Dark POV
Nung nilisan ko ang lugar na 'yon, napailing-iling na lang ako. Bakit ba kasi pahamak 'tong puso ko!
At itong bibig ko, may nalalaman pang patawa-tawa kanina! Nakakahiya!
Pagdating ko sa hallway, may nakita akong dalawang lalaki tinatahak ang direksyon patungo sa forbidden side of school building. Since wala naman akong pakialam, nagtungo na lang ako papunta sa pinakadulo at lumiko papuntang likod ng school.
Napabuntong-hininga na lang ako. This week has been very hassle to me, nagsimula 'yon nang makilala ko yung babaeng 'yon.
Nakakainis! Bakit kasi ako 'di kayang lubayan ng pag-iisip sa kanya? This is not me at all!
Umupo ako sa may bench na nakalagay dito since tambayan ko 'to at pagsinabi kong 'ko' ibig sabihin lang no'n ako lang ang nakakapunta at pwedeng tumambay dito. Tinignan ko ang pambisig kong relo, and time checked, it's 6:05AM.
Inayos ko ang pagkakaupo ko at nilasap ang malamig na hangin ng umaga. Tinitigan ang pagtaas ng araw. I always love doing this, fresh air of mornings and silence. Pipikitin ko na sana ang mga mata ko ng may magsalita.
Light POV (Dark's Younger Brother)
Nang makita ko si Kuya Dark na lumabas galing ng room nila, sinundan ko siya kasi sa kadahilanang maaga pa at nakakapagtaka dahil he always hates bothering him in the morning specially if it's not important and if you did, believe me, you'll wish you never did.
Namamatay siya ng tao. Yung katulong nga namin sa bahay namatay at naging miserable ang buhay ng pamilya nito dahil lang sa nagising niya ito ng accidentally.
Kaya don't you dare to wake him up in the morning 'cause you will see the other devil side of him, he becomes a monster at makikita mo talaga si satanas sa kanya kaya ikaw na mismo ang mag book ng flight mo para makita si kamatayan. Don't wait for him to do it.
And yes, other side pa lang yan, may tatlong side si kuya kapag galit, yung isa mas worst pa, kung yung una nga nakakatakot na e, yung pangalawa mas worst. He killed them without hearing their explanation and not to mention yung pagpatay niya, simple lang naman, ililibing lang naman niya ng buhay at lalagyan ng maraming C4 ang libingan. Trust me, nakita ko ng ginawa niya 'yon. Nangyari iyon no'ng pumalpak ang inutusan niya para bantayan ang mommy namin.
Paano naman kaya yung pangatlo?
Well, yung pangatlo, nakita ko lang kahapon or should I say kagabi, no'ng sinundan ko sila kasi lumabas sila ng school grounds. So, ayun nakita ko yung pinaka at super devil side ni kuya no'ng pinagtanggol niya si Alexis at nakita niya ang sugat nito pati na ang mga pasang natamo nito. Yung mga mata niya, nakakatakot, kung hindi lang siguro dumating si kuya Ethan, baka ano pang kinahantungan no'n. Kaya sure ako na mas nakakatakot ang pangatlo!
Nakita ko si kuya na natigilan at may tinitignan so, tinignan ko din at napagtanto ko na nakatingin siya sa dalawang teachers namin na tinatahak ang Forbidden side ng school. Bakit kaya? Sa pagkakaalam ko, si kuya lang ang pwede doon. Kahit nga ako hindi pwede e, pero hindi ko pa nakita si kuya na pumunta do'n. Bakit? E, sa wala siyang pakialam!
I know kuya very well at kahit sinasabi niya sa'king ayaw niya sa'kin, alam kong mahal ako ni kuya, siya kaya lagi pumoprotekta sa'kin dati hanggang ngayon pero tinatanggi niya lang at matagal ko na siyang binabantayan.
BINABASA MO ANG
Lieuxvione Piertaello Academy (Completed)
Teen FictionIsang paaralan na may maraming sekreto, It can be considered as school of gangsters. No! it is already considered as school of gangsters! Or maybe a lot more scarier than just a school of 'gangsters'. Book cover photo: Pinterest