Chapter 12

541 19 1
                                    

Papunta ako ngayon sa isang café dahil bigla akong nag crave sa matatamis and 'yung lugar lang na 'yon 'yung gustong puntahan ni baby kaya naman pinagbigyan ko na. "Anong trip mo baby? Alam mo bang ayaw ni Mommy sa mga matatamis?" Hawak-hawak ko ang tiyan ko na medyo halata na ang umbok at kasabay no'n ang dahan-dahan kong paghimas sa tiyan ko.

"Hanggang ngayon hindi parin nag papakita ang Daddy mo," nakasanayan ko nang kausapin ang anak ko dahil wala naman kasing ibang bagay na pwedeng mapagtuunan ng pansin. I ordered my strawberry sliced cake before finding a sit, noong una ay hindi ko alam ang gustoni Baby pero noong nakapasok na kami sa loob at bumungad sa'min ang iba't ibang pastries pumukaw talaga sa paningin ko ay 'yung strawberry cake. Nang makahanap ako ng pwesto ay agad din akong umupo dahil simula noong nag kababy ako palagi na agad akong napapagod minsan nga ay nakakaapekto na rin sa pagiging doktor ko pero salamat na lang sa diyos at wala ng komplikasyon mula noong una.

"Bagay sila 'no?" Nakuha ng isang babae ang pansin ko dahil sa sinabi nito ewan ko ba pero bigla ring bumilis ang tibok ng puso ko, mabilis ko itong nilingon para malaman kung sino ang pinaguusapan nila.

"Yup! Ang pretty ni Ate and sobrang gwapo naman ni Kuya," mga kabataan pa ito base sa uniform na suot-suot nila kaya hindi naman na akong masiyadong nagulat sa gano'ng reaksyon.

"Look! Malaki na ang tiyan ni Ate, buntis siguro." Dagdag pa nila, sinundan ko ang tingin nila hanggang sa mahagip ng mata ko ang isang babae at lalaki. Mabilis ko silang nakilala, sino ba namang hindi? Ang lalaking iyon ay ama ng magiging anak ko at ang babaeng kasa kasama niya ay ang ex-girlfriend ng lalaking minahal ko, si Chesca.

Mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo "I-Ivo... " banggit ko sa pangalan niya, napatigil ito sa pag tawa pati na rin si Chesca.

"Aerish? " Hindi makapaniwalang banggit nito sa pangalan ko, maraming tanong ang gusto kong masagot pero kahit isa doon ay hindi ko man lang masabi.

"Kumusta ka na?" Wala sa sarili kong tanong, napadako 'yung tingin ko sa tiyan ni Cheska, maumbok ang tiyan niya at kagaya ko ay alam ko na buntis ito kung titiisin nga ay halata na kay Chesca na buntis siya dahil kung pag kukumparahin ang laki ng tiyan naming dalawa 'di hamak na mas halata ang kan'ya.

"Ayos lang ako," nag aalangang sagot ni Ivo. Nag hintay pa ako ng ilang segundo sa pag aakalang may sasabihin pa siya base sa mata niya dahil na kikita kong maraming bumabagabag sa kan'ya pero wala akong napala.

"Co-Congratulations!" Pinilit ko na ayusin ang salita at postura ko para lang hindi maipakita na nasasaktan ako. Wala akong karapatan na sirain kung ano mang meron sa kanila because in the first place, wala naman talagang namamagitan sa'min ni Ivo.

---

"Ibig mong sabihin may anak din si Ivo sa ex girlfriend niya? Anong klaseng pag kalalaki ang may roon sa pag kalalaki no'n ha?" Gulat na tanong ni Lyka saakin, nang makuha ko kasi ang strawberry cake na inorder ko ay tinitigan ko lang iyon ng ilang minuto hanggang sa napagdesiyonan na umuwi na lang dahil miski si Baby ay naapektuhan na sa nararamdaman ko kaya nga nawala na ang pag crave ko sa matamis.

"Oo buntis siya pero hindi siya ex girlfriend ni Ivo bukod doon ay sila naman kasi talaga ni Ivo ang bagay mula pa man noon at alam mo 'yon. Wala kaming connection sa isa't isa ng lalaking iyon, we are only using each other to meet our own needs," paliwanag ko.

"What?! Aerish, no. Inform that idiot that you are carrying his child as well! Hindi pwedeng hindi ka niya pananagutan dahil ako ang makakaharap niya at hindi ka ba natatakot sa Kuya mo?" Napailing na lang ako sa sinabi ni Lyka, sa paraan niya ng pagsasalita mukhang mas galit pa siya kaysa sa'kin samantalang ako ay nasasaktan lang dito, sumidhi naman ang takot sa dibdib ko nang maalala ang Kuya ko na posibleng magalit sa'kin.

"Ayos lang naman sa'kin," sabi ko kahit ang sinisigaw ng puso at isip ko ay hindi. "Si Chesca ang totoong mahal ni Ivo, wala na akong magagawa do'n." Katulad ko ay mukhang naisip niya na rin ang pinupunto ko, huminahon siya at tinabihan ako.

"Anong plano mo?" Tanong nito, nakikita ko sa mata niya ang labis na pag aalala.

"Hindi ko rin alam, ang mahalaga ngayon ay ang pagiingat ko para kay baby."

....

Isang linggo na ang lumipas at heto na ako ngayon nag iimpake ng gamit, napagdesisyunan kong sumama sa kapatid ko papuntang France, titira ako kasama niya. Nagfile na ako ng resignation letter, pipiliin kong tumigil sa propesiyon na pinili ko kapalit ng pag aalaga sa anak ko. Isa na siguro ito sa pinaka mahirap na pagdedesiyon na ginawa ko, kalaban ko na mismo ang sariling kaligayahan at pangarap ko.

"Are you done?" Tanong ni Kuya habang nakasilip ito sa pintuan ng kwarto ko.

"Oo," nakangiti kong sabi. Bukas na agad ang biyahe namin.

Isa lang ang alam ko ng mga oras na ito, iyon ang salitang pagod. Sobrang haba ng naging biyahe kaya bagsak talaga ako sa kama pag tungtong ko pa lang sa tutuluyan namin.

"You're tired, you should sleep. I'll wake you up when the food is ready." Sabi niya bago inilapag ang maleta ko sa tabi ng kama na hinihigaan ko.

"Wait lang kuya," pagpigil ko sa kan'ya mula sa pag lalakad papaalis.

"Bakit?" Takang tanong niya.

"May sasabihin sana ako."

"What is it ?" Marahan muna akong lumunok bago tuluyang masabi ang matagal ko ng tinatago sa kanila. "Kuya... Buntis ako," napahigpit ang pagkaka kapit ko sa laylayan ng dress na suot-suot ko ang buong akala lang kasi nito ay sasama lang ako sa kan'ya gaya nang gusto niyang mangyari mula pa noon.

"Huh?"

"Buntis ako," paguulit ko dahil mukhang hindi pa nag sisink in sa utak niya ang sinasabi ko.

"Sinong ama?" Seryosong tanong niya kaya nakaramdam ako ng kaba.

"Are you mad or disappointed?" Nakayuko kong tanong.

"Of course! Sinong hindi Aerish? So who is the father of that child?" Nanatiling kalmado ito, and thank you lord for that dahil kahit papaano ay hindi ako na pe-pressure.

"Sorry," ayokong sabihin sa kan'ya ang naging sitwasyon ko, hindi pa ako handa na sabihin iyon sa iba dahil ako nga ay hindi na maka survive sa tuwing naiisip ko lahat ng pangyayari, nakakaapekto rin iyon sa batang dinadala ko.

"Sinong ama niyan?" This time ay unti-unti nang kumukunot ang noo niya.

"Hindi pa ako handang sabihin," nanginginig ang boses kong sabi rito, lumambot ang tingin niya sa'kin at niyakap ako.

"Shh... I understand," hinimas nito ang likod ko para hindi matuloy ang pagiyak ko.

Ivo's point of view

Ngayon palang ako papasok ulit at ngayon lang din ako nag karoon ng lakas ng loob para linawin ang lahat kay Aerish, gusto ko na rin ipagtapat sa kan'ya ang tunay kong nararamdaman pero pag dating ko sa office niya wala na 'yung mga ibang gamit nito at 'yung mga natira naman kinukuha na ng kaibigan niya.

"Nasaan si Aerish?" Tanong ko, mabilis niyang ibinaling ang tingin sakin at pinaningkitan ako ng mata para bang galit na galit ito at kulang na lang ay saktan na ako.

"Hindi ko alam... Bigla na lang siyang nawala." Halata sa boses nito ang galit at pangungulila.

"What do you mean?" Takang tanong ko dito, bakit aalis si Aerish? Kung iisipin ay wala itong dahilan para umalis.Huwag ko lang malaman na si Luis ang may kasalanan nito dahil hindi ko magagawang pigilan pa ang sarili na komprontahin siya.

"Alam mo bang nahihirpan si Aerish ng dahil sa'yo? Alam ko na wala akong karapatan na sabihin ito. She's in love with you, pero sa isang iglap lang nalaman niya na mag kakapamilya ka na. And worst, sa babae na ex pa ng dating mahal niya." Para akong binuhusan ng tubig at gulat na gulat sa sinabi nito.

"Anak? The hell! Wala akong anak!" Pag tanggi ko sa sinabi nito, she misunderstood me!

"Pero nakita ka niya na--"

"Yes! Chesca is pregnant but I'm not the father of that child! Si Luis ang ama, hindi ako!" Paliwanag ko.

It's you, It's always you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon