Lander POV
Bwiset talaga ang Piertaello na 'yun! Ipahiya ba naman ako?! Kung inaakala niyong umalis ako dahil naduduwag ako ay nagkakamali kayo, hahanapin ko kasi si transferee girl, sino nga ba 'yun?
"Psst, Frost, sino nga ba yung si transferee girl?" Tanong ko sa co-gangster ko, bale lima kami, dapat nga anim e, pero yung isa namatay dahil kinalaban si Dark so, lima na lang kaming natitira. Si Frost, Wess, Vince, Raf at syempre ang leader, walang iba kundi ako.
"Si Alexis Serene Zamora a.k. a Alexis kapatid siya ni Ms. Lieuxvione na si Aleya Senya Zamora, anak sila ng business man sa New York, may itatanong ka pa?" Nakapoker face ba sagot ni Frost sa akin. Grabe talaga 'to, ang straight forward masyado sumagot, not to mention na nakapoker face siya palagi.
"Ang ganda niya 'no?" Out of nowhere na sabi ni Vince habang pinagpapantasiyahan ang picture ni Alexis na kinuha niya sa teachers' office kanina. Napailing na lang ako.
"Oo nga, akala ko si Aleya lang ang maganda dito pati pala kapatid niya, mas maganda pa nga sa kanya e." Nakangising sabi ni Raf, ang playboy sa amin.
"So, pinoprotektahan na naman ng Darknight Government si Alexis ko?" Nakangusong sambit ni Vince.
Bwiset! In love yata ang mokong e! Pero may iba e, parang hindi lang basta pinoprotektahan ng Darknight Government si Alexis kasi grabe kung magalit si Dark kanina, ibang-iba sa palagi niyang ginagawa. Hmm... magawa ngang bait.
"Hoy! Anong sayo? Akin 'yun!" Pang-aagaw ni Raf. Well, as if naman bagay si Alexis na pwede nilang pag-agawan. Wait, I don't usually care about girls but what the hell?
I sighed. Sige sila na ang in love pero oo maganda siya. Malay mo magustuhan ko, just kidding, pero sabi nga nila huwag magsasalita ng tapos. And, mukhang madami kaming mag-aagawan kung sasali pa ako.
"Shit! Ang iingay niyo! " Sigaw ni Wess, ang serious sa amin, naging ganyan lang 'yan nung namatay si Wyet, ang kakambal niya pero hindi niya kayang ipaghiganti kasi nga nakakatakot ang pamilyang Piertaello.
Si Wyet nga napatay ni Dark e, kami pa kaya? Pero syempre, dapat hindi kami matakot dahil gangster din kami at simula nung namatay si Wyet naging masama na kami at inaapi namin ang mga estudyante dito para labanan ang Darknight Government.
"Sorry naman 'tol." Sabi ni Raf bago kinuha ang basketball para ipaikot sa hintuturo niya. Bored siguro 'to.
"So, nakita niyo ba kung saan nagpunta ang magkaibigan na 'yun?" Tanong ko sa kanila.
"Mukhang nasa dorm na nila." Sagot ni Frost habang nakahiga sa may sofa at nakacrossed arms.
So, wala na. Hindi kami pwede sa dorm ng mga babae 'no!
Aleya POV
Kahapon, hindi ko mahanap ang dorm ng kapatid ko so, napagdesisyunan ko na sa classroom niya na lang siya kakausapin. Namiss ko din siya e.
Balita ko nga sa mga room mates ko na maganda daw siya, syempre, kanino pa ba mag-mamana? Sana namiss niya din ako. Nagtatampo kasi 'yun sa akin kasi sabi niya nasa akin lang daw lahat ng atensyon ng dad namin.
So, ayun nga gumising ako ng maaga kasi bukod sa Monday ngayon e, pupuntahan ko pa ang kapatid ko. Dito kasi dapat Christmas at summer vacation o may emergency lang pwedeng umuwi sa totoong bahay e, kapag nasa bahay naman ako, hindi naman ako kinakausap ni Alexis, namiss ko na nga siya e, syempre kapatid ko 'yon at nag-iisang kapatid.
BINABASA MO ANG
Lieuxvione Piertaello Academy (Completed)
Teen FictionIsang paaralan na may maraming sekreto, It can be considered as school of gangsters. No! it is already considered as school of gangsters! Or maybe a lot more scarier than just a school of 'gangsters'. Book cover photo: Pinterest