Chapter 9

569 20 3
                                    

"What's that?" Tanong ni Ivo habang nakadungaw sa niluluto ko.

"Pagkain," pamimilosopo ko kaya naman tinignan niya ako ng masama at may tanong sa mata na kung seryoso ba ako sa naging sagot ko. Alam niyo 'yon? Nappredict ko agad kung anong gagawin niya kung sabihin kong seryoso ako sa sinabi ko.

"Do you have appointments today?" Pagiiba niya sa usapan dahil hindi ako nagpatalo sa pakikipag sukatan niya ng tingin sa'kin. Wala akong balak bawiin ang sinabi ko, totoo naman kasing pagkain ang iniluluto ko kahit papaano 'yan tama ang sinabi ko sad'yang hindi lang iyon ang gusto niyang marinig na sagot.

"3 appointments lang, by 3pm tapos na ata 'yon since puro check -ups, why?"

"Good, hintayin mo 'ko mamaya, aalis tayo." Napabaling sa kan'ya ang tingin ko at ramdam ko ang unti-unting pag sakop sa'kin ng curiousity.

"Sa'n pupunta?" Hindi niya na ako pinansin at pumasok na sa banyo para maligo. Nauna kasi akong nagising kaysa sa kan'ya, kaya nauna na akong naligo para mag luluto na lang ako.

----

"Saan ba talaga tayo pupunta?" Kanina ko pa ito pinipilit na sabihin kung saang lugar niya ako dadalhin pero ang tanging sagot niya lang ay matutuwa raw ako at mag eenjoy.

"Tumahimik ka na lang, makakarating rin tayo doon," kasalukuyan na kaming bumabiyahe papunta sa lugar na tinutukoy niya. Kanina ay hinintay ko 'to sa hospital pero wala pala siya dahil mas nauna siyang umuwi kaya nakapag palit pa ito ng damit at mukhang pinaghandaan pa ang pupuntahan namin samatalang ako ay parehas parin ang suot-suot na damit mula noong pumasok ako sa trabaho.

Maya-maya pa ay huminto na ang sasakyan sa isang malawak na lugar, berdeng-berde ang mga damo. Malakas at malamig ang hangin na dumadapo sa balat ko pero ang pinaka magandang tanawin na nakita ko ay ang lawa doon. Dere-Deretsong lumabas si Ivo mula sa sasakyan, inilatag nito ang sapin sa damuhan, nagulat pa nga ako dahil may dala pala siyang basket kung saan ay may iba't-ibang laman na pag kain, pinatungan niya rin ng bato ang sapin para hindi lipadin.

"Bakit ayaw mo ba?" Kunot noo niyang tanong dahil nakatitig lang ako sa ginagawa nito. Kasalanan niya 'yon, masiyado akong natutuwa sa papicnic niyang 'to. Lumapit at umupo ako sa sapin para tulungan siya sa pag lalagay ng pagkain.

"Wala naman akong sinabing gano'n, hindi ba pwedeng curious lang o kaya masaya sa pinagdalhan mo sa'kin?" Nakasimangot kong sabi.

"Ang dami mo ng sinabi, oo at hindi lang naman ang isasagot mo." Tumatawa nitong inabot ang tinapay na may palaman. Kinagatan ko iyon at tumango tango dahil nagustuhan ko ang lasa.

"Sa'n mo 'to nabili?" Tanong ko kasi paniguradong mauulit ang pag kain kong 'yon dahil sa sarap.

"Ginawa ko 'yan," proud na proud nitong sabi sa'kin, tinaasan ko siya ng kilay dahil hindi ako naniniwala.

"I swear, ginawa ko 'yan. Nag patulong pa ako kay Mommy para lang makagawa, nag papasalamat na lang ako kasi may video call na ngayon." Paliwanag nito sa'kin, nasa ibang bansa nga pala ang mother nito but he really did a great job, it's delicious.

"Ok, sige na nga. Masarap naman, sana matagal ka nang nag paturo para naman maayos 'yung mga kinakain mo. Hindi 'yung puro preserved and junk foods." May pangangaral na tono kong saad sa kan'ya.

"May dumi ka," napatigil ako sa pag nguya dahil sa sinabi nito.

"Ha? Saan?" Tanong ko at kukuha na sana ng panyo pero mabilis niya akong hinila kaya napalapit ang mukha naming dalawa. Muli sana akong mag sasalita pero naramdaman ko na ang pag lapat ng labi nito sa gilid ng labi ko. Ilang beses kong pinikit ang mata ko, ramdam ko na din ang paginit ng mag kabilaang pisngi ko.

It's you, It's always you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon