Aleya POV
Bakit ba ako nag-aalala? Alam ko naman na hindi niya kayang ipagkalat lahat ng nangyari. Tama! Hindi niya ipagkakalat!
Nilalamon na ako sa pag-iisip ng kung ano-ano ng may magsalita.
"Aleya, pwede ba tayo mag-usap?"-Sabi niya. Tiningnan ko kung sino, laking gulat ko nang mapagtanto ko na si Dark pala!
"A-anong kailangan m-mo?"-Nauutal kong tugon.
"May itatanong lang sana ako."-Sabi pa niya.
"Ano n-naman 'yon?"-Nauutal ulit kong sabi.
"Kaano-ano mo si Alexis? Ang ibig kong sabihin ay... kapatid mo ba talaga siya?"-Tanong niya.
"B-bakit mo n-naman na i-itanong??"-Tugon ko.
"Sagutin mo nalang ang tanong ko! Magkapatid ba talaga kayo?!"-Galit niyang sabi.
"Oo,s-syempre mag-kapatid k-kami,bakit m-may nangyari ba?"-Ako.
Tinitigan niya lang ako,tapos naglakad na siya palayo.
May nalaman kaya siya?
Dark POV
Tang*na! Bakit ba ako nagkakaganito?! Isang taon na ang lumipas pero hindi niya na ako binalikan! Tapos ngayon magpapakita siya?! Tang*na talaga! Siya ba at si Rene ay iisa?!
Kung siya nga... bakit hindi niya ako maalala?!
Tang*na!Naglalakad lang ako sa hallway ng may mabunggo ako.
"Ano ba!!"-Sigaw niya.
Napatulala lang ako ng makita ko kung sino ang nakabungguan ko.
"D-dark?"-Sabi niya.
"G-grace?"-Sabi ko naman.
"Anong ginagawa mo dito? K-kasama mo b-ba si R-rene?"-Tanong ko.
"Dark nandito ako para sabihin sayo ang totoo."-Sabi niya.
"Anong totoo?"-Gulat kong tanong.
"Dark, maniwala ka, wala akong kasalanan pati si Rene wala rin. Please maniwala ka."-Grace.
"Anong kasalanan ang sinasabi mo?"-Ako.
"Buhay si Rene at nandito lang siya Dark pero may nagbago."-Siya.
"A-anong nagbago? At nandito? Sino?"-Ako.
"Matagal mo na siyang nasasalamuha, yun nga lang hindi na siya yung Rene dati, hindi na siya nakakaalala"-Grace.
"Sino!? Sabihin mo! Sino?!"-Galit kong sigaw.
"S-siya at si R-rene ay iisa,siya ay si---"-Sabi ni Grace ngunit ito ay naudlot dahil may tumawag sa kanya.
"G-grace! Nandito ka na pala, halika na hatid na kita."-Sabi ni Aleya.
"S-sige. Dark mauna na ako"-Pamamaalam ni Grace pero bago siya makalayo tinanong ko muna siya.
"Si Rene ba at si Alexis... ay iisa?"-Tanong ko nagulat naman siya pero hindi niya ako nasagot dahil hinila na siya ni Aleya.
So tama nga ang nakita ko, kaya pala may kamukha siya at parang matagal ko na siyang kilala dahil... Si Rene at Alexis ay iisa!
At sa tanong ko kung bakit hindi niya ako maalala dahil wala talaga siyang naaalala.
BINABASA MO ANG
Lieuxvione Piertaello Academy (Completed)
Teen FictionIsang paaralan na may maraming sekreto, It can be considered as school of gangsters. No! it is already considered as school of gangsters! Or maybe a lot more scarier than just a school of 'gangsters'. Book cover photo: Pinterest