Chapter 4

670 25 3
                                    

Kasalukuyan akong naka sakay sa elevator papunta sa floor ng condo ni Ivo. Nung nakaraan kasi pagkatapos namin kumain, hinatid niya ako ka'gad sa apartment na inuupahan ko na malapit din sa hospital. May importante raw kasi siyang gagawin nung araw na 'yon kaya nga hindi ko mahanap 'yung dahilan kung bakit niya pa ako isinama sa condo niya noon, imposible namang sinadaya niya ako sinama para makapag linis.

*Ting*

Lumabas ako ng elevator at deretsong nag lakad papunta sa pinto na siyang condo ni Ivo. Kinuha ko ang cellphone ko sa shoulder bag na gamit ko, 112703 ang sinend na passcode ni Ivo na agad ko namang ginawa. Pumasok naman ako agad nang mabuksan ko iyon, medyo malinis pa naman ang buong condo. Bilang na bilang lang ang mga kalat na makikita rito hindi katulad noong una kong pag punta sa condo niya. Naabutan kong mahimbing na natutulog sa sofa si Ivo, pagod ata dahil gabi ang shift nito. Ano kayang problema nito at pinapunta ako dito? Kapag mag lilinis naman ako dapat may bayad na, wala nang libre sa panahong 'to.

Nag lakad ako papuntang kusina, mukhang hindi pa ito nag aagahan dahil malinis at walang bahid ng kahit anong pagkain dito. Tutal napakialaman ko na ang kusina niya noong nakaraan, wala namang masama kung pakikialaman ko ulit 'diba? Oo, walang masama doon papakainin ko rin naman siya ng lulutuin ko.

"Maybe we're the perfect strangers, may it's not forever~" kanta ko habang abala sa pag luluto.

"Lalalala- ahhhh!" Sigaw ko nang biglang may humawak sa balikat ko. Hindi pa naman ako nasabihan ni Ivo na ay multo rito sa condo niya na bigla na lang nang hahawak. Sa totoo lang dapat hindi na ako matakot sa multo dahil ilang beses ko nang nasaksihan ang huling hininga ng mga pasiyente namin at sabi nila hindi na bago ang mga kwento tungkol sa multo lalo na pag sa hospital pero hindi ko parin maiwasang matakot.

"Bwisit ka! Gising ka na pala," hindi ko napigilang pag singhal sa kan'ya habang hawak ko ang dibdib dahil sa pag kagulat.

"Paanong 'di ako magigising, ang ingay ingay mo," kunot noo niyang sabi sa'kin at sinulyapan ang pagkain na niluluto ko. Nakita ko ang bahagyang pag lunok niya na nag pangiti sa'kin.Hindi ko sasabihing nagugutom at natatakam siya sa niluluto ko, hindi ko talaga sasabihin dahil halata na agad.

"Umupo ka na," tinulak ko ito hanggang sa mapaupo siya sa upuan.

"Maluluto na' to," nag simula na rin ako sa pag lagay ng kanin sa plato. Maya-maya ay nag lagay na din ako ng ulam sa mangkok at sabay na kaming kumain.

"I'm done," napa angat naman ang tingin ko sa kan'ya na ngayon ay tapos nang kumain, ubos ang kanin pati ulam na inihain ko.

"Parang gutom na gutom ka ah 'di ka ba nag dinner kagabi? " Tanong ko bago isubo ang pag kaing nakalagay sa kutsara, sobra kasi ang inihain ko at akala ko pa nga ay hindi namin mauubos 'yon pero nag kamali ata ako sa part na 'yon.

"Kumain naman ako, sad'yang ngayon lang ulit ako naka tikim ng gan'yang putahe. That's something my mother used to make for me, and it's amusing since she reminds me of you," paliwanag nito sa'kin.

"Hindi ka na ba niya nilulutuan ngayon?"

"Nasa ibang bansa kasi si dad at mom pati na rin 'yung bunso kong kapatid, 'yung kakambal ko busy sa trabaho niya." Napatango ako sa sinabi nito, kaya pala hindi siya mapaglutuan dahil nasa ibang bansa. Ba't 'di ko naisip 'yon? Halata na nga damit kasi mag isa na siyang naninirahan ngayon.

"Ganoon ba? May kakambal ka pala, ngayon ko lang nalaman," malamang Aerish! Hindi naman kayo close ni Ivo, himala na nga na nag uusap kayo ngayon.

"Yes, she is a model, usually once a month lang kami kung mag kita." Kwento nito, so hindi pala kasama ng magulang niya ang kapatid niya, sabagay matanda na rin naman siguro 'yon.

"Hmm. Sige, huhugasan ko na itong pinag kainan natin." Saad ko at tumayo na para mag tungo sa lababo. Habang nag huhugas ay siyang biglaang pag buhos ng malakas na ulan, night shift na rin naman ako dahil may mga bagong doktor na nadestilo sa hospital namin kaya kailangang iadjust ang schedule but they made sure that all the doctors would always be available.

Pag dating ko sa sala naabutan ko lang ang nakabukas na T. V napakibit balikat ako at nag simulang umakyat para pumunta sa kwarto ni Ivo. Nakalimutan ko kasing tanungin ito kung ano ba ang kailangan nito sa'kin at pinapunta pa ako sa condo niya.

"Ahhh!" Hindi ko mapigilang hindi mapasigaw dahil sa nakita ko nang pinihit ko ang sendura ng pinto at bumungad sa'kin ang katawan ni Ivo na tanging maliit na tuwalya lang ang nakapalibot sa bewang nito.

"Anong problema mo?" Iritadong saad nito, ayaw niya nga pala nang maingay ta's may pasigaw-sigaw pa akong nalalaman kanina.

"A-Ano kasi... Bakit mo pala ako pinapunta rito? " Isinantabi ko ang pa live show nito at pinili na lang na mag tanong habang iniiwasan siyang tignan. Hindi niya ako sinagot bagkus tinawid nito ang pagitan naming dalawa. Bawat hakbang niya palapit sa'kin ay siyang pag atras ko. Naramdaman ko na lang na nasa dulo na ako ng kama niya. Marahan akong napalunok nang inilapit nito ang mukha sa'kin.

"I-Ivo," banggit ko sa pangalan niya at nilapat ang dalawang palad ko sa dibdib nito para itulak siya dahil sobrang lapit ng mukha nito sa'kin, halos maamoy ko na ang mouth wash na ginagamit niya. Hindi ko na nga alam 'yung gagawin ko naki sabay pa 'tong mabilis na pag tibok ng puso ko.

"Hmm?" Tanging tugon nito sa'kin at mas lalong inilapit ang mukha, pinipigilan niya ang pag tulak ko sa kan'ya kaya ang ending ayon napahiga na ako sa kama, para kasi akong nag tutulak ng pader dahil hindi man lang ito matinag tinag sa ginagawa kong pag tulak.

Naka paibabaw ito sa'kin dahil nga sa napahiga ako sa kama, hinapit kasi nito ang bewang ko kaya pati siya ay kasama kong napahiga. Napatitig ako sa mata niya na para bang hinihigop ako, halos maduling na nga rin ako dahil sa sobrang lapit ng mukha naming dalawa. Ipinikit ko ang mata ko dahil sa pag aakalang mag didikit ang labi naming dalawa, sobrang bilis din talaga ng puso ko, hindi ko na nga alam kung dahil ba 'yon sa kaba o dahil sa nasasabik ako sa posibleng mangyari sa pagitan naming dalawa.

"HAHAHAHAHHA!" Narinig kong tawa niya kaya naman napamulat ako agad at walang sabi-sabi na tinulak siya. Sabi ko nga, nag aassume lang ako, umakyat ang init sa mukha ko at doon pa lang ay alam ko nang namumula ako dahil sa kahihiyan.

"Siraulo ka talaga!" Sigaw ko at umalis sa kama.

"What do you expect from me? A kiss? Well, kaya ko namang ibigay, but you have to ask for it." Umupo ito sa kama habang ang dalawang kamay niya ay nakatukod sa mag kabilaang gilid nito.

"A-Ang ka-kapal naman ng mukha mo!" Napaawang ang labi ko dahil pati sarili kong bibig ay pinag tataksilan na ako, bago pa man akong may masabi at magawa pang bagay na daragdag sa kahihiyan ko, lumabas na ako ng kwarto niya.

Maya-maya pa ay lumabas na rin ito sa kwarto niya, nakahinga naman ako nang maluwag nang makitang nakapang bahay na ito. Nakasalamin at may hawak itong libro, Brain Surgery. "May case ka na bang nahawakan?" Tukoy ko sa librong babasahin niya .

Tinaas nito ang libro bago ako sagutin, "Isa pa lang." Napatango na lang ako at muling tinanong kung bakit niya ako pinapunta sa condo niya pero wala parin ako nakuhang sagot. Napa kibit-balikat ako baka siya ata 'yung nangangailangan ng brain surgery, 'di na ata nag fufunction nang maayos 'yung utak niya.

It's you, It's always you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon