Part 9

176 8 0
                                    

Raine POV

Kinaumagahan as usual, gumising na naman si Alexis ng maaga, feeling ko lang ha... feeling ko ipinalihi 'tong si Alexis sa mga manok e, maaga kasi kung gumising, mas maaga pa nga sa mga manok.


Ginising ko na si YS. Tulog mantika kasi 'tong bakulaw na 'to!


"Hoy YS! Gising na!" Sigaw ko sa kanya sabay alog ng konting lakas. Natawa ako nang malukot ang mukha niya sa pagsigaw ko. Pero ang gaga, ayun walang pakealam, sige lang ang tulog.



"YS!" Sigaw ko ulit sa kanya.




"Hmmm?" Ampota! Anak ng! 'Yan lang sinabi sa'kin.




"YS! 'Pag hindi ka bumangon diyan pagbilang ko ng tatlo, sasabihin ko talaga kay Alexis lahat ng ginawa mo!" Pagbabanta ko sa kanya.




"Oo na! Gigising na! Babangon na din!" Tamad pero sarkastik niyang sabi.





"Halika na at maligo! Si Alexis nasa school na yata. Alam mo naman 'yon maaga pa kung magising kaysa sa mga manok! Sure ako, nahiya na lahat ang mga manok sa kanya." Nakapamaywang kong sabi.





Ilang sandali lang, ayun na nga bumangon na siya, naligo at kumain na din, bago kami pumasok sa school.



"Hoy! Alexis!" Tawag ni YS kay Alexis. Loko talaga, feeling niya close na sila agad. Well, close naman talaga kaming tatlo... pero dati 'yon. Hindi na nga kami maalala ni Alexis e.


"Oh? Bakit ang tagal niyo?" Napailing siya na animoy dissapointed. "Mga tulog mantika talaga kayo!" Pagpapatuloy niya pa.


Wow ha! Siya kaya 'tong maaga magising e,5:30 pa nga ng umaga 'no! Nakakatakot kaya sa ganitong oras dito sa school!


"Huwag ako pagsabihan mo, itong si YS! Kung makatulog kasi parang wala ng bukas." Sagot ko kay Alexis at pinanlakihan ko ng mata si YS.

"Hoy! Anong ako? Ikaw kaya diyan kung makakain parang bibitayin ka na pagkatapos mo." Pinanlakihan din ako ng mata ni YS at sabay irap din.



Nagtatalo lang kami ni YS ng may pumasok sa pinto. Wow! How come ang early niya? Sa pagkakatanda ko late siyang pumapasok pero yung nakakapagtaka ay bakit siya yung top 1 sa school kung lagi naman siyang late o kung minsan absent pa.


Baka malakas lang siya sa mga teachers? Pero hindi e, inaamin ko, hindi ko mareach ang katalinuhan niya. Genius kumbaga.



Nagtataka kayo kung sino ang tinutukoy ko? E, sino pa nga ba kundi si Dark lang naman at ang mga co-gangsters niya.


Oo, matalino talaga siya kahit walang study-study na yan! Bakit ko nasabi? E, sa nasaksihan ng dalawa kong mga mata no'ng freshmen palang kami. Nagka-crush nga ako sa kanya dati e, pero ngayon wala na. Konti na lang.





Alexis POV



Natutulog ako sa may armchair ko kasi yung dalawa nagtatalo na naman. If I know, ganyan na talaga sila, wait what? Paano ko nalaman 'yon? Nagtataka talaga ako, kasi simula nung makilala ko 'tong dalawang ito, feeling ko matagal ko na silang kilala.


Habang nagtatalo sila, may biglang pumasok sa pinto, alangan naman sa bintana? Nagtataka nga ako kasi natahimik yung dalawa.





"Hi Alexis!" Nag-angat ako ng ulo at nakita ko si... sino nga ba siya?





"Uh... h-hi" Nauutal kong bati pabalik.




Lieuxvione Piertaello Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon