Jeff POV
Yehey!! Akalain mo ba namang may POV pa pala ako. Salamat po sa magandang author natin, love you. Muaah.
Anyways, back to the topic, grabe talaga si Alexis ko. Napaka cool, sexy, hot, maganda at nasa kanya na ang lahat.
Matapos ang scene nila ng ate niya, doon ko napatunayan na palaban talaga siya pero wait, ano daw yun? Best friend? Namatay? Nang dahil sa ate niya? Weird.
Heto nga at kanina pa ako pasulyap-sulyap sa kanya. Aish! Nakakainis nga si Captain e, doon sa tabi ni Alexis umupo at nakikita ko din si Vince ng Castero Knight na tumitingin sa kanya! Bwiset! Gusto yata mamatay ng mokong.
After 36538829 years, natapos rin ang klase hayy!! Sobrang boring. Paano ba naman kasi hindi e, alam ko na lahat well, I mean kaming mga Darknight Government. E, sa matatalino kami.
Lalapitan ko sana si Alexis nang makita ko si Vince na naghihintay sa labas ng room. Problema no'n?
So ang ginawa ko, imbes na kay Alexis ako pumunta, kay Captain nalang since magkatabi naman sila at sinundan naman ako ng iba pang co-gangsters. Nasa tabi na kami ni Alexis nung magsalita si Raine yata? Ah, basta!
"Alexis." Tawag pansin ni Raine kay Alexis na nag-aayos ng mga gamit niya.
"Hmm... bakit?" Tanong naman ni Alexis baby ko. Ayiee! Kinikilig ako.
"Eto oh, may sulat sa labas ng dorm natin, nakalagay para sayo."
Huh? Kanino naman 'yun galing?
"Ba't na sayo?" Nagtatakang tanong ni baby Alexis ko.
"E, ang aga mo kasi magising. Maaga ka pa sa manok so, malamang nalate yung nagbigay." Sarkastik na sabi ni Raine.
Bubuksan na sana ni Alexis ko ang sulat nang magsalita si YS yata, kung hindi ako nagkakamali.
"Tara! Sa cafeteria na lang natin 'yan buksan. Gutom na ako."
Aish! Bwiset na babae. Huhuhu.
"E, palagi ka namang gutom YS ah!" Pagtatalo ni Raine sa kaibigan.
"Inaasar mo 'ko?!"
"E, kung sabihin kong oo, iiyak ka?"
"Aba't! Lumalaban ka na ha!"
Mag-aaway na sana ang dalawa ng may sumigaw. Napatigil kaming lahat. Pati nga yata kaluluwa ko napatigil.
"PWEDE BA! TAMA NA!" Sigaw ni Alexis ko.
"Nakakairita kayo masyado! Kung gusto niyo mag-away, pwede sa cafeteria na lang?! Para naman mabusog ako ng totoong pagkain at hindi 'yang bangayan niyo."
"Sorry Alexis." Nakayukong sabi ni Raine at YS.
Umirap lang si Alexis sa kanilang dalawa at pinagpatuloy ang pag-aayos niya ng gamit.
Matapos no'n ay lumabas na sila ng room nang biglang pigilan ni Vince si Alexis. Aba't! Gusto niya talagang mamatay.
Vince POV
BINABASA MO ANG
Lieuxvione Piertaello Academy (Completed)
Teen FictionIsang paaralan na may maraming sekreto, It can be considered as school of gangsters. No! it is already considered as school of gangsters! Or maybe a lot more scarier than just a school of 'gangsters'. Book cover photo: Pinterest