13

5.1K 119 3
                                    


Nagising ako mula sa katok na naririnig ko. Bago ako bumangon, sinipat ko muna ang oras, mag aalas sais palang. Maaga pa at pwede pa akong matulog pero mukhang di na ako makakatulog nito.

Pero si Papa itong kumakatok, buti? Ba't ginigising niya ako sa ganitong oras?

Ano kayang kaylangan niya?

"Bakit po?" habang papunta sa pinto diko pa kasi nabubuksan.

"Iha may bisita ka," sagot niya mula sa pinto. Sandali akong napahinto, teka? Ano yun, bisita?

May bisita ako? Imposible naman sina Candy at Lhea eh tulog pa at tulo laway pa yung mga yun, tiyak ko! Pero kung sila nga, aba nakakapaghimala!

"Sina Candy po ba? Aba nakakapaghimala naman po sila ah! Ano po kayang inalmusal ng mga yan,"

Pagkabukas ko sa pinto, "'Iha, hindi. Kaybigan mo daw, bagong kaybigan mo ata na nakilala mo sa paaralan ninyo ngayon ko lang siya nakita. At Diko akalain na may kaybigan ka palang matangkad at mukhang artista bukod kina Candy at Lhea. At akalain mo nakakatuwa din siya," salaysay ni Papa.

Napakunot noo ako dun, sino naman kaya ang bisita kong 'to at parang manghang mangha si Papa.

Dali dali akong pumunta sa may salas upang kilalanin kung sino...

Baka budol budol gang, akyat bahay gang o iba't ibang gang na yan at di pala alam ni Papa na nabibiktima na pala siya.

Aha, mangkukulam gang lang pala!

Si Van.

Nakasuot siya ng Dress, as usual model eh at buti naman nakaflats siya.

Tch. =_=

Kasalukuyan niyang nagtetext. At leche, nakapasok na siya sa pamamahay namin at sigurado akong binabalita niya na kina Myka na panget ang bahay namin! Huhuhu.

Ansama!

Naningkit ang mata kong tumingin sa kanya, at pansin niya sigurong may matang pinagmamasdan siya kaya siya napalingon sa amin.

"Ohh Hi Heather, good morning!" bati niya sa kin na nakangiti.

Aba gumaganda lalo ang mangkukulam ah? Pero maganda naman talaga siya at ngayon ko lang napapansin! Hay nako, ba't ko pinupuri ang babaeng yan!? Urgh, grabe katulad na rin ba ako nina Lhea at Candy? No way!!

Para pagtakpan ang kahibangan ko ngayon...

"Papa naman eh, ba't ka nagpapasok ng pulubi dito?" himutok ko kay Papa.

"Ano kaba naman Marie, ginaganyan mo yan kaybigan mo. Angganda naman niya para maging pulubi. <Napatawa naman ang bruha!> Mga bata ba naman ibang iba sa panahon namin.  O siya, maghahanda nako sa pamamasada. Maiwan ko muna kayo," si Papa at iniwan niya nga kami dito sa sala.

Noooo!!Wag mo kong iwan Pa! Ayan na si Witch na si Van aatake na. Mas mabuti na ang aswang na katulad nina Lhea ang nasa harapan ko, kesa sa katulad ng mangkukulam na yan, na di mo alam kung kelan ka niya aatakehin. Sandaling nagtama ang mga mata namin. Grabe parang kumikislap yung mga mata niya, argh nasisilaw ako sa mga mata niya. Sabi ko na nga ba at mangkukulam ang babaeng Van na 'to! Ayan gumagamit na siya na black magic!

( Eh ba't maliwanag kung black magic!?)

Aba ewan ko sa 'yo! Tanong mo sa kumare mong tsismosa! Leche!

Psh, at parang ayaw niyang magbaba ng titigan sa kin. Ayoko kasi yung tingin niya, para akong nalulusaw at diko alam kung bakit?

Pwes makikipagtagisan din ako ng titigan sa kanya! At di ako susuko, gusto ko siya ang unang magbaba ng tingin.

You(girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon