Alexis POV
Nagring na ang bell at iyon na ang hudyat para magsimula ang napakaboring time para sa akin which is class time.
"Alexis!"
Nilingon ko kung sino ang tumawag sa pangalan ko. Paglingon ko, si Vince yata pangalan niya kung hindi ako nagkakamali, siya din iyong nagbigay ng letter sa akin. Ano kaya kailangan nito?
Himinto siya sa may unahan ko na hinihingal pa. Paano ba naman hindi e, tumakbo siya kanina.
"Anong kailangan mo?" Mataray kong tanong. Medyo ayoko kasing kinakausap ako lalo na kung hindi naman kami ganoon ka-close.
"Uhm, ano kasi... pwede bang makipag kaibigan sayo?" Simpleng tanong niya ngunit mahirap sagutin. I'm not the kind of person na 'friendly'.
"Why do you want to be friends with me? Aren't you a gangster?" Nakataas kilay kong tanong.
Napakamot naman siya ng ulo habang nahihiyang nagbaba ng tingin bago iniangat ulit. "Yeah. I'm a gangster but don't be scared-"
Napantig ang tenga ko sa sinabi niya. Tumawa ako at agad kong pinutol ang sasabihin niya. "Who says I'm scared?"
Tumalikod na ako bago ko pa siya mapagsalitaan ng kung ano. Gusto ko na din ulis dahil pinagtitinginan na kaming dalawa. Ang ayaw ko pa naman ay ang maging 'center of attention'.
"I just want to be friends with you! Is it that hard to understand?"
Nagsalita siya ulit pero wala na akong pakialam at patuloy pa rin sa paglakad.
"You're so mean!" Sigaw niya.
Huh? What did I do?
Uupo na sana ako nang bigla na lang ako paghahampasin nina Raine at YS.
"Hoy! Tumigil nga kayo! Masakit, ano ba! Anong ginawa ko?!" Nagtataka ko silang tinanong habang sinasalag ang mga hampas nila.
"Grabe ka Alexis! Alam namin na observant ka pero walang pakialam pero huwag naman maging loner." Nakangiwing sabi ni Raine.
"Gusto lang naman makipagkaibigan sayo ang tao.." Segunda ni YS. "Atsaka, mukha naman siyang mabait na tao kahit na gang-"
Umirap ako at pinutol ko ang dapat ay sasabihin pa nila. "Ah... tao pala siya?" Nang-aasar kong sabi sabay ngisi sa kanilang dalawa.
Magsasalita pa sana sila ng may biglang tumawa. Hinanap ko kung sino mapangahas ngunit nagulat ako nang mapagtanto kung sino. Siya pala.
Nagtataka kayo kung sino? Si Dark lang naman.
"Tama ka, hindi siya tao kasi... DEMONYO siya." Natatawa niyang sabi.
May sakit kaya siya? Kanina lang badtrip siya ngayon naman kung makatawa parang wala ng bukas pero mahina lang naman ang pagtawa niya. Umirap ako. Parang may saltik 'tong isang 'to! Nakita ko na lumapit ang mga kaibigan niya at bigla na lang siya natahimik. Napailing na lang ako.
So ang ginawa ko, umupo na lang ako kasi ang letche kong puso ang bilis kung tumibok. Nakikipagkarera yata sa loob. Bwiset.
Xien POV
Nang hindi na namin mahanap kung saang sulok ng mundo ang kinaroroonan ni Captain, napagdisisyunan namin na pumasok na sa classroom since nag ring na ang bell hudyat na mag-sta-start na ang klase.
BINABASA MO ANG
Lieuxvione Piertaello Academy (Completed)
Teen FictionIsang paaralan na may maraming sekreto, It can be considered as school of gangsters. No! it is already considered as school of gangsters! Or maybe a lot more scarier than just a school of 'gangsters'. Book cover photo: Pinterest