Part 2

379 12 0
                                    

Dark POV


Ako si Giovanni Dark Piertaello, anak ng may-ari ng school na 'to na sina Fernando at Cecilia Piertaello. May kapatid ako na isang freshmen at wala akong pakealam sa kanya. Ako lang naman ang leader ng Darknight Government.



Kanina habang naglalakad ako papuntang dorm ko at nang nasa dorm na ako ay doon ko lang namalayan na nawawala ang pendant ng necklace ko. Bullshit! Wala naman akong pakealam sa pendant pero baka napulot ng iba at madamay siya sa gulo ng aking pamilya. Huwag niyo nang tanungin kasi hindi ko din sasagutin. Asa kayo!



Lumabas ako para hanapin ang walang kwentang pendant na 'yun, kung sa pamilya ko importante 'yun, sa akin wala akong pakealam 'don.



Lumabas ako ng kuwarto ko para simulang hanapin ang pendant na iyon nang bigla akong makarinig ng sigaw, tinawag lang naman ako ng mga baliw kong kaibigan or should I say, my co-gangsters.



"Oh, Dark saan punta mo?" Tanong sa akin ni Ethan. Siya lang at si Lance ang tumatawag sakin sa pangalan ko, matagal na kasi kaming magkaibigan simula pa ng grade school at family friend namin ang pamilya ni Ethan.




"Oo nga Captain, lunch na ah? Sa cafeteria ba ang punta mo?" Sabi naman ni Jeff.




"Sabay na lang tayo Cap, tutal si Xien na lang ang kulang." Sabi naman ni Yash.




"Sure ako nakikipag sex 'yun sa babae niya!" Paratang ni Jeff. Loko talaga 'to.



"Pwede ba?! Gusto niyo ako sumama at tinatanong niyo ako kung saan punta ko e, paano ako makakasagot kung puro kayo tanong?!" Galit kong tugon.




"Oh! Chill lang Captain, ikaw naman 'di mabiro!" Nakangising sabi ni Jeff.




"Ang gagago niyo kasi!" Tumatawang sabi naman ni Ethan.




"Pwede ba, ang iingay niyo!" Galit na sigaw naman ni Lance, 'buti pa 'tong si Lance, tahimik. Pero grabe sumigaw, sinisave niya yata ang boses niya at laway niya.




"Oy! Mainit ulo natin Lance ah?" Sabi ni Xien na dumating na pala.




"Saan ka ba galing?!" Galit kong tanong.




"Oh? Bakit ang iinit ng mga ulo niyo? Chill lang dapat. By the way, nakipag horse back ride lang ako kay, wait, sino nga ba 'yun?" Sabi ni Xien habang nakakamot sa ulo niya.





"Oh? 'Di mo matandaan? E, kasi sa dami-dami ba naman ng nakasex mo, paano mo matatandaan!" Sigaw ni Yash habang naniningkit ang mga mata kay Xien.



"Saan lakad natin?" Pagpapalit ng topic ni Xien. Gago.




"Sa cafeteria daw sabi ni Captain." Sabi ni Jeff, gago sinabi ko ba 'yun?!



"Kailan pa nagyaya si Cap pumuntang cafeteria e, 'di ba nandoon yung mga gagong 'yun?" Sabi ni Xien.




"Yung mga gagong sinasabi mo ba ay ang Castero Knight?" Tanong ni Jeff.




Nagsilingunan sila kay Jeff.



"Ay, hindi, ikaw 'yun Jeff, panigurado." Sarkastik na sabi ni Yash.



Tumango naman sina Ethan at Xien.



"What?! Kailan pa ako naging gago?!"




Lieuxvione Piertaello Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon