Part 3

308 12 0
                                    



Lance POV


Pagkaalis nang bwiset na half brother ko, pinagpatuloy ko na ang pagkain ko. Sayang naman, paborito ko pa naman ang ulam.


Nagtataka siguro kayo kung bakit iba ang apelyido namin ng walang hiya kong half-brother well, maliban sa mag half-brother kami, ang totoo niyan dapat siya ang nasa katayuan ko, dapat siya ang Palermo at ako ang Cast. Paano nangyari 'yun? E, kasi yung tarantado kong ama pumatol sa walang modong nanay ni Lander.



Nag iinit talaga ulo ko pag-naaalala ko ang pangangaliwa ng tatay ko. He was the caused of my mother's death!


Pero ayoko din kasi na maging isang Cast dahil sa ayoko talaga. Basta secret na lang 'yun.



"Uy Lance, lalim ng iniisip natin ah?" Tanong ni Yash.



"Pwede ba, huwag niyo akong kausapin!" Sabi ko nang hindi sila tinitignan.




"Ano ka ba naman Lance, ang init ng ulo mo. " Nakakamot ulong sabi ni Xien.




"Oo nga, tapos kung magsalita ka hindi ka man lang tumitingin sa amin. Nakakaiyak kaya." Madramang sabi ni Jeff habang pinupunasan ang pekeng luha niya.



Ay, gago bakla ba 'to?




"Pwede ba tigilan niyo ako? Pwede?" Sabi ko nang hindi pa din tumitingin sa kanila.




"Sige na, tigilan niyo na si Mr. Cold." Nagpipigil ng tawa na sabi ni Ethan.




Binigyan ko siya ng nakakamatay na tingin, tumahimik na man ang loko.




Habang kumakain kami may napansin ako sa kabilang table malapit sa amin. isang bagong babae kasama ang dalawang babae, nakayuko ang dalawa pero nakatingin ang isa sa amin. She's beautiful, I admit it. Pero parang may mali.


May tumikhim at tinignan ko kung sino, si Xien, I rolled my eyes. Ivivictim niya na naman 'yan.



"Uy, ganda ng bagong chicks oh!" Sambit ni Xien sabay nguso sa bagong babae.



"Well, I heard siya ang bagong transferee, ano nga ba 'yung pangalan niya?" Si Ethan, iniisip ang pangalan ng babae.



"Got it! Alexis Serene Zamora, the class-2 A transferee student." Ethan continued.




"Hindi lang siya maganda, matalino at mabait pa pero palaban daw yan." Ngumuso si Yash.




"Paano mo nalaman?" Nilingon ko si Dark dahil sa tanong niya. This is the first time na nagtanong siya tungkol sa isang tao o bagay. He knows everything except moving on and socializing.




"Well, Jeff and I heard that there's a new transferee student so, we background check her, based on our information, isa siya sa anak ng business man sa New York." Paliwanag ni Yash, nakatingin na ngayon sa babae na nagsimula nang kumain.




Tumango-tango naman si Dark. Kailan pa 'to naging interesado sa mga bagay-bagay? Ikinibit balikat ko na lang ang pagtataka.



"So, you mean to say, she's rich?" Tanong ko naman. I don't know why I am curious about her.



"Yup. Kapatid niya ang Ms. Lieuxvione natin, sino nga ba yun?" Tanong ni Jeff na kanina pa nakatingin sa babae.



"Aleya Senya Zamora." Sagot ni Ethan sa tanong ni Jeff.




Lieuxvione Piertaello Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon