Part 12

154 4 0
                                    

Frost POV

Hindi na maipinta ang mukha ni Vince kanina e, paano ba kasi binasted siya ng babaeng gusto niya.



Papunta ako ngayon sa dorm sa kadahilanang mas gusto kong matulog kaysa gumala katulad nila well, hindi naman ako ganito dati. Dati kasi mahilig akong lumabas at sumama sa kanila pero ngayon... napabuntong-hininga na lang ako.




Nang nasa tapat na ako ng dorm namin may nakita akong sobre at may regalo din... kumunot ang noo ko. Kanino kaya 'to?


Out of curiosity pinulot ko ito at laking gulat ko ng makita na para pala 'yon sa'kin. Nagkamot ako ng ulo at kinuha ito para ipasok sa loob ng dorm. Sino naman kaya ang nagpadala nito? Imposible namang pamilya ko dahil kung magpapadala iyon ay malalaman ko.



I looked at the package and the envelop. Bubuksan ko na sana nang makita ko kung kanino galing. Halos mapairap ako sa hangin. So, siya pala.




Ang taong ayaw ko nang makita o maisip man lang pero palagi nagpaparamdam sa'kin. I sighed as I read what was written on it.




To:
Frost Deim Delos Santos

From:
Aleya Senya Zamora




'Yan ang nakalagay. Instead na ang regalo ang buksan ko ang sobre na lang ang napagdiskitahan ko. Maybe this is money? I chuckled silently before opening it ngunit agad ding naglaho ang ngiti sa labi ko nang mabasa ko ang nasa loob ng sobre.



Dear Frost,


I'm sorry for everything. I love you so much pero kailangan ko lang talagang iwan ka kasi kasama 'yon sa criteria at sa rules din.

Pero aaminin ko nagkamali ako kasi mas pinili ko ang kasikatan at pangarap ko kaysa sa pagmamahalan nating dalawa and I really felt sorry for that and it hurts me like hell.

I regret leaving you. I really do. Please give me another chance and I promise I won't do the same mistake again. I still love you darling.

Sincerly yours,
A.S




Napabuntong-hininga na lang ako ng napakalalim.



Should I really give you another chance Aleya? Should I call you darling too even if you teared my heart into million of pieces? Honestly, I really don't know what to do.


Humiga na lang ako at ipinikit ang aking mga mata para maialis ko lahat ang nangyari ngayong araw including ang ngayon lang nangyari kahit sandali man lang maging tahimik naman ang aking isipan... but I guess it won't happen.


"Froooosstt!!!!"


Fuck!


Wess POV

Kakapasok lang namin ng dorm nina Frost nang biglang sumigaw si Raf.


"Froooossst!!!"



Hinanap ng mata ko kung nasaan si Frost at nakita kong nabigla siya at nagulat, napabalikwas pa nga ng higa e.



Kung makasigaw naman kasi 'tong si Raf akala mol parang may sunog. Napailing-iling na lang ako.



Matalim na tinitigan ni Frost si Raf, hinihintay kung ano ang rason kung bakit ganoon na lang kung makasigaw ito.


Nandito ako kasi gusto kong tumambay dito actually, nandito kaming lahat kasama na si Lander.



Lieuxvione Piertaello Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon