A/N: Hi!! Sa part na ito puro flashbacks and yung nawawalang memories ni Alexis. Hope you'd understand it tho.
Third Person's POV
"Mama where are we going? Are we going to visit vannie?" Asked the young Alexis. It was a sunny day and her mother told her to follow her downstairs.
Nang makarating sila sa living room makikita sa mukha ng batang Alexis ang kasiyahan ng makita ang matalik na kaibigan.
"Vannie! You're here!" Sabi niya sabay yakap sa batang Dark na yinakap din siya pabalik. Narinig nila ang tawanan ng mga matatanda at yun ang mga magulang ni Dark at Alexis. Busy silang lahat at nagkakatuwaan ng biglang pumasok ang dalagang Aleya sa tanggapan.
"Ano ba naman yan Rene! Parang di kayo nagkita ni Van kahapon ah?" sabi nito at mas lalong umingay ang tanggapan dahil dun.
Papasok na sana si Aleya sa kuwarto niya ng tinawag siya ng nanay nila at tinanong ito kung sasama ba ito at mag pipicnic daw sila kasama ang mga magulang ng batang Dark ngunit sumagot ito na hindi siya makakasama dahil sa pagod galing pa kasi itong school kaya ang nangyari ay sina Alexis lang, si Dark at ang mga magulang ng mga ito ang nag picnic.
Ngunit ang masayang picnic ay naging madugo dahil ito ang naging dahilan upang mawala ang pinakaiingatang ginang ng Piertaello Family.
"Rene! Run!!!" Ang tanging naisigaw ng nanay ni Dark dahil sila ang magkasama noong panahon na yun dahil sa pamimitas nila ng bulaklak, ayaw man sundin ni Alexis subalit may humigit na sa kanya upang tumakbo ngunit ang akala niya isa ito sa kasamahan niya ay nagkamali siya dahil ito'y walang iba kundi si Terrence Bore.
Maririnig ang sakit sa sigaw ng batang Alexis dahil sa higpit ng pagkakahawak sa kanya ngunit bago pa siya maipasok sa van ay may biglang nagpaputok sa likod nila at laking gulat nila na isang paslit ang nagpaputok, isang paslit na Dark Piertaello.
Ngunit ngumisi lang si Terrence at patuloy pa rin ang paghatak niya sa batang Alexis papasok sa van at tuluyan na silang nakalayo.
Sa kabilang dako galit, lungkot at takot ang bumalot sa mga biktima dahil hindi nila inakalang tratraydurin sila ng sarili nilang kaibigan at namatayan pa sila at pa hanggang ngayon ay di nila alam kung nasaan si Alexis at kung saan ito dinala ng traydor nilang kaibigan. Tahimik ang lahat nang biglang tumayo ang nanay ni Alexis.
"Terrence wants me then I am willing to give myself to him in order to save my child!" Sigaw nito ngunit napigilan ito ng asawa na lumuluha din. Di niya alam ang gagawin niya. Dahil dati nang pinagsamantalahan ni Terrence ang kanyang pinakamamahal na asawa at wala siyang nagawa.
"No Alejandro! My daughter is in danger!!" Histeryang sigaw nito mukha na itong baliw kakaisip kung ano na ang kalagayan ng kanyang anak. And before they knew it nawala na ito sa tabi nila, pilit itong hinahanap ni Alejandro sa pag aakalang nagpapakalma lamang ito ngunit alam niyang sa mga oras na ito mawawala ang isa sa mahal niya sa buhay.
At yun nga ang nangyari dahil sa pagdating ni Serena ay siyang pagpapalaya ni Terrence kay Alexis ngunit kitang kita ng bata niyang mga mata kung paano babuyin at gahasain ng hayop na Terrence ang kanyang ina at kung paano kitilin ng kanyang ina ang sariling buhay habang nakatitig sa kanya na may luhaang mata.
Umuwi si Alexis na iyak ng iyak at hindi nila makausap at yun pa lamang ay alam nila nang walang na ang pinakamamahal na ginang ng mga Zamora.
Years passed at grade 6 na ang dalawang matalik na magkaibigan at nakilala nila din ang batang Ethan na naging matalik na kaibigan nila din, kung titignan ay ang saya ng mga bata ngunit sa loob loob nila ay sila'y nawawasak.
At muli pa silang wawasakin dahil sa delubyo ng sila'y humantong sa grade 7 dahil ang akala nilang kaibigan at pamilya ay siya'ng magiging kamatayan nila.
Ngunit sa paglipas ng isang taon ay biglang bumalik ang napakagandang dilag ngunit ito'y wala nang matandaan kung hindi ang impormasyong iba ang kanyang pamilya at ang matalik nitong kaibigan na maling akala lang pala.
Galit siya ngunit alam niya na kung sino ang pagbubuhusan niya ng galit, Sa nag iisang demonyo na nagsimula ng lahat, ang pumatay sa ina ng matalik niyang kaibigan, ang bumaboy sa kanyang ina at muntik na sa kanyang kapatid at ang nagpakana ng delubyo isang taon na ang lumipas... Si Terrence Bore.
Alexis POV
1 year ago...
"Are you happy Rene?" Tanong ng binatilyong Van habang sila'y nakaupo at pinagmamsdan ang pababang araw. Ngumiti lang ako ng tipid dahil alam niyang hindi pa sila magiging masaya ng matalik niyang kaibigan na siyang kasintahan niya rin dahil sa nangyari nang sila'y mga bata pa lamang.
"If happiness means being with you right now...then yes, I am happy Van" Sagot ko at ngumiti naman ang binatilyong Van ngunit unti unti itong naglaho kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. Kanina lang binalita sa kanya na patay na daw ang matalik niyang kaibigan na siyang kasintahan niya din kasama na rin ang kaibigan nilang si Wyet at ang masakit ang mga pinagkatiwalaan nilang kaibigan at pamilya ang gumawa nito dahil sa kasakiman.
"Alexis" Tawag ng baritonong boses at bigla na lamang siya nanlamig. H-How come he's here? And before she can turn around a handkerchief covered her nose and she instantly fell into a deep sleep.
Nang magising ako isang puting kuwarto ang tumambad sa akin at nang ako'y makaupo na, may nakita akong maliit na memory card dahil sa kuryosidad ay dinampot ko ito at nilagay sa maliit na cellphone na nasa tabi ko at kung titignan ng mabuti para itong pinuslit lamang. When I successfully manipulated the phone, may nag iisang file doon at ito'y aking plinay, may recordings ngunit may video na may pangalang "OPEN THIS ALEXIS" kaya yun ang binuksan ko at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko at panlalamig ko sa nakita, unti unti na rin tumulo ang luha ko at nang ito'y tapos na someone injected me from behind and that caused me not to remember what I saw. But I saw who it was and his voice confirmed it.
"No one will know my lovely's daughter Alexis, no one will know the truth, no one."
The video says it all. The confessions, The sacrifices, The innocents and The Truth.
WE ARE ALL BEING PLAYED BY TERRENCE BORE.
__________________________________________________________________
<3
BINABASA MO ANG
Lieuxvione Piertaello Academy (Completed)
Teen FictionIsang paaralan na may maraming sekreto, It can be considered as school of gangsters. No! it is already considered as school of gangsters! Or maybe a lot more scarier than just a school of 'gangsters'. Book cover photo: Pinterest