Chapter 14

532 18 2
                                    

"Wake up na baby, ngayon na ang wedding ng Tito mo," paggising ko sa apat na taong gulang ko na anak. Apat na taon man ang lumipas hindi ko parin masasabi na tuluyan na akong nakausad sa lahat ng nangyari, sobrang sariwa parin nito at sa tuwing naiisip ko nasasaktan parin ako pero lahat ng iyon ay isinasantabi ko sa tuwing nakikita ko ang anak ko at kung minsan pa nga ay kusa ko nang nalilimutan dahil mas masaya na ako ngayon kasama ang anak ko.

"Mommy antok pa po ako," saad nito sa maliit na boses at kinusot pa nito ang mata bago tumalikod mula sa gawi ko.

"Ayaw mo bang makita si Tito mo at Tita Elli na ikasal? 'Diba ikaw ang flower girl? Ligo ka na at mag eat ng breakfast baka may umagaw pa sa pagiging flower girl mo niyan." Yes, ikakasal na ang kuya ko. Hindi man ang babaeng matagal niya nang hinahanap ang pakakasalan niya ngayon, sigurado parin ako na masaya siya. Si Kuya lang ang tangi kong kakampi at kaagapay noong mga panahon na pinag bubuntis ko si Thalia. She's a cheerful and beautiful child, kahit papaano ay napalaki ko ito ng maayos kahit wala ang tatay niya. Sinubukan kong hindi mag kulang at alam kong nagawa ko 'yon bukod pa do'n ay nandiyan parin ang iilang tao na may mabuting loob para tulungan ako katulad ni Ate Elli.

"Ito na Mommy! Nag wake up na ako!" Tumalon talon ito sa ibabaw ng kama at pinalaki pa ang mata niya para lang iparating na gising na nga siya.

"Careful Baby," saad ko nang mabilis siyang bumaba sa kama para mag tungo sa banyo. unti-unti na itong na tututo na ayusan ang sarili pero hanggat maari ay hindi ko siya hinahayaang mag isa.

"Opo!" Sigaw niya mula sa banyo. Nauna na akong naligo dahil baka ma late kami, habang tulog siya ay naligo at nag luto na ako para tuloy-tuloy na ang pag kilos ko ay wala akong masiyadong aalahanin kasi nga kagaya ng sabi ko kanina ay hindi ko 'to maiiwanang unless natutulog siya, binubuksan ko naman ang pinto ng kwarto niya at madalas kong sinisilip. I'm wearing a simple dress, pero ang design ay napaka elegante dahil sa upper part ng dress ay white and sa bandang baba ay pa-dark na hanggang sa maging purple. Nag suot naman ako ng silver na heels that go wonderfully with my dress.

Noong isinilang ko si Thalia ay halos pag awayan pa ni Kuya at ni Ate Elli si Thalia, nag tatalo sila kung sino ba talaga ang kamukha ng anak ko pero ang totoo ay nakikita ko ang aking sarili kay Thalia. Last month pa kami nakauwi rito sa pilipinas, noong una ay ayaw ko talaga pero mahalaga ang magaganap sa buhay ng kapatid ko kaya sumangayon na lang ako sa bandang huli.

Si Kuya mismo ang nag sabi na isusunod ang surname ni Thalia sa'min, sa tingin ko ay parang siya ang may galit kay Ivo kaysa sa'kin. Hindi ko parin naman sinasabi na si Ivo ang ama ni Thalia, gaya ng sabi ko sariwa parin sa'kin ang lahat. Thalia Louisiana Brenza ang fullname nito, sobrang talino nito to the point na pati ako ay hindi na maintindihan ang sinasabi niya kung minsan. Kadalasang nasa condo ni Kuya si Thalia kaya nakakapag trabaho ako bilang volunteer doctor sa tulong din ni Kuya. Kaya nga sobra-sobra ang pasasalamat ko rito dahil sa kan'ya naka balik ako sa pag tatrabaho bilang doctor, sa propesiyon ko na ginugulan ko rin ng napaka habang oras kaya hindi magiging gano'n kadali para sa'kin na bitawan ang trabahong iyon.

"Mommy ang pretty pretty mo po hihihi!" Napangiti ako at lumapit sa kan'ya para pisilin ang pisngi nito.

"Ikaw rin baby, hindi lang si Mommy!" Pinunasan ko ng ayos ang katawan niya bago siya tulungan sa pag suot ng gown, purple rin ito at punong puno ng butterfly, bagay na bagay sa kan'ya ang small gown at alam ko na babagay sa pagiging flower girl niya.

"Hindi pa nga po ako nakakapag ayos ng sobra, so how come po na pretty din ako?" Kulang na lang ay mapailing ako dahil sa sinabi niya. Bilib talaga ako rito dahil ang dami niya ng kaya at nalalaman lalo na ang pag sasalita niya ng deretso.

"Halika ka nga rito, alam mo baby? Hindi ka man mag ayos, palagi kang maganda sa mata ni Mommy. Ikaw kaya ang pinaka love ni Mommy maliban kay Tito mo! Halika aayusan kita para mas lalo ka pang maging pretty." Nilagyan ko ng baby powder si Thalia, sa ngayon ay ayoko muna siyang mainvolve sa make up lalo na't mas gusto kong lumaki ito ng simple lang.

Pinasundo kami ni Kuya sa driver niya, kumuha naman ako ng condo pag karating namin dito sa Pilipinas. Gusto sana ni kuya na sa kan'ya kami tumira tutal may condo rin siya pero ayoko namang dumepende na lang lagi sa kan'ya lalo na't mag kakapamilya na rin ito. Ayoko rin na alahanin niya kami ng pamangkin niya before and during his wedding. Ang araw na 'yon ay mahalaga sa kan'ya kaya gagawin kong espesiyal iyon sa bagay na makakayanan kong gawin. Ang preparation kasi ay sa bahay nila Ate Elli pero kami ay dederetso na ng simbahan.

Mabilis lang natapos ang kasalan kaya dumeretso na kami sa beach resort kung saan magaganap ang reception, kasalukuyan ako ngayong kumukuha ng pagkain naming dalawa ni Thalia pero laking gulat ko na lang na wala na ito sa table namin, ito ang unang beses na nawala ito sa tabi ko kaya hindi ako mapakali. Hinanap ko siya hanggang sa mapunta ako sa dalampasigan at nakita ko 'yung anak ko na may kausap na lalaki, mabilis akong nag lakad papunta sa kanila.

"Thalia! Are you okay? " Sinuri ko ang buong katawan nito, mas lalo lang akong kinabahan nang malaman na umiiyak pala ito.

"Anong ginawa mo sa a-- Ivo?!" Nanlaki ang mata ko at gano'n din siya pero kalaunan ay nawalan rin ito.

"Aerish? You're here." Sinubukan niyang lapitan ako pero agad kong hinila si Thalia palapit sa'kin at bahagyang umatras kay Ivo.

"Anong ginawa mo sa anak ko?!" Galit na tanong ko, pigilan ko man ay hindi ko na nagawa dahil pag dating kay Thalia ay masiyado akong nagiging protective.

"Mommy wala pong ginawa si Mr. Ivo tinulungan niya po ako kasi nadapa po ako," singit ni Thalia at hinawakan ang kamay ko.

"Ayos ka lang ba may masakit pa ba sayo?" Lumuhod ako at pinantayan siya.

"Ayos na po ako Mommy! " Sabi nya at pinakita 'yung tuhod niyang may bandaid na. "Tsaka mommy magkakilala po kayo ni Mr.?"

"Ahm, ah oo." Napakamot pa ako sa ulo dahil gulat at kaba parin ang nararamdaman ko.

"Aerish? Brad? Oh bakit ka umiyak baby Thalia?" Ani ni Kuya na bigla na lang galing dumating kung saan. Nagpabalik balik ang tingin ko kay Ivo at kay Kuya dahil sa naguguluhan ako, bakit mag kakilala silang dalawa?

"Oh sorry, Aerish this is Mr. Ivo Wringrea a good friend of mine. And Ivo, this is my Little sister and her daughter." Pagpapakilala sa'min ni kuya, mas lalo lang akong kinabahan nang malaman na hindi lang sila mag kakilala kun'di mag kaibigan pa.

"We know each other," napaubo ako at sinamaan ng tingin si Ivo. Ano bang binabalak niya akala ko ay hindi na ulit ito mangingialam sa buhay ko.

"Ivo saan nga pala si Sheena? Dadala-dala ka ng babae rito tapos 'di mo kasama?" Singit naman ni Ate Elli na kararating lang, nag taka lang ako pero mas namayani ang pagluwag ng loob ko dahil sa pagbabago niya ng usapan.

"Nag banyo lang siya," walang emosyong sabi ni Ivo at pinasadahan ako ng mapanuring tingin, gano'n din kay Thalia kaya itinago ko ito sa likod ko.

"Let's go love, marami pang gustong kumilala sa'yo," sabi ni Kuya kay Ate Elli at iginaya na ito palapit sa mga bisita. Saglit itong nag paalam sa'min na agad ko rin naman sinangayunan kasi wala na rin naman akong balak na manatili pa roon.

"Aerish can we talk-" pag pigil sa'kin ni Ivo nang subukan kong umalis. Napaangat naman sa'min ng tingin si Thalia na halatang nag tataka sa mga nangyayari.

It's you, It's always you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon