Part 14

151 7 0
                                    

Light POV

Ngayon ang Death Anniversary ni Tita Cecilia, ang mommy ni kuya Dark na stepmom ko. Naglalakad ako papuntang dorm ni kuya Dark. Alam ko naman na mag-isa lang siya doon but unfortunately wala siya nang makarating ako, nasaan kaya siya?

Naglalakad lang ako nang may mabunggo ako.... O.O Whaaat?!

No! The right term would be 'wow!'. It's Alexis or widely known as the badass queen here in academy.

Kilala siya bilang mataray, matalino at syempre maganda at sexy!

"S-sorry" nauutal kong sabi sa kanya. Tinaasan niya lang ako ng kilay at biglang ngumiti pero yung ngiti niya parang nakakatakot na may halong pag-aalala at saya! I don't know!

"It's okay. Next time tingnan mo ang dinaraanan mo para wala kang mabangga ulit. You're a freshmen aren't you?" Sabi niya.

"Oo ^-^" nakangiti kong tugon. Mabait pa rin naman pala siya, akala ko nagbago na siya.

"You must think na masama ako. Well, tatarayan na sana kita kaso nga lang wala ako sa beast mode ko hahaha!!" Natatawa niyang sabi.

"By the way, what's your name?" Pahabol niyang sabi.

"Uhm... I'm Giuhence Light Piertaello, a freshmen from Class 1-A" nahihiya kong sagot. Tiningnan ko naman siya at para bang nagulat siya sa sinabi ko. May naalala na ba siya? Sana meron.

"K-kapatid ka ba ni Dark?" Nauutal niyang tanong.

"Oo, same father but not in mother hehe" (^-^)7 napakamot tuloy ako sa ulo ng sagutin ko ang tanong niya, akala ko pa naman may naalala na siya! -_- tsk.



Dark POV

Sunday ngayon at napagdesisyunan kong maglakad-lakad muna, since maaga na naman ako nagising or should I say, hindi ako nakatulog kakaisip sa nangyari kagabi, yung pag-uusap namin ni Alexis. Ni hindi ko nga alam kung bakit iba ang nararamdaman ko kapag malapit or nakikita ko siya. She seems familiar, hindi ko lang maalala.

Naglalakad lang ako nang may mahagilap ang mga mata ko. Fuck! Is that Alexis? And she's with...

Bullshit! It's my fucking half brother, Light! Anong meron?! Magkakilala ba sila? Bakit kumukulo ang dugo ko?! Naglakad ako papunta kung nasaan sila.

Tsk.-__- hindi man lang nila ako naramdaman at still nag-uusap pa rin sila kaya naman tumikhim ako para makuha ang atensyon nila.

"Aren't we going somewhere Light?"

Alexis POV

Nag-uusap kami ni Light,well siya lang pala,Weird nga eh kasi familiar talaga siya sa'kin,nilalamon na ako sa pag-iisip ko ng may tumikhim.

"Aren't we going somewhere Light?" May diin ang pagkakasabi niya,the voice is husky and sexy---wait, what?!

Anong pinagsasabi ko?! Tiningnan ko kung sino ang may ari ng boses, hindi ako magkakamali kung kanino galing yun at nang makita ko ang mukha niya, madilim ang pagmumukha niya at matiim akong tinitigan ng mapupungay niyang mga mata. Tama nga ako si Dark!

"Ah kuya! Kanina pa kita hinahanap. Kaso nga lang nabunggo ko si Ate Re- I mean Alexis" sabi ni Light. Wait! Ano daw yun? Re? Anong Re?

Tiningnan ko si Dark at parang nagulat din siya sa sinabi ni Light, sino o ano ba kasi yung Re?!

"Can you please stop mentioning that name again, Light?" May pinalidad ang pagkakasabi niya

"Okay, kuya" sabi ni Light at nagkatitigan lang sila nang may nagsalita.

"Dark baby-" tumingin muna siya sa'kin at pinagpatuloy ang pagsasalita niya tsaka umirap sa'kin, Bitch!

"Aren't you and Light has some personal business to do today?" Malandi niyang tanong,inalis naman ni Dark ang pagkapalupot ng kamay ni Trinity sa braso niya. Bagay nga sayo!

"Let's go Light and... would you like to come, Alexis?" Tanong ni Dark para sa'kin.

"Ha? Ah, hindi na siguro. May pupuntahan din kasi ako ngayon at parang may isang tao din na ayaw akong sumama" pinanlakihan ko ng mata si Trinity na kung makatingin sa'kin, parang isang krimen kung sumama ako kay Dark!

As if naman kasama siya kung saan man sila pupunta! So ayun ako na ang umalis, umalis din naman sila.

Dark POV

"Kuya, wala ka ba talagang alam tungkol kay Ate Alexis?"

Haist! Bakit niya ba tinatanong?! Gusto niya ba si Alexis?! Hindi ko siya sinagot pahanggang ngayon wala parin akong maisagot, gusto kong sumagot na 'wala' pero parang matagal ko na siyang kilala.

"Young masters, nandito na po tayo" anunsiyo ng driver sa'min, matagal-tagal ding nung huli akong pumasok sa malaking mansion na'to.

"Welcome Back Young Masters!" Bungad sa'min ng Mayordoma ng mansion.

"Hello po manang Fe" nakangiting sambit ni Light sa kanya,tinanguan ko lang siya.

"Welcome back my sons" that voice that always irritates me more than like hell,sino pa nga ba? It's from my asshole Father!

"Hi Dad" bati ni Light sa kanya,tiningnan ko lang sila nang yakapin siya ni Light.

"Aren't you gonna greet or hug me my son?" Tanong niya.

"I don't have time and can we just please proceed to our destination? I bet all the things we need is already settled." walang emosyon kong sabi at naglakad na papunta sa labas kung saan ang sasakyan namin patungong sementeryo.

After a few minutes nakarating na din kami.

"Cecilia, look we're complete." Sabi niya. I don't want to mention his freaking name.

I tsked with what he said. Complete? Really?! He must be kidding me!

"Hi po mom. Malaki na po ako at gumwapo hehehe... pero syempre mas guwapo po si kuya Dark, hindi ba kuya?" Nakangiting sabi ni Light at tinaguan ko lang. Why does he have to be innocent at all time?

Nag stay lang kami ng ilang hours at umalis na pero...

"Light, mauna na kayo may pupuntahan lang ako" sabi ko kay Light.

"Kuya, diba dito rin nakalibing ang nanay ni Ate A-Rene nga pala" sabi niya.

"Anong pinagsasabi mo?"nakakunot noo kong tanong hindi ko kasi naintindihan ang huli niyang sinabi.

"Wala kuya. Alis na kami"sabi ni Light. Weird.

So nagpunta na ako kung saan nakalibing ang nanay niya. Hindi ko masabi-sabi ang pangalan niya,nalulungkot ako.

Nakarating na ako at nahinto sa gulat. Bakit siya nandito? At kaano-ano niya ang nakalibing diyan?

"Ma, miss ko na po kayo kahit na hindi ko kayo maalala pero yung puso ko ang umaalala sayo, sana na miss mo din ako. Sige alis na po ako" sabi niya sabay lapag ng mga bulaklak at umalis.

Hindi ako magkakamali ng napuntahan, dito ang puntod ng nanay niya.

"R-Rene" yun lang ang nasabi ko.

No she's not Rene, Rene is already dead-No! She's just lost and that girl is not her!

If she is Rene, then... why? Bakit hindi niya man ako maalala? It's been a fucking year!


I need to know the TRUTH!



Authors Note:

~Hi(^-^)/ alam ko sabi ko magiging fast update ako pero naging busy po kasi ako..and this day po ang RECOGNITION DAY namin..at masuwerte po ako kasi kasali ako #11 out of 27...sa year level lang po namin..i know,i know galit kayo..kaya sorry talaga yung net din po kasi dito sa lugar namin..may saltik yata..hehe mahina eh...
Once again sorry po(^-^)v~

Love lotxx <3

1165 words.

Lieuxvione Piertaello Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon