siya dito sa may counter. Mag oorder na naman ba siya?
Pero ambilis naman niyang kumain? Naubos niya lahat? O baka binigay niya lang sa mga fans niya. At eto siya ngayon, pagtitripan na nman niya ako. :(
" Hello Heather! How 're yah doin?" sabi niya.
Eh bawal naman makipag usap/ makipag kwentuhan sa mga customer kung wala sa trabaho.
" Mam bawal pong makipag usap sa min kung di ukol sa pagtatrabaho." mahinang paliwanag ko sa kanya.
Baka kasi masita pa ako ng manager eh.
" Ohh is that so? Okay, it's just I'm going to wait you outside. " sabi niya at tumalikod.
Buti naman.
Ngunit,..
" Wait! Mildred Savanna? (napalingon naman ang bruha! ) Actually her duty was about to finish. You can talk to her now. Marie, you heard me. Fix yourself, you're done. You can leave."
Whatt?! Eh 20 mins pa lang ako matatapos at pinapaalis na ako ng manager na' to? Dahil lang Kay Van. Anlakas talaga ng babaeng yan!
" But sir, I —" putol na sabi ko.
" No buts Marie, you heard me."
Kaya wala naman akong nagawa, manager na ang nagsalita. Wala sa oras na nakapag out ako sa trabaho.
" Ano na naman ang kelangan mong witch sa kin!? Tsk. Napalabas ako ng wala sa oras." maktol ko.
Nasa may parking area na kami naglalakad papunta sa may kotse niya. Sigurado akong nantitrip na naman tong babaeng to! Kaasar!
At feeling close pa ang lola ninyo dahil hawak hawak niya ang braso ko. Ano ako, escort niya?!
Haay, pero infernes ambango niya. Di masang sang sa ilong ang pabango niya.
" I just want to be friends with you. Why don't you just accept my offer?"
At buti naman bumitaw na siya. Gosh, antangkad talaga niya, nanliliit ako sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
You(girlxgirl)
HumorMaarte, Liberated, maldita at iba pang negatibong salita ang gustong ikapit ni Marie kay Van.Wala siyang pakiyelam if everybody likes her. Para sa kanya, panggulo lang ito sa buhay niya at di lang ito basta panggulo dahil siya ang nagiging hadlang s...