Chapter 6

621 17 4
                                    

Palakad lakad lang ako sa loob ng opisina ko, mapakaliwa man o mapakanan, ang daming pumapasok sa isip ko na halos hindi ko na maintindihan kaya naman hindi rin ako mapakali.

"Aerish!" Doon lang ako napatigil sa pag iisip nang may sumigaw mula sa labas ng pintuan, sinamaan ko ito ng tingin nang tuluyan na siyang maka pasok sa loob.

"Huminahon ka nga Lyka ginugulat mo 'ko, hindi ka man lang kumatok!" Panenermon ko sa kaibigan ko na hinahabol ang pag hinga dahil sa pag takbo papunta rito.

"Teka nga, bakit ka ba tumatakbo?" Kunot noo kong dagdag sa sinasabi ko.

"Parang 'di ka na nasanay sa ginagawa ko." Sabi niya at derederetsong nag tungo sa upuan na nasa tapat ng table ko samantalang ako ay tumungo sa pintuan na pinasukan niya na 'di man lang naisara.

"O to the M to the G, OMG!" Muli akong nagulat sa muling pag sigaw nito, paki pigilan na lang ako kung sakaling may sabunutang magaganap dito.

"Pwede ba Lyka? Tigil tigilan mo ' yang pag sisisigaw mo. Baka imbes na ako ang gumamot dito ay ako pa maging pasyente dahil sa atake sa puso." Muling panenermon ko rito na alam kong hindi niya rin naman pakikinggan kumbaga ay papapasukin niya lang sa kanang tenga niya at palalabasin ang sa kaliwang ang mga sinabi ko.

"Bakit ika-ika ka kung mag lakad? Nako ha! Gan'yan din ako nung unang beses ko," panunukso nito sa'kin. Napalunok ako dahil sa tanong niya, hindi ko inakala na pati iyon ay mapapansin niya.

"Hep hep hep! Subukan mong mag sinungaling, nakikita mo 'yong syringe na 'yon? Ii-inject ko sa'yo,"pag babanta niya habang nakaturo sa mga syringes.

"Ok sige, hindi ako tatanggi." Malumanay at seryoso kong saad na mukhang ikinagulat naman niya.

"So totoo nga? Binibiro lang naman kita, bakit bigla kang umamin?" Gulat na tanong nito at napatayo pa mula sa pag kakaupo. "Ano sis? Malaki ba kaya masakit pa ' yang flower mo? Masarap? Kumusta experience? Ilang round?" Sunod-sunod na tanong nito sa'kin kaya naman napailing ako.

"Baliw ka talaga, isang beses lang. " Inirapan ko ito pero sinagot ko rin ang tanong niay at umupo sa upuan ko. Hinarap ako nito at para bang sabik na sabik malaman ang kwento ko.

"'Yung totoo sis, malaki ba?" Pangungulit niyang tanong.

"Oo," sagot ko at bahagyang napakagat sa labi nang maalala ang nangyari kanina.

"So sino ang unang nakadilig? Imposibleng si Luis 'yan, masyado kang ilusyonada pag gano'n," napairap ako dahil sa sinabi nito, masiyado naman niya atang ipinararating at ipinamumukha na wala naman talaga akon pag asa kay Luis.

"Huwag mong sasabihin 'to kahit kanin-" 'di ko na natuloy 'yung sasabihin ko nang may kumatok at pumasok sa office ko. Ibinaling ko ang paningin sa taong kapapasok pa lamang. Napamulat ako ng mata nang mapagtantong si Luis 'yon, nilingon ko si Lyka at pinamulatan ng mata. Pa'no na lang kung narinig ni Luis ang usapan namin? Nakakahiya ang lakas-lakas pa naman ng boses ng babaeng 'to.

"Oh I'm sorry. 'di ko alam na may bisita ka pala, Aerish." Paumanhin ni Luis nang makita si Lyka.

"Ah hehe, tapos na rin kami mag usap. Actually aalis na ako, sige sis una na ako ha? May date pa ako, ingat." Kamot ulong sabi ni Lyka at patakbong umalis, parang kanina lang ay sabik siyang marinig ang kwento ko tapos ngayon iiwan niya akong mag isa ang malala ay kasama pa si Luis na binabalak ko na sanang layuan.

"Ahm, may kailangan ka ba?" Kabadong tanong ko kay Luis, ewan ko ba ang bilis ng tibok ng puso ko sa tuwing mag kalapit kami.

"May sasabihin lang sana ako, hindi naman importante kaya kung busy ka, ok lang but I think you are." Saad nito at tinignan ang mga patient files sa table ko na kanina ko pa tapos basahin. Nag kakamali ka naman do'n Luis, patay na patay kaya ako sa'yo kaya paningurado na kahit busy ako may time ako para sa'yo, sabi ng utak ko na sobrang landi.

"Hindi naman, katatapos ko lang icheck 'yang mga yan." Tanggi ko sa sinabi niya, tumango tango naman ito at tumikhim.

"Ahm, break na pala kami." Nagulat ako sinabi niya, nanlaki pa ang mata ko, nakakagulantang naman kasi.

"Huh? Break na kayo ng girlfriend mo? As in si Chesca?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kan'ya ng hindi man lang sinisiguro kung ang tinutukoy niya bang break ay sila ni Chesca.

"Oo, nahuli ko kasi s'yang nakikipagtalik sa iba. Halos ilang buwan na rin akong nagbubulagbulagan sa kasinungalingan niya hanggang sa napagod na lang din ako at nalaman na hindi na siya ang babaeng gusto kong makasama," paliwanag nito sa'kin at bahagya pang natawa pero halata sa mukha nito ang sakit na nararamdaman.

"Ganoon ba?" Malungkot na tanong ko, totoo 'tong nararamdaman ko dahil kahit gusto kong maging ako ang kapalit ni Chesca ay hindi ko naman ginusto na masaktan si Ivo.

"Aerish," napaangat ang tingin ko dahil sa pag tawag nito sa pangalan ko.

"Hmm?" Takang tugon ko.

"Gu-Gusto kita matagal na, nahihiya akong umamin kasi alam kong hanggang kapatid lang ang turing mo sa akin," nagulat ako sa biglang pag amin niya, akala ko kay Lyka lang ako makakaramdam ng pag kagulat ngayong araw. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko para bang aatakihin talaga ako. Bakit ngayon pa? Bakit kung kailan may nangyari na sa'min ni Ivo?

"Lu-is ahm-" naputol ang sasabihin ko nang may sinabi ito.

"Pwede ka naman munang mag isip-isip alam kong biglaan ang pagamin na ginawa ko ngayon, hindi kita minamadali," napailing ako sa sinabi niya.

"No!" Sagot ko at tinignan naman ako nito ng may pagtataka. "I mean may gusto rin ako sayo" pag amin ko sa kan'ya nang hindi man lang pinag iisipan kung sigurado ba ako.

"Talaga?" 'Di makapaniwalang tanong niya at bigla s'yang lumapit saakin at niyakap ako. "I'm happy," saad nito malapit sa tenga ko.

"A-Ako rin," pag amin ko ngunit may kakaiba akong naramdaman para bang may mali, isinantabi ko 'yon at niyakap ng mahigpit si Luis. Bahagya akong itnulak nito, pinakatitigan niya ako sa mata at bumaba ang kanyang tingin sa labi ko. Napalunok ako ng unti-unti nitong inilapit ang labi niya sa labi ko hanggang sa magtagpo iyon. Matagal ko ng hinintay ang araw na 'to, ang araw kung saan ako na ang mahal ni Luis pero may kakaiba sa nararamdaman ko. Ibang-iba ang halik ni Luis sa halik na ibinigay sa'kin ni Ivo. Bigla ko na lang hinanap ang ang halik na binigay sa'kin ni Ivo.

"Thank you Aerish, aalis na ako may pasyente pang nag hihintay sa'kin," nakangiting ani ni Luis matapos niyang humiwalay sa pag kakahalik sa'kin. 'Di ako makapaniwala sa lahat ng nagyari sa araw na 'to.

Sa sobrang dami ng iniisip ko hindi ko namalayan na nasa harap na ako ng condo ni Ivo at halos ilang ulit na nag door bell. Anong ginagawa ko dito? Shit naman! Akmang aalis na ako nang biglang may nag bukas ng pinto.

"Why are you here?" Takang tanong nito, hindi ko ito nasagot dahil wala na sa katinuan ang isip ko.

"May trabaho ka pa diba? 9 pm pa ang tapos ng shift mo, 6 pm pa lang." Dagdag nito, dapat akong magulat dahil alam niya ang oras ng trabaho ko pero wala na ata akong natirang oras para isipin pa ang bagay na 'yon.

"Ahm kasi ano, gusto sana kitang dalhan ng pagkain," sagot ko nang wala akong maidahilan sa kan'ya.

"Pagkain? Wala ka ngang dala maliban diyan sa bag mo," takang saad nito. Napalunok naman ako, dahil ngayon ko lang napagtanto na wala nga akong dala. Ano bang pwede? Shit naman, ba' t ba kasi ako nandito? Nakakainis!

"Ahm, ah hehe. Ipagluluto kita, tama! Ipagluluto nga kita. 'Yung healthy," sabi ko at napakamot pa sa ulo.

"Oras pa ng trabaho, Aerish," walang emosyon nitong sabi at muntikan na akong pagsarhan ng pintuan kung hindi ko napigilan.

"Walang pasyente ngayon, puro interns ang nasa hospital," sabi ko na totoo naman kaya halos wala rin akong ginawa.

It's you, It's always you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon