Chapter 2

783 20 0
                                    

Hindi ako naka tulog kagabi dahil sa kaiisip kung papayag ba ako sa sinasabing paraan ni Ivo. Inabot ako ng umaga sa kaiisip hanggang sa oras na nga para bumalik ako sa trabaho.

"Good Morning Doc!" Bungad na bati sa'kin ni Nurse Miki pag kapasok ko palang sa loob ng ER.

"Good Morning din!" Pabalik ko namang bati sa kan'ya and obviously, I am trying to be energetic even though I'm not.

"Mukhang 'di po kayo nakatulog, Doc." Saad nito habang pinag mamasadan ang itsura ko, napaawang tuloy ang labi ko. Mamaya mukha na pala akong zombie o hindi kaya ay panda.

"Masyado bang halata?" Nahihiya kong tanong sa kan'ya, kasalanan kasi 'to ni Ivo e! Hindi ko malimutan ang sinabi nito at 'yung bawat salita na binigkas niya ay alalang alala ko pa.

"Opo, ang laki ng itim sa baba ng mata niyo Doc. para na kayong panda," natatawang tugon nito sa'kin, nagtawanan naman kaming dalawa at bigla na lang natigil iyon nang dumating si Ivo.

"Good Morning Doc. Wringrea," kinikilig na bati sa kan'ya ng mga Nurse, gaya nang sabi ko halos lahat ay may gusto kay Ivo kaya ang ganitong eksena ay hindi bago sa'kin. Hindi niya pinansin ang mga ito bagkus ay nag patuloy ito sa pag lalakad hanggang sa makalapit sa'kin.

"Napagisipan mo na ba?" Deretsong tanong nito. Seriously, hindi ba uso sa kan'ya 'yung pag bati ng Good Morning o kahit Hi man lang. Sa totoo lang halos parehas naman kami ni Ivo, parehas kaming maaga naka graduate dahil sa potensyal na mayroon kami pero 'di hamak na mas magaling siya. Bukod pa do'n, habulin si Ivo ng mga babae, hindi lang doctor at mga nurse pati na rin sa mga pasiyente at iyon ang bagay na pinag kaiba namin dahil dito sa hospital, sa mga mata ng mga lalaki, si Chesca ang pinaka maganda. Katapat siya ni Ivo pag dating sa mga ganoong bagay, halos lahat nga ay sumang ayon na bagay sila at kasama na ako doon pero pwede rin na sumangayon ako kasi gusto ko mag katuluyan sila at ganon'n din kami ni Luis.

"Oo, Good morning ha? " Sarkastikong sagot ko sa kan'ya.

"Follow me," utos naman nito saakin, akala mong siya si Director Santiago kung umasta pero sumunod parin naman ako sa kan'ya hanggang sa makarating kami sa stock room kung saan nando'n ang mga hospital supplies.

"Pumapayag ka na ba?" Tanong niya ka'gad sakin nang tuluyan kaming makapasok sa loob ng room, ok gets ko na hindi talaga uso sa kan'ya 'yung hinay-hinay. Tinanguan ko lang siya kahit ang totoo ay hindi pa ako fully decided, feel ko kasi may ibang mangyayari e.

Lumapit ito sa pintong pinasukan namin kasabay no'n ang biglaang pag sara niya no'n, tumunog pa nga hudyat na naka lock na ang pinto. Wala itong binanggit na kahit ano at walang sabi-sabi, siniil niya ako ng halik. Matagal pa bago nag proseso sa utak ko ang nangyayari, hindi ako makagalaw dahil sa pag kabigla.

Naramdaman ko ang pag galaw ng labi n'ya at pag hapit nito sa bewang ko na siyang nag padikit lalo ng katawan ko sa kan'ya. Masiyado akong nalulunod sa bawat halik na ginagawa n'ya. Naramdaman ko ang pag galaw ng kamay niya sa likod ko na naging dahilan nang pag balik ko sa katinuan kaya naitulak ko ito.

"A-anong gi-ginagawa mo?" Mautal-utal na tanong ko sa kan'ya. Habol din namin ang bawat pag hinga dahil sa ginawa naming halikan, pinaka titigan lang din ako nito sa mata sa loob ng ilang segundo bago niya ako sagutin.

"Isipin mo na ako si Luis at isipin mo rin lahat ng mga nararamdaman at mga bagay na gusto mong mangyari sa pagitan niyong dalawa," paalala nito kagaya nang sinabi niya kahapon sa'kin. Pag katapos niyang sabihin sa akin iyon, inilapit niyang muli ang kan'yang labi at tinawid nito ang daan patungo sa labi ko. Gaya nang sabi niya, inisip ko na si Luis ang lalaking kasa-kasama ko sa loob ng room na 'yon.

Sa bawat halik na nararamdaman ko, iniisip ko na labi iyon ni Luis na matagal ko nang gustong mahalikan. Sobrang lambot ng labi niya, tinugon ko ang bawat pag galaw ng labi nito. Naramdaman ko rin na nasa laylayan na ng blouse ko ang kamay nito at gumagapang papasok sa loob. Humahaplos ang mainit at malambot nitong palad sa tiyan ko papunta sa likod ko.

Nanghina ang mga tuhod ko at alam kong ano mang oras ay bigla na lang akong bibigay, mukha namang naramdaman niya iyon kaya naman inalalayan ako nito hanggang sa mapahiga ako sa sahig. Naramdaman ko ang lamig sa likod ko na nanggagaling sa tiles. Hindi ko na naisip ang itsura namin sa bawat sandaling 'yon dahil masiyado akong nadadala sa mga nangyayari.

Pinag patuloy niya ang pag taas sa blouse na suot-suot ko hanggang sa bumungad na sa mata nito ng ang bra ko. "Lu-Luis," banggit ko sa pangalan ng lalaking matagal ko nang gusto gaya ng sabi niya, pinigilan ko ang kamay niya ngunit hinalikan lamang muli ako nito, hindi niya inalintana ang pag banggit ko sa pangalan ni Luis, siguro nga ay kagaya ko iniisip niya na ako si Chesca.

Nagpatuloy sa pag lalakbay ang kamay nito, niliyad ko naman ang likod ko upang ma unhooked niya ang brang suot-suot ko, lumuwag iyon hudyat na nag tagumapay siya sa pag tatanggal no'n. Ang kaniyang kamay na kanina'y nasa likod ko ay dahan dahang gumapang papunta sa dibdib ko kasabay no'n ang ang pag baba rin ng labi niya patungo sa leeg ko.

"Uhmm," kusang lumabas sa labi ko ang mahina at impit na ungol dahil sa kakaibang dulot nang halik na ginagawa niya sa'kin.

Kaagad kong natulak si Ivo nang maramdaman ko na ang pag lapat ng kamay nito sa dibdib ko. Masiyado akong nadala sa mga nangyayari at umabot sa pag aakalang siya talaga si Luis. Napatingin naman siya sa'kin pababa sa dibdib ko at nagiwas ng tingin. Napalunok ako at agad na tinakpan ang dibdib ko. Narinig ko ang tawanan mula sa labas kaya nag madali ako sa pag aayos ng sarili, tumayo naman si Ivo at inayos ang coat niya na medyo nagusot dahil sa ginawa namin.

Nag simula siyang mag lakad papunta sa pintuan, binuksan niya 'yon at sinilip kung sino ang mga nag tatawanan. Sa pag silip niyang 'yon parang bigla ko naman ulit narinig ang tawanan sa labas, hindi ako pwedeng mag kamali, kilala ko kung kaninong tawa 'yon. Agad akong tumayo at tumingin sa pintuang tinignan ni Ivo, hindi nga ako nagkamili. Si Luis at Chesca ang nag tatawanan at naghaharutan, dito pa talaga nila piniling mag harutan kung saan madalang magpunta ang mga tao.

"Here," biglang sabi ni Ivo kaya naman napalingon ako sa kan'ya, may inaabot ito saakin, saglit ko siyang tinignan bago kuhain ang papel sa kamay niya.

"Para saan ito?" Nag tatakang tanong ko.

"Number ko ang nakasulat d'yan. Tawagan mo 'ko kung gusto mong mangyari ulit ang ginawa natin kanina. Alam kong nakakabawas iyon kahit papaano ng pag seselos o pagkaingiit natin sa dalawa." Napaawang ang labi ko at prinoseso ang sinabi nito bago tumago.

"Sige," simpleng sagot ko nang hindi makatingin ng deretso sa mata niya..

"Also, make sure that you are available every time I need you and I'll do the same," makahulgang saad nito. Ibinuka ko ang labi para sana sagutin ang sinabi nito pero mas pinili kong itikom na lang ulit 'iyon.

Nauna na akong umalis sa room at wala narin sila Luis pag kalabas ko, napagod na ata sa pag haharutan nila. Dumeretso ako sa E.R para tignan kung may mga pasyente na, inayos kong muli ang aking damit dahil na gusot ito ng konti pati na rin ang buhok ko.

It's you, It's always you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon