Chapter 15

488 20 0
                                    

Ito na ang pangalawang araw namin sa resort, dito na rin kasi naisipan nila Kuya na mag honeymoon at para na rin daw makapag pahinga ako lalo na't next month ay balik nanaman ako sa trabaho. Binihisan ko si Thalia ng rash guard, plain black ito kagaya ng suot-suot kong two piece. Pansamantala rin muna akong nag suot ng see through dress dahil wala pa naman akong balak maligo sa dagat o kaya naman ay babantayan ko lang si Thalia. Noong una talaga ay hindi ako kinakabahan na mag pakita ng balat pero noong nalaman ko na kasama namin si Ivo bigla akong na conscious.

"You look beautiful, Aerish." Sabi ng nanay ni Ivo, kasalukuyan kasi kaming kumakain ng breakfast, hindi ko alam kung gaano kalalim ang pag kakaibigan ni Ivo at Kuya. Dahil pati sa pagkain ng agahan ay kasabay namin ang pamilya nito kulang na nga lang ay isipin ko nang family vacation ito, balita ko rin na regalo ni Ivo kay Kuya ang stay in namin dito sa resort nila.

"Ahm... Thank you po," ngumiti na lang ako at pinag patuloy ang pagkain, inaalalayan ko rin si Thalia dahil hindi pa nito gamay kumain ng siya lang. Ako ang nag hihiwa pati nag lalagay ng pag kain niya sa kutsara at siya naman ang mag susubo sa sarili niya, sinasanay ko siya sa gano'ng gawain kapag nasa bahay lang kami. Ang madalas ay ako na rin ang nag papakain sa kan'ya lalo na pag nasa labas kami para iwas sa pag kalat ng pag kain sa damit niya.

"Hindi nga pala ako nakapag pakilala sa'yo ng maayos. I'm Clare, Ivo's mom and this is Raven his father, halata naman ano? Magkamukha magkamukha. Anyway, you can call me Tita na lang." Muli na naman akong ngumiti dahil naiilang padin ako sa kanila lalo na't hindi nila alam na may apo na pala sila at ang malala ay nasa harapan pa mismo nila. Nag papasalamat na lang ako dahil hindi na ikuwento ni Ivo ang past namin sa parents niya, hindi naman kasi malabong mangyari 'yon dahil kung titignan, kahit may pag ka snob si Ivo halatang close nito ang Mommy niya.

"Baby naman, dapat 'This is my handsome husband, Raven', dapat 'yung proud ka na naging asawa mo ako." Angal ng tatay ni Ivo na siyang ikinatawa naming lahat.

"Mom! Dad!" Sabay-sabay kaming napalingon sa babaeng papasok sa loob ng kubo at may naka sunod sa kan'ya na lalaki.

"Eya? You're here, I thought hindi ka na makakapunta." Bati ni Kuya sa babae at doon ko lang ito lubusang nakilala. Siya 'yung nag hahanap kay Ivo sa Hospital noong panahon na hinahanap ko rin ito, naalala ko pa na tinanong ko kung kaano ano niya si Ivo at kung alam niya ba kung nasaan ito.

"Ako pa ba Kuya Aries? Sad to say hindi kami nakaabot sa kasal niyo ni Ate Elli, sayang naman." Nag pabalik balik ang tingin ko sa kanila kasi heto nanaman ako, gulat sa nangyayari. Paanong wala akong kaalam alam na magkakakilala pala ang mga ito. Hindi ko lubos na maiisip na ganito kaliit 'yung pagitan namin ni Ivo kahit ilang taon na akong lumayo rito. Kahit pala nilayo ko si Thalia sa bansa kung nasaan ang tatay niya napaka lapit parin pala nito sa'min, paanong hindi ko man lang nalaman na si Ivo pala ang kaibigan ni Kuya gayong mag kapatid kami.

"Oh hi! You're Aerish right?" Tanong niya ng maibaling saakin ang tingin.

"Ahm. Ah ano?" Hindi ko alam ang dapat kong sabihin dahil sa pag kakaalam ko ay hindi ko naman sinabi sa kan'ya ang pangalan ko maliban na lang kung sinabi sakan'ya ni Ivo at ni Kuya.

"I know you! Ikaw 'yung nag hahanap kay Kuya 4 years ago 'diba? Ang galing alalang alala ko pa, proud ka na ba sa'kin babe?" Sabi niya sa lalaking kasakasama pero inilingan lang siya nito. Mas lalo lang akong nailang dahil sa sinabi nito at dahil na rin sa pag tataka sa mata ng kapatid ko. Akala ko makakahinga na ako ng maluwag dahil hindi nag babanggit si Ivo tungkol sa'min iyon pala ang kapatid na nito ang gagawa ng bagay na 'yon.

"Momsie and Papsie!" Masayang tawag ni Thalia sa lolo' t lola niya, tapos na kasi itong kumain at gusto ng mag laro. Doon lang ako naka hinga ng maluwag sa pag singit ni Thalia sa usapan namin, mabuti na lang talaga dahil pakiramdam ko ay gusto ko ng lamunin ako ng lupa.

"Oh, iha hiramin muna namin itong si Thalia ha? Nakakatuwa kasing makipag laro sa kan'ya, pakiramdam ko ay bumabata ako." Sabi ni Tita Clare na siyang nag pangiti sa'kin, napaka lakas naman kasi ng dugong nananalantay sa kanila.

"Sige po. Thalia, wag masiyadong makulit ha?" Pagpapaalala ko kay Thalia kahit alam ko na hindi naman na kailangan dahil alam na nila ang dapat gawin.

"Opo," tinaas niya ang kamay at pinakita ang pinky finger para gawing promise iyon. Gano'n din ang ginawa ko para ipulupot ang hinlilit namin dalawa.

"Ingat po, pakitawagan na lang po ako kung sakaling may mangyaring masama na huwag naman po sana." Iniabot ko ang phone nito para ilagay ang number ko

"Susunod na lang po ako sa dalampasigan, kukuhain ko lang po ang towel ni Thalia sa kwarto namin," paalam ko dahil nakalimutan ko pala ang towel ni Thalia, hindi ko man lang napansin kanina. Nag simula na silang mag lakad papunta sa dagat kaya naman nag simula na rin akong mag lakad pabalik sa kwarto namin.

Habang nag lalakad ay napansin ko na patuloy akong sinusundan ni Ivo, syempre sinigurado ko rin naman muna. Inis ko itong hinarap nang tumama ang hinala ko.

"May problema ba? Bakit ka ba sunod nang sunod?" Hindi niya ako sinagot kaya nag lakad na lang ako ulit hanggang sa tuluyang makarating sa room namin.

Tuloy-tuloy lang akong pumasok ng hindi man lang siya inaatubiling pagtuunan ng pansin kahit hanggang sa loob ay sinusundan niya ako. "Gan'yan ba talaga ang suot mo?" Tanong nito mula sa likod ko.

"Bakit? May problema ba sa suot ko?" Masungit kong tanong kahit pakiramdam ko ang boses nito ay humahaplos sa balat ko.

"Meron," sabi nya at hinila ako pahiga sa kama, kinulong niya yung dalawa kong kamay gamit lamang ang isang kamay niya.

"Ivo!" Mabilis ang pangyayari, naramdaman ko na lang na nasa pagitan ng dibdib ko ang labi niya kung saan hindi natatakpan tela, naramdaman ko rin ang bahagyang pagsipsip at pagkagat niya roon na siyang dahilan ng pagkaramdam ko ng kakaibang sensasyon.

Matapos niyang gawin iyon tumitig ito sa mata ko bago tuluyang umalis sa pagkakadagan sa'kin, tumayo ito at mabilis na umalis sa kwarto namin. Nagmamadali akong nagtungo sa banyo para tignan ang ginawa niya, halos nasabi ko na lahat ng mura. He gave me a fucking hickey! Wala na akong ibang paraan kun'di ang suotin ang manipis na black kong shirt na hapit na hapit sa katawan ko. Mabuti na lang at terno ito sa suot-suot kong two piece.

"Ano nanaman bang problema mo?!" Inis na sigaw ko dahil pag kabukas ko pa lang ng pinto ay bumungad ito sa'kin na nakakunot parin ang noo. Ginawaran niya ako ng mapanuring tingin mula ulo hanggang paa, na siyang ikinainis ko lalo. Huwag niya lang sabihin na balak niya pa akong pag suotin ng damit na mababalot buong katawan ko baka nga pati pag katao e.

"Tsk. Lalabas ka ng gan'yan?" Halos umakyat na lahat ng init sa ulo ko at gusto ko na lang siyang sapakin bigla, ang lakas din ng kakayahan ng lalaking 'to e, kaya akong inisin sa loob lang ng maikling oras.

"Bakit ba! Ano bang gusto mo lumabas ako ng naka jacket at naka pants?" Sarkastiko kong sabi at tinalikuran na siya para umalis na.

"Oo kung 'yun ang paraan para 'di nila makita 'yang katawan mo," sigaw niya na siyang ikinailing ng ulo ko.

"Nababaliw ka na! Kung wala kang matinong magawa sa buhay, please lang 'wag mo akong idamay!" Pabalik kong sigaw, hindi ako makapaniwala sa sinabi nito. Muli ko siyang tinalikuran at nag simula nang mag lakad papalayo.

It's you, It's always you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon