Chapter 16

550 23 2
                                    

Kasalukuyan kong hinahanap si Ivo at Thalia, magkasama kasi ang dalawa dahil ako at si Tita Clare ang nag handa para sa hapunan. Nag presinta kasi itong mag luto kahit may mga chef naman ang resort dahil nga hindi lang kami ang tao dito may mga nag babakasyon din tapos nag presinta rin akong tumulong dahil sa wala akong magawa, muntik ko na ngang isipin na pamilya na talaga kami dahil sa closeness ni Thalia kay Ivo at sa pamilya nito. Naglalakad lakad ako sa dalampasigan hanggang sa nakita ko sila na gumagawa ng sand castle.

Akmang tatawagin ko na sila pero agad din akong napahinto nang marinig ko 'yung pinag uusapan nila.

"Maganda po ba ang gawa ko?" tanong ni Thalia.

"Oo naman, gusto mo ba ng gan'yang bahay?" mabilis na umiling si Thalia sa kan'ya at maayos na hinarap ito.

"Ayoko ko po, para po kasi sana ito sa'min nila Mommy and Daddy pero hindi ko po kilala ang tunay kong Daddy." pagpapaliwanag nito. Bahagyang kumirot ang puso ko dahil ramdam na ramdam ko ang pangungulila ni Thalia kay Ivo pero naroon parin ang kaba dahil takot padin ako na malaman ni Ivo ang lahat lalo na't alam ko na may bago na itong mahal ngayon.

"Hindi mo kilala?" paninigurado ni Ivo.

"Opo, may kwento po ako sa'yo. Dati po narinig ko si Mommy at Tito Jay, galit po si Mommy kay Daddy kaya hindi na po ako nag tatanong. Secret lang po ha?" pinanlakihan ako ng mata dahil sa sinabi nito.

"Ivo! Thalia!" tawag ko sa kanila para matigil na ang paguusap nila dahil baka mapunta pa ito sa bagay na ayokong mangyari, hindi pa ako handa para doon.

"Mommy!" masayang bati sa'kin ni Thalia at sinalubong ako ng yakap. Samantalang nakita ko ang pagtataka sa mata ni Ivo, kunot noo nitong pinagmamasdan kami kaya binuhat ko na si Thalia.

Nag simula kaming mag dinner nang makumpleto kaming lahat, at nang matapos ay napagdesiyonan nila Tila Clare na patulugin na lang si Thalia sa kwarto nila habang ako, si Ivo, Sheena, Eya, Yexel at ang newlyweds ay naiwan para mag laro ng volleyball. Ayoko sana pero pinilit nila ako kesa naman daw bukas kung kailan tirik na tirik ang araw. Sa totoo lang tinatamad ako at gusto ko lang mag relax habang nandito kami sa beach pero sino ba naman ako para tumanggi sa gustong mangyari ni Kuya at Ate Elli?

Nahati kami sa dalawang team, bale girls vs. boys. Sa first game ay nakakalamang kami pero sa scond round ay tuluyan na silang nakahabol.

"Pa'no ba 'yan mananalo na kami!" pangaasar ni Kuya.

"Serve na par" ani ni Ivo kaya naman mabilis na sinerve ni Kuya ang bola. Papunta ito sa gawi ko kaya irereceive ko na kaso biglang humarang si Sheena kaya ang ending ay nadaganan niya ako.

"Ouch!" matining na sigaw niya akala mong siya 'yung nadaganan. Tinulak ko siya para makatayo ako, nagreklamo pa ito dahil sa ginawa ko.Ginawa ba naman akong taga salo niya, kung hindi niya lang kasi sana hinabol 'yung bola edi hindi mangyayri 'to, sorry pero 'yung katangahan ginawa niya atang kakampi.

Sinubukan kong tumayo pero napadaing lang ako "Ayos ka lang ba?" tanong ni Ivo nang daluhan ako. Si Kuya naman ay natatawa pa kaya pinagsabihan ni Ate Elli.

"Mukha ba?" inirapan ko ito at muling sinubukan na tumayo.

"I think you need to carry her?" singit ni Eya.

Napabuntong hininga si Ivo bago ako buhatin "Hoy! Ibaba mo na ako! Kaya ko naman!" sunod sunod na sigaw ko dahil hindi ito natitinag.

"Hindi ka nga matayo ng ayos. Una na kami" paalam niya kay Kuya na tinanguan lang siya bilang pag sangayon, magiinuman pa kasi ito gaya ng napagusapan na gawin kanina.Pero seryoso ba? Hindi ba man lang pag sasabihan ni Kuya si Ivo na dapat wala itong gawin na masama sa'kin, parang may pinipili 'yung pagiging protective ni Kuya.

"Baka mag selos 'yung girlfriend mo, puntahan mo na. Kaya ko na naman na ang sarili ko, makakapunta ako ng magisa sa room namin." nakita ko ang marahan niyang pagpikit bago ako biglaang ibinaba, kamuntikan na akong ma out of balance mabuti na lang at napahawak ako sa kan'ya.

"Ayos ka na ba niyan sa tingin mo? And Sheen is not my girlfriend! Matagal na kaming tapos." napatahimik na lang ako sa sinabi niya, kaya naman ay muli niya akong binuhat hanggang sa tuluyan na kaming makarating sa room.

"Ano pang ginagawa mo dito?" tanong ko pero 'di niya ako pinansin at pumunta ito sa isang maliit na cabinet kung saan nakalagay 'yung mga damit namin ni Thalia kumuha ito ng damit ko na siyang ipinagtaka ko. Humarap ito saakin at hinawakan ang laylayan ng shirt na suot suot ko, mabilis kong tinampal ang kamay niya ng subukan niyang itaas iyon.

"What the hell are you going to do?!"

"Papalitan ka ng damit?" sagot nito na para bang simple at walang meaning 'yung gagawin niya.

"Kaya kong magpalit! Hindi naman ako baldado, paa ko ang naapektuhan hindi ang kamay ko!" inis na sabi ko pero wala paring emosyon ang kan'yang mata.

"Anak ko ba si Thalia" kamuntikan ko na siyang maitulak ng malakas dahil sa biglaang tanong niya, mabilis akong binalot ng kaba at takot.

"A-Ano bang pinagsasabi mo?" pagpapatay malisya ko.

"Oo at hindi lang ang sagot, Aerish. Bakit palagi ka na lang nahihirapan na sagutin ang mga tanong ko?" hindi ko ito matitigan ng ayos sa mata dahil alam ko sa sarili ko na kapag ginawa ko iyon ay matatalo ako, masasabi ko ang lahat nang hindi man lang nakakapag desisyon ng ayos. Wala ng dahilan para malaman niya ang lahat dahil matagal ng tapos ang bagay na mayroon sa'min, pinili niyang mahalin si Chesca.

"Hi-Hindi! Hindi lang naman ikaw 'yung lalaking nakakasama ko s-sa kama!" sobrang bilis ng tibok ng puso ko, hanggang kailan ko ba talaga balak mag sinungaling at itanggi ang lahat?

"We didn't use any protection so it's possible na may mabuo. She's four years old right? And four years ago you left me." unti unting namuo ang luha ko, bakit parang kasalanan ko ang lahat. Umalis ako para sa sariling kasiyahan niya pero bakit parang ngayon ay halos sama ng loob ang namamayani sakaniya?

"Umalis ka na" utos ko at tinulak siya papalayo sa'kin pero hinawakan niya lang ako sa braso.

"Sabi ko umali---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sinalubong na ako ng kan'yang labi. Pinilit ko siyang itulak para tuluyang humiwalay sa'kin pero hindi ito nag papatinag, naramdaman ko ang pagkakahiga ko sa kama dahil ilang beses niya akong idinidiin sakan'ya.

"Kung hindi ako ang ama, Aerish pipiliin ko na gumawa ng anak kasama ka. Wala akong pake sa mga posibleng kapalit nito. Wala akong pake sa iba, mananatiling akin ka, naiintindihan mo ba?" seryosong sabi niya.

"Matagal na tayong tapos, Ivo. Tama na!" pwersahan ko siyang itinulak pero hinwakan niya lang ako sa dalawang kamay ko at idiniin iyon sa kama bago muling ibalik ang labi niya sa labi ko.

It's you, It's always you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon