Epilogue

556 10 4
                                    

Play the attached video 👆

Ivo

"Condolence..." ani ni Cheska at niyakap ako. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyari. Biglaan ang lahat at hindi ko pa magawang tanggapin lalo na ngayong hirap na hirap akong ipaliwanag kay Thalia ang lahat, patuloy niyang sinisisi ang sarili dahil sa nangyari.

Ito na ang huling gabi sa burol ni Aerish, pinagmamasdan ko ang mukha nito. Bakit? Bakit sa lahat ng pwedeng kuhain ang taong mahal ko pa? Halos wala pang taon simula noong magkasama kami ulit, hindi ko pa nga nasusulit nawala nanaman at ang malala ay kahit kailang ay hindi na pwedeng bumalik pa.

"Magpahinga ka muna halos tatlong araw mo ng binabantayan si Aerish, kahit ilang oras lang Ivo. Ako muna ang magbabantay sa kapatid ko." kagaya ng paulit ulit kong ginagawa, tinanggihan ko lang ito.

"Rest Kuya, as I can see patuloy na naaapektuhan si Thalia sa'yo. Kung hindi ka naaawa sa sarili mo, maawa ka sa anak mo. Hindi ma nakakakain ng ayos ang bata." nilingon ko si Thalia na naka kandong lang sa Lolo niya, namumula ang mata nito dahil din sa pagiyak. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at tinungo ito.

"Thalia, Baby..." tawag ko sa atensyon niya, muling namuo ang luha sa mata nito at nagsimulang umiyak.

"Shhh. Nandito pa si Daddy, tahan na anak" hinagod ko ang likod nito para tumahan. Nagsimula na rin akong umiyak dahil muli nanamang bumigat ang pakiramdam ko.

Nakita ko na nagpupunas na rin ng luha ang sila Mommy, makita pa lang na ganito ang sitwasyon ni Thalia lahat kami ay unti unting na pipiga at mauuwi sa iyakan. Mabuti na kang at nakatulog na si Thalia pagkatapos nitong umiyak kaya makakapagpahinga na ito.

Buong gabi ay binantayan ko lang si Aerish ayoko mang ipalibing pa ito wala akong magagawa kailangan niya ng tuluyang magpahinga.

Kinabukasan ay pagod na pagod at nanlulumo man ay buong lakas kong sinamahan si Aerish hanggang sa huling hantungan niya.

"If you want to talk to your Mommy, always write a message to the balloon and let it fly 'til it reaches the heaven." sabi ko kay Thalia na ngayon ay buhat buhat ko.

"I will Daddy" niyakap ako nito at gano'n din ang ginawa ko. Unti unting binaba ang kabaong sa lupa, lahat kami ay umiiyak dahil sa pagkawala nito. Kung may tao man na totoong naapektuhan walang iba kun'di ang anak namin.

"I love you, Mommy." huling sabi ni Thalia bago bitawan ang balloon na sinulatan ko kanina.

I will never forget you, Mom. Please guide 'til the end.

Iyon ang gustong mensahe ni Thalia para sa Mommy niya samantalang ako ay binitawan na rin ang lobo habang hawak hawak ang litrato ni Aerish.

"Mahal na mahak kita." muling tumulo ang luha ko habang pinagmamasdan ang papalayong lobo.

Buong akala ko tadhana ang kalaban natin iyon pala ay oras at pagkakataon.

Siguro nga hanggang dito na lang ang lahat pero mananatili ka sa puso ko.

Napaglaruan man tayo ng panahon, ipinapangako kong mananatili tayong itinadhan sa isat isa.

Maging malaya ka. I love you my Angel.

It's you, It's always you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon