9

4.6K 96 0
                                    

" Nagdeday dream kaba iha, o namumublema kung saan? " - sita sa kin ni Papa.

" Po? Naku, wala po itay. Nakafocus lang po ako sa 'king work at studies. "

Nasa may dining area kami, nag aagahan. At nagreready na siya para pumasada. Napansin niya siguro na tulala ako.

Iniisip ko lang na papasok na ako sa school at etong si Van ay nakagawa na ng hakbang para ipatalsik ako ng school.

Yung kagabi siguro ay pakitang tao lang sa mga fans niya dahil sa pagpapahiya niya sa kin, para sa ganun maganda pa din ang tingin nila sa kanya.

Haaay ang maldita niya talaga! -___-

" Nakikita ko kasi sa mga mata mo na parang anlalim ng iniisip mo. "

" May quiz po kasi kami Tay, kaya ganun . Nga po pala, kumusta naman po ang pamamasada ninyo? " - pag iiba ko ng paksa.

" Eto inaalat ako ng dalawang beses. Una, nasita ako ng pulis at natiketan. Pagkatapos, naplatan ako ng gulong. " - sabi niya, nakikita ko naman sa mga mata niya.

" Tay, pagkatapos na pagkatapos ko ho, ay iaalis ko na kayo sa kalye. " turan ko

" Pasensya na anak, ha. Kasi ang tatay mo ay di bigtime. Diko nagagawang ibigay ang mga pangangailangan mo."

" Tay wag naman ganyan. Wag naman po natin kinakawawa ang sarili. Go lang po ng Go! "

" Tama yan anak. " - Papa at tumayo para ilagay na ang kanyang pinggan sa lababo.

" Naniningil na po ba si Alimg Yolly?" -bigla kong tanong

" Oo, na may kasamang sungit. Limang buwan na tayong di nakakabayad. "

" Hah? Tay, panglima na ho? Ok, ako na hong bahala. "

" San ka kukuha, nak? "tanong ni Papa na nagtatali ng sapatos.

Luma na yun pero pwede pang gamitin. Binibigyan ko naman siya kahit magkano para lang mapalitan ang sapatos niya pero ewan ko kay Itay kung ba't di pa siya bumibili ng bago. Kapag nasira nalang daw siya bibili.

" Sa sweldo ko, ho. "

" Pero sa yo yun, iha. Ako dapat magbayad, gagawa ako ng paraan para makabayad. Pakiusap anak, hayaan mo ako yung magbayad. "

Tumango nalang ako.

" Sige iha, mauna na 'ko. " - paalam ni Itay at lumisan na ng bahay.

Habang ako naman ay naghahanda na sa pagpasok, mamaya pang mga 8:30 am ang pasok ko dahil wala ang prof namin sa first period.

---

Narito na kami ngayon sa Scott University, naglalakad sa hallway. As usual, kasama at kasabay ko ang mga bruhilda kong mga kaybigan. Walang iba kundi sina Candy at Lhea.

" Bakla ka te! Di nga, totoo ba!? " si Candy kay Lhea, nasa may likuran ko sila dahil ambagal nilang maglakad.

Ewan ko kung anong pinag uusapan nila? Hinarap ko naman sila para makitsismis kung anong monkey business ang namamagitan sa kanila.

" Anong ingay yan, mga panget? " ako sa kanila.

Lumapit si Candy sa kin at sinabit niya braso niya sa kin, bale nakaharap kaming dalawa kay Lhea.

" Siya kasi eh, alam mo bang may boylet na siya? Inunahan tayo ng gaga! " Candy na tila batang sumbong sa kin.

" Wehh? Lhea, talaga? " gulat kong pahayag.

May bf na pala ang gaga, eh kelan lang sila hopeless romantic ni Candy. Ba't di niya sinasabi sa min!?

Nakatigil kami..

You(girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon