" Yan kasi eh, hala ka niyan. Magsorry ka sa kanya Marie!! " - si Lhea na busy kumokopya ng assignment ko.
Narito kami ngayon sa room, sinabi ko sa kanila na nasigawan ko si Van nung nakaraang araw. At eto sila, galit na galit sa kin daig pa nila si Van na nasigawan ko, sinasabi nila na magsorry ako sa kanya. Huhuhu.
Baka ipahiya ako ni Van sa maraming tao, aww bahala na kesa naman mapatalsik ako sa school na 'to. =_______=
" Oo nga Marie, di ka namin papansin hangga't dika nagsosorry sa kanya. Tandaan mo yan. " - si Candy sa kin.
" Haaay kahit di ninyo sabihin talagang magsosorry ako sa kanya. Kasi naman eh, kayo eh. Ba't di ninyo agad sinabi na siya ang may ari ng school na 'to?! " - sabi ko sa kanila.
Magsosorry nga ba ako? Eh wala naman akong kasalanan sa kanya? At siya itong nagkulong sa banyo sa kin at nantitrip? Hahalikan niya ba ako nun? Imposible naman na Tomboy yung Van na yun! Eh ang arte arte niya at tsaka hello maldita yun kaya sure akong Trip trip niya lang ako. Haaaay bahala na, ba't kasi siya pa ang nakabangga ko eh.
" Haay nako Marie, eto na naman tayo eh puro ka kasi Watevs eh. "
Magsasalita pa sana ako ngunit dumating na nga ang prof namin at magsisimula ng magdiscuss.
-------
BREAKTIME..
Nasa cafeteria na kami at di ako mapakali dahil may hinahanap akong isang tao na dapat akong humingi ng tawad kahit ayoko. Shit lang parang diko siya nakikita? Asan na kaya siya?
( Uyyy hinahanap niya!! )
Haaayy pero kung gusto
niya talaga akong mapatalsik edi sana nagawa niya nung Friday. At ngayong kasing Week diko siya nakikita. Haaaays kahit wala sa katwiran magpapasorry pa din ako sa bruhang yun.
Sa ngayon, hangga't di siya nagpapakita sa kin, ay ienjoy ko muna ang buhay ko sa unibersidad na 'to.
" Anlalim niyan Marie, ah? " - si Candy na kumakain ng hashbrown.
=______= " - akala ko bang di ako papansinin ni Candy habang di pa ako nagpapasorry kay Van? Haay hanggang salita lang pala sila pero di nila kaya dahil nananaig pa din ang pagkakaibigan namin. Hehe.
" Ahm wala. " - ako
-------
Friday....
Hanggang ngayon dipa nagpapakita sa kin si Van. Asan na kaya talaga yun? Sineryoso niya ba talaga ang sinabi ko sa kanya? Pero wala pa naman nangyayaring masama sa kin na pagpatalsik sa unibersidad na 'to. It means di niya ako ipapatalsik?
Narito kami ngayon sa washroom, kami lang ni Lhea dahil absent si Candy dahil sa nagdisdysmynorhea ang bruha. Antagal naman ni Lheang mangubeta?
" Tapus kana ba Lhea, antagal tagal mo naman. " - sita ko sa kanya malelate na kami sa 2nd period and yet dipa siya lumalabas, kanina pa kasi kami dito.
" Aww kasi hmm, andami ko kasing kinain na tsokalate kanina Marie,.at eto tuloy di na kasya sa tiyan ko. Nangangamoy naba? " - Lhea, nasa loob pa din.
Ugh, grabe naman. Kaya pala antagal tagal niya eh, umeebak pala siya.
" Yuck! Ambaho na Lhea. Kaya pala nung pinagkanta ka kanina, kinanta mo Let It Go! Haha relate pala!! " - biro ko sa kanya
Kanina kasi pinagtalent kami sa isa namin subject, either kakanta o sasayaw. Ako sumayaw, at siya nagkanta ng Let It Go. Haha relate! xD

BINABASA MO ANG
You(girlxgirl)
HumorMaarte, Liberated, maldita at iba pang negatibong salita ang gustong ikapit ni Marie kay Van.Wala siyang pakiyelam if everybody likes her. Para sa kanya, panggulo lang ito sa buhay niya at di lang ito basta panggulo dahil siya ang nagiging hadlang s...