Chapter 10

566 24 7
                                    

"Nakapag decide saan?" Agad kong tanong nang mapagtanto ko na hindi ko naman pala kailangan mag desisyon dahil nasabi ko na last time na gusto ko rin siya ang kailangan kong gawin ngayon ay bawiin iyon dahil alam ko sa sarili ko na hindi na ito ang lalaking gusto ko.

"I texted you last night, hindi mo ba na receive?" Mabilis kong binuksan ang phone ko at tama nga siya, may message ito na hindi ko man lang nakita o miski nabuksan man lang para mabasa.

"Mukhang hindi nga," saad nito nang mapansin ang naging reaksyon ko.

"Sorry, ma-masiyado kasi akong busy," busy kay Ivo, ani ng isipan ko. Binuksan ko ang message na mula sa kan'ya at nakitang niyaya ako nito na mag dinner ngayon.

"Hindi mo ako nireplyan so ako na mismo ang pumunta dito para ayain ka. Kaso mukhang may problema ka kaya huwag na lang siguro. Mas mabuti na dito na lang muna tayo, sasamahan na lang kita hanggang sa gumaan ang pakiramdam mo." Wala akong maintindihan sa sinabi nito, 'yung pakiramdam na gusto ko siyang itulak papalayo, na gusto kong habulin si Ivo at sabihing siya talaga ang gusto ko, hindi ko magawa. Napakahina kong tao para mapunto ang bagay na gusto ko mangyari bukod doon ay miski sa kanilang dalawa ni Ivo ay hindi ko alam kung sino ang gusto ko dahil masiyado akong naguguluhan.

"Umuwi ka na lang, kaya ko na ang sarili ko," pag tanggi ko sa kan'ya at alam ko na ang tono ng boses ko ay parang pinapaalis ko siya at bago ko pa man pigilan ang sarili kong sabihin ang bagay na 'yon ay nasabi ko na.

"Sige, kung iyon ang gusto mo. Just call me if ever na may kailangan ka, pupunta ako agad." Tumalikod ito at nag simulang mag lakad, napakagat naman ako sa labi ko dahil may parte sa'kin na gustong bawiin ang sinabi ko dahil alam ko na na-offend ko siya.

"Sandali!" Pag pigil ko sa kan'ya kaya napatigil ito, humarap ito na may ngiti sa labi. Hindi ko magawang suklian ang tingin na binibigay nito sa'kin, mali ba? Mali ba na umamin ako at sinabi kong siya ang gusto ko lalo na ngayong hindi ko naman talaga alam kung sino.

"Gusto mo ba talaga ako?" Nawala ang ngiti niya sa labi, kahit ako ay nagulat din sa biglaang tanong ko pero masiyado nang huli ang lahat para bawiin ko 'yon, palaging ganito na ang nangyayari at hindi ko na rin alam kung paano pigilan 'yon, sana lang ay hindi ako masanay.

"Gusto kita, Aerish." Marahan akong lumunok bago siya tignan sa mata.

"Hindi ba masiyadong mabilis sa'yo ang lahat? Ilang araw pa lang noong naghiwalay kayo ni Chesca. S-Sigurado ka ba sa nararamdaman mo? Baka naguguluhan ka lang," nakita ko ang pag bagsak ng balikat niya at mapait akong nginitian.

"Ikaw? Sigurado ka ba sa sinabi mo noong nakaraan?" Hindi ko akalain na ibabalik niya ang tanong sa'kin, gusto ko na lang tuloy mag palamon sa lupa.

"Mukhang hindi rin, I apologize if I overly pressed you." tumalikod itong muli at tuluyang nakaalis sa bahay.

Bumigay ang tuhod ko, nakatingin lang ako sa sahig. Iniisip ko kung naging tama ba ang lahat ng desisyon ko, parang sa tuwing pinipilit ko na mag mahal mas lalong nagiging komplikado ang lahat, mas lalo lang akong nasasaktan. Parang nilulukot ang puso ko dahil sa sakit, hindi ko maintindihan ang lahat. Sa sobrang bilis ng pangyayari, napagiiwanan ako.

Lumipas ang ilang linggo hindi ko na muling nakita si Ivo. Gustuhin ko man na hanapin siya ay hindi ko parin magawa lalo na't alam ko na kasama niya ang babaeng mahal niya at babaeng nag papasaya sa kan'ya.

"Habang buhay ka na lang ba magiging gan'yan?" Napaangat ako ng tingin, nakatambay kasi ngayon si Lyka sa office ko kaya ang tahimik kong buong linggo ay biglang umingay ng dahil sa kan'ya.

"Ilang beses na rin akong nang huhula rito, wala ka ba talagang balak mag kwento sa'kin?" Napabuntong hininga ako at humarap sa kan'ya. Hindi pa pala nito alam ang sitwasyong may roon ako ngayon.

"Kung papipiliin ka? Ang taong minahal mo ng sobrang tagal o ang tao na pansamantala mong nakasama?" Nakapatong ang baba ko sa dalawang kamay ko habang hinihintay ang sagot niya.

"Kung saan ako masaya, do'n ako. Piliin mo palagi kung saan ka sasaya." Napahilot naman ako sa ulo dahil sumakit ito kakaisip, siguro ay kung alin ba ang tama.

"Ano ba kasi 'yan?" Puno ng kuryosidad nitong tanong sa'kin.

"Si Ivo at Luis," simpleng sagot ko, nakuha niya naman ka'gad ang ibig kong sabihin.

"Aminin mo nga sa'kin, sino ba talaga sa kanilang dalawa nag mas matimbang sa puso mo?" Napakagat ako ng labi at napaisip dahil kung alam ko lang sagot do'n edi hindi ko kailangan malunod sa kaiisip.

"Si Luis? Pakiramdam ko napagod na 'ko na habulin siya nang paulit ulit samantalang si Ivo naman ay napaka imposible kasi hindi pa namin gano'n kakilala ang isa't isa." Paliwanag ko at pinipilit na isipin kung sino ang mas matimbang sa dalawa.

"Hindi nababase sa oras o tagal ang isang pagmamahal. Tanungin mo mismo ang sarili mo, utak at puso ang gagamitin hindi oras." Panenermon niya, ginugol ko ang buong atensyon ko sa tarabaho para panandaliang makalimutan ang nararamdaman, para kasi akong mag kakasakit dahil sa pag iisap ng solusyon.

-------

Ilang linggo pa ang lumipas at mag iisang buwan na pero kahit isang mensahe o tawag mula kay Ivo ay wala akong makuha. Miski si Chesca ay hindi ko na rin nakikita, sigurado ako na maapektuhan ang trabaho nila kung ipagpapatuloy nila 'yon. Sumasagi sa isip ko kung paano sila nagiging masaya gayong may naiiwan silang tungkulin na dapat matugunan.

"Aerish!" Napatakip ako ng tenga dahil sa sigaw ni Lyka.

"May dala akong spaghetti, gusto mo?" Tanong niya at binuksan ang container mukhang excited siyang ipatikim sa'kin iyon. Nang maamoy ko 'yon mabilis na bumaliktad ang sikmura ko at naduwal.

"Hala! Ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong niya habang hinahagod ang likod ko, mabuti na lang at mabilis akong nakapunta sa sink sa loob lang din ng office ko.

"Oo, masama siguro ang timpla ng tiyan ko." Inalalayan niya naman akong umupo na kailangan ko talaga dahil alam ko na matutumba ako kung walang aalalay sa'kin.

"Teka nga, ito ba ang unang pag kakataon na mag kagan'yan?" Inisip ko naman kung nangyari na ba ito sa'kin nang malamang hindi pa naman kaya inilingan ko ito.

"Kailan ka ba nag kakaroon?" Muling tanong niya.

"Every end of the month," hindi ko maintindiham ang gusto nitong iparating dahil okupado ang isipan ko.

"Baka buntis ka," kamuntikan ko na masagi ang kumpol na files sa gilid ko dahil sa sinabi niya.

"Ano ka ba?! Hindi naman namin inaraw araw 'yon!" Namula pa ang mukha ko nang muling bumalik ang ala-ala sa pagitan namin ni Ivo.

"Doctor ka ba talaga? Posibleng may mabuo d' yan, hindi ka naman nag pipills 'diba? Pwera na lang kung nag u-use kayo ng condom." Agad kong naramdaman ang kaba sa dibdib ko.

"Ganito, mag pacheck ka na lang," suhestiyon nito sa'kin.

"Pero paano kung positive? A-Anong gagawin ko?" Kinakabahan kong tanong sa kan'ya, maraming bagay ang posibleng mangyari at ngayon pa lang ay napapaisip na ako kung paano ko iyon maiha-handle,

"Ano pa ba? Edi sabihin mo! Chance na'yan para balikan ka niya!" Kinakabahan man ay tumango na lang ako.

Kinabukasan ay ginawa ko ang ipinayo ni Lyka, nag pregnancy test ako at hindi ko din magawang paniwalaan ang naging resulta no'n. Para makasigurado ay nag pumunta pa ako sa ibang clinic para lang mag pacheck, takot at kaba lang ang sumisidhi sa dibdib ko, inisip ko agad kung pa'no ko magagawang sabihin kay Ivo ang tungkol doon. I'm two weeks pregnant, magagawa ko pa bang sabihin 'yon gayong alam ko na masaya na ito kasama ang babaeng mahal niya. Hindi ko magagawang guluhin at sirain sila kung simula una pa lang wala naman talaga akong ganap sa buhay niya.

Kaninong kaligayahan nga ba ang dapat kong pagbigyan, ang anak ko o ang lalaking mahal ko?

It's you, It's always you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon