Part 8

222 8 0
                                    


Yera (YS) POV

Hinihintay namin si Alexis sa kadahilanang hindi pa siya umuuwi. Malapit ng mag 11 pm at wala pa siya.


Tinignan ko si Raine na nag-aabang sa harap ng pinto habang umuupo sa tabi nito.


"11 na, wala pa din si Alexis." Nakabuntong-hininga na sabi ni Raine sabay silip ulit sa bintana.


"Huwag kang mag-alala. Parang hindi mo naman kilala si Alexis, matapang 'yon." Tugon ko naman.



"Oo nga matapang siya e, kung nagkataon na may nangayari sa kanyang masama na hindi kailangan ang katapangan, malalagpasan niya ba?" Sermon ni Raine.



"Ano ka ba! Matagal na nating kilala si Alexis. Hindi lang ngayon kundi dati pa, kahit na hindi niya tayo maalala, kahit na masakit sa puso ay dapat natin siyang paglihiman." Paalala ko naman sa kanya.



Magsasalita pa sana siya ng biglang bumukas ang pinto at iniluwal nito si Alexis na puno ng dugo sa labi, braso at binti.



"Oh my gosh! Alexis anong nangyari sayo?!" Nag-aalalang tanong ni Raine kay Alexis.


Yung mukha ni Alexis ay parang nagulat siya. Sa tingin ko ang iniisip niya ay kung bakit gising pa kami sa ganitong oras.


"Ah, eh kasi... may nangyari. Bukas ko na lang ipapaliwanang sa inyo." Nakaiwas na tinging sagot ni Alexis.



"At may nakapagsabi nga pala sa'kin na matalino ka daw Raine at mukhang inosente at mabait daw naman si YS." Nakaiwas pa rin ang tingin niya sa amin.


Tumawa ng napakalakas si Raine. "Huwag kang magpapaniwala sa mukhang inosente si YS e, sa totoo nga mas inosente pa si Lady Gaga kumpara sa kanya." Raine sabay tawa ulit.




"Ganon ba? Sige, ligo muna ako." Nakangiting sabi ni Alexis.



"Oh siya, sige." Sagot ko naman.

Pumunta na si Alexis sa loob ng banyo at naligo na.


Tinanaw ko naman si Raine at nagulat ako sa nakita ko, umiiyak siya.

"Hey, are you okay?" Nag-aalalang tanong ko kay Raine.




Alam niyo feeling ko baliw talaga 'tong si Raine. Kanina kung makatawa wagas, ngayon naman umiiyak. Buhay nga naman!



"YS, feeling ko may masamang mangyayari sa kanya. YS ayoko nang maulit balik ang nangyari sa kanya dati. Hindi ko na kaya." Humahagulgol na sabi ni Raine.


"Hey ,don't say that. Walang mangyayaring masama sa kanya okay? Nandito naman tayo, hindi natin siya pababayaan katulad ng dati."


Pero feeling ko talaga may naghihintay na piligro sa kanya dahil nararamdaman ko, subalit hindi namin siya iiwan kahit na siya pa ang mag taboy sa'min.



Natulog na kami ni Raine kasi gabi na rin at may klase pa bukas. Ang hinihiling ko lang na sana ay makalabas na siya dito ng maaga bago mahuli ang lahat.



Dito kasi maaari kang pumasok ngunit mahihirapan kang lumabas, nagsimula ito ng may makaalam tungkol sa babaeng nawawala, naging sigurista sila. Sana din hindi ito malaman ni Alexis.


Xien POV


Nandito kami ngayon naghihintay sa pagdating ni Captain at Ethan.



Lieuxvione Piertaello Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon