You thought you can handle it by yourself?
Well, you're totally wrong 'cause destiny did it all.***
Alexis POV
Aish! Gising ng umaga, maligo, kumain at papasok sa school. Well, yeah, you heard it right, papasok sa school! How I hate school and its' stuffs.
By the way, let me introduce myself, I'm Alexis Serene Zamora, anak ni Alejandro at Serena Zamora, ang kapatid ko ay si Aleya Senya Zamora, I'm 17 years old, ako ay transferee sa bago kong school. Ano nga ba 'yun? I mean ang pangalan ng school? Ang hirap kasi basahin, e!
Oh, I remember, Lieuxvione Piertaello Academy, isa sa pinaka sikat na paaralan sa Pilipinas. Oo, private school 'yun at may mga dormitories so, as expected... my dorm ako.
Kasalukuyan akong naglalakad papuntang faculty room para makuha ang schedules ko at para na rin sa dorm ko. Sabi nila nahahati daw ang mga dormitories.
Ang dorm para sa babae at syempre para sa lalaki, tanga talaga ako e, 'no? Alangan naman magsama ang lalaki at babae 'di naman pwede 'yun diba? Hoy! Huwag kayong green minded dyan!
So ayun na nga, nandito na ako at Sunday nga pala ngayon, infairness... maganda at malaki ang paaralan pero parang nakakatakot... iba yung feeling e, may pagka eerie vibe yung paligid. Bahala na!
"You must be Ms. Zamora, the transferee am I right?"
Tanong ng teacher yata, teacher ba 'to? Mukhang napadaan na lawyer lang dahil sa suot niyang damit. Pupunahin ko na sana pero of course dapat maging mabait ako dahil heller? Teacher pa din 'yan but honestly mabait ako....sa mga mabait nga lang sa akin. Hindi naman ako api-api 'no! Palaban kaya 'to!
"Opo, ako nga po." Sagot ko naman. Magalang kaya ako!
"Come and follow me, I'll lead you to your dorm. Ang mga dorm ay may kada tatlong tao sa loob kaya expected na may roomates ka. Okay lang ba 'yun sayo Ms. Zamora?" Tanong ni teacher na mukhang lawyer para sakin, bakit may iba pa ba?
"Okay lang po sa akin. Tutal wala naman pong problema sa akin kung may roomates ako." Sagot ko habang nakasunod sa kanya.
"Kung gano'n, then we're settled." Tumatango niyang tugon.
Nagsimula kaming maglakad papunta sa isang bahagi ng school kung saan daw ang mga dorm. May tatlong buildings, ayon na din sa eksplanasyon niya. Ang isa daw ay para sa main o yung school talaga, ang isa namang bahagi ay para sa dorm ng mga lalaki at ang pang huli naman ay ang sa amin... ang dorm ng mga babae.
Patingin-tingin lang ako sa paligid nang may natapakan akong isang pendant, sa kuryosidad ko ay pinulot ko ito, isa itong pendant na may pakpak na itim at rosas na puti sa gitna ng pakpak na may dalawang silver sword na naka cross sa pakpak at may flames sa likod nito. Kanino kaya 'to? It looks like it's expensive or something.
Dahil sa pagkalibang ay hindi ko na namalayang nasa second floor na pala kami. Well, yeah, isa po akong dakilang sophomore. Paliwanag din sa akin ni teacher, na mukha pa ring lawyer para sa akin, na apat ang floor ng dorm for girls na by level, gets niyo? Kung oo, edi ikaw na magaling!
"Ms. Zamora, here's your dorm." Tumango ako at napatingin sa numero na nakalagay sa may pinto. Room number, 209.
As if on cue, may lumabas na dalawang babae, yung isa parang nerd kasi naka salamin at yung isa naman ay parang laging nalilito, mukhang inosente.
"Good morning Ms. Yu at Ms. Perez, siya nga pala ang bago niyong roomate." Nakangiti niyang sambit sa dalawang babae na kakalabas lang ng kuwarto. Lumingon naman siya sa akin.
"Ms. Zamora, please introduce yourself to your new roomates."
"Uhm yeah, well, Hi! I'm Alexis Serene Zamora, 17 years old. Just call me Alexis." Pagpapakilala ko tapos nakipag handshake.
"Hi! Ako nga pala si Dominnique Raine Perez, 18 years old. Just call me Raine and here beside me is..." Pakilala niya tapos sabay tingin sa katabi niya.
"Oh Hi! Ako nga pala si Yera Summer Yu, 18 years old. Just call me YS." (Pronounce as Ice)
"Sorry ah? Akala ko kasi i-introduce na ako ni Raine, hindi pala." sabi niya tapos inirapan si Raine. I chuckled silently.
"Oh well, Ms. Zamora, enjoy your stay." Sabi ng teacher na mukhang lawyer.
"Thank you po." Sabi ko tapos umalis naman siya.
"So, pasok ka Alexis." Pag-anyaya ni YS.
Pagpasok ko, nilingon ko ang kabuuan ng kuwarto, maganda naman ito pero hindi malaki, kasya lang para sa tatlong tao.
"Saan ako?" Tanong ko.
"Ah dyan, okay lang ba sayo? Palit nalang tayo kung ayaw mo." Sabi ni Raine. Umiling ako.
"Hindi, okay lang." Sabi ko then nagsimulang mag-unpack ng mga gamit na dala ko. Pagkatapos ko sakto namang nagsalita si Raine.
"Alexis? Sama ka sa amin, lunch na kasi at gusto ka sana naming i-tour para maging familiar ka sa mga lugar dito, tutal naman ay sunday ngayon."
"Oo nga Alexis, sama ka." Segundo naman ni YS.
"Okay ba." Sagot ko naman.
Lumabas na kami para pumunta ng cafeteria, pagpasok namin ang laki at ang linis... malamang kailangan malinis ang cafeteria, alangan naman madumi e, nandoon lahat ng pagkain. Napailing ako.
Umorder na kami at naghanap ng mauupuan. After 2358947806 years, sa wakas nakahanap din kami.
Nung maupo kami sakto naman na may pumasok na grupo ng mga kalalakihan, inaamin kong gwapo silang lahat, lalo na yung naka black shirt at denim pants, ang tangkad niya at yung buhok niya ay kulay gray na may kaunting black at ang mga mata niya ay parang may pagka emerald green naparang sky blue, pero may kung ano sa paraan ng tingin niya, nakakatakot... nakakaakit. I shook my head. What the hell? Natulala ba ako? Damn.
Napansin yata ni Raine ang reaction ko kaya umubo siya.
"Alexis, huwag mong tignan." Pabulong na sabi ni Raine.
Humarap ako sa kanila at napansin kong nakayuko sila at kumakain. Bakit? Bawal ba?
"Bakit kayo nakayuko? May problema ba sa kanila?" Tanong ko e, paano ba kasi para silang tanga na nakayuko.
"Ah... e, kasi-" Sabi ni Raine pero pinutol ni YS ang dapat na sasabihin niya.
"Kasi Alexis, sila ang Darknight Government. Isa sa mga kinakakatakutang grupo ng lalaki dito sa school. Bukod pa sa ang leader nila ay anak ng may-ari ng school, gangsters din sila."
Pagpapaliwanag ni YS sabay turo sa lalaking sinasabi ko. So, siya ang anak ng may-ari ng school at the same time leader ng anong grupo 'yon? Dark what? Is it Darknight Government. Ang corny pakinggan.
'Di na lang ako nagsalita at pinagpatuloy ang pagkain ko. Oo nga pala, ayun sa research ko tungkol sa school na 'to, may mga gangsters nga daw at totoo pala, kaya pala tinawag na school of gangsters ang Lieuxvione Piertaello Academy. I sighed. Well, I hope they are real gangsters and not just some childish teens who just seeks attention.
***
Author's Note:
Hello guys! I hope you like it HAHAHA!interesado talaga ako sa storya kong ito determinado din po and first time kong sumulat ng tagalog story so please understand. Thank you!
BINABASA MO ANG
Lieuxvione Piertaello Academy (Completed)
Dla nastolatkówIsang paaralan na may maraming sekreto, It can be considered as school of gangsters. No! it is already considered as school of gangsters! Or maybe a lot more scarier than just a school of 'gangsters'. Book cover photo: Pinterest