Prologue

1.7K 29 5
                                    

Mahirap magkagusto sa taong kapatid lang ang turing sa'yo, pero mas masakit malaman na nahulog ako sa taong ginamit kong instrumento para lang makalimutan ang tunay na minamahal ko.

Ang pagibig ay madalas na komplikado sapagkat marami kang makikilala ngunit hindi naman pala kayo para sa isa't isa. Sa kabila noon may tao paring dadating kung saan sakanya mo tunay na mararamdaman ang pagibig. Hindi ko rin malaman ang dahilan kung bakit ganoon ang love life ko. Pinagsakluban na ako ng tadhana, yung tipong mag kasama na nga kami, pinaghihiwalay parin kami ni tadhana. Minsan na iisip ko na lang wala na talagang pag asa, pero dahil masyado akong makulit, maging hadlang man si tadhana 'di padin ako mapipigilan na mahalin siya.

'Yan yung buhay ko, umiikot lang sa taong mahal ko. Ako nga pala si Aerish Faith Brenza 28 yrs. old isang doctor sa Doctreal Hospital. Sa loob ng hospital umiikot ang buhay ko pero may isang taong biglang dumating at nagpabago ng lahat.

Nagsimula sa isang deal na ang kinasalasan ay sakit. Deal na naging dahilan kung bakit ako nahulog sakanya, deal na naging dahilan kung bakit nagkaroon muli ng tao ang puso ko, deal na nagbunga ng kasiyahan ko at deal na nagpaganda ng buhay ko.

Ang pagiging isang doctor ay napaka komplikado, nakasalalay kasi sa'yo ang buhay ng isang tao. May mga pagsubok na kailangan pagdaanan at gawin ganon din ang kadalasang nangyayari sa isang relasyon. Kusa na lang dadating ang problema at nakasalalay sa'yo ang lahat kung matagumpay mo ba itong malalagpadan.

Edited

It's you, It's always you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon