Part 7

257 8 6
                                    

Alexis POV

Nandito ako ngayon umuupo sa ilalim ng puno para makapag-isip kung paano ako makakabalik papunta ng school ng hindi nahuhuli. May curfew pa naman. Dapat kasi pag 10 pm na, dapat nasa loob na ng dorm lahat ng mga estyudante.




Habang tinitignan ko ang mga pasa at sugat ko gusto parang ko na lang umiyak pero hindi ko magawa dahil tama na, pagod na akong umiyak.




Wala namang magagawa ang pag-iyak ko sa mga problema ko. Mas lalo lang akong magmumukhang kaawa-awa.




Pinagmamasdan ko lang ang walang hanggang pagtulo ng mga dugo mula sa aking mga sugat. Aabot pa kaya ako ng buhay pagnasimula na akong maglakad ulit papauntang school? Pero hindi ko alam kung nasaang parte ako ng campus. Napabuntong hininga na lang ako at pinunit ang laylayan ng damit ko para maibsan naman ng konti ang pagdaloy ng dugo. It will help to prolong my life a bit.




Habang ginagawa ko 'yon, may naramdaman akong may nakatayo sa harapan ko. Inangat ko ang paningin ko ngunit hindi ko makita dahil sa madilim ang paligid at ang tanging ilaw lang ay ang liwanag na nanggagaling sa buwan.




Nang tumama ang sinag na nanggagaling sa buwan ay nakita ko ang mukha niya. My eyes widdened. It's him.




I know it's him. Siya ang leader ng Darknight Government. Kung hindi ako nagkakamali siya si...





Dark Piertaello!





Oo nga! Siya nga! God! Anong ginagawa niya dito?!





Hindi kaya siya kasabwat nila? Hindi naman impossible dahil leader siya ng mga gangsters so possible nga, pero 'di ba si Trinity ang may pakana? Hmm... then, what is he doing here?





"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.




"Are you okay?" Tanong niya habang tinititigan lang ang mga sugat ko sa binti. Takte! hindi ako sinagot.



"Pwede sagutin mo muna 'yung tanong ko?" Naiinis kong sabi. Sagutin ba naman akong ng tanong?





"CAN'T YOU JUST ANSWER ME TOO?!" Sigaw niya. Hala! Nagalit. Pero imbes na matakot, inirapan ko siya.




"Ano bang pake mo ha?! Bakit nagagalit ka diyan?!" Sigaw ko pabalik. Akala niya, siya lang marunong sumigaw?




Tinignan niya lang ako ng seryoso. Bakit gano'n?




Habang tinitignan niya ako, bumibilis ang tibok ng puso ko. Parang tumakbo ako ng napakalayo at ngayon lang huminto at rinig na rinig ang pagtibok ng puso ko sa ginawa.



Hindi kaya... NO! Hindi pwede!




"Alam ko... hindi ka gano'n kasama kaya, pwede bang tulungan mo ako papuntang school?"



"You can handle it." Sagot niya. Nagtaka naman ako.



Anong I can handle it? E, hindi ko nga kaya 'di ba? Kaya nga ako nagpapatulong!



Magsasalita pa sana ako ng bigla na lang siya nawala. Bilis ah? May supernatural powers ba siya? Napailing na lang ako sa naiisip ko. Paano na 'to ngayon?





Susubukan ko na sanang tumayo ng may magsalita.




"Don't move." Sabi ng hindi ko kilalang tao.



Lieuxvione Piertaello Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon