Chapter 1

1.2K 26 3
                                    

Aerish

Kalalapag ko pa lamang ng tray na may lunch meal sa lamesa nahanap agad ng paningin ko si Luis, kasalukuyan itong kumakain kasama ang ibang doctor. Matagal na akong may gusto sa kan'ya simula pa lang noong senior ko s'ya sa med school na pinasukan ko. Sa mata ng iba, para ko na s'yang nakatatandang kapatid. Palagi kaming mag kasama noon, kadalasang sabay din kaming nag aaral kaya madalas din kaming mapagkamalan na mag karelasyon. Sa kasamang palad, nakababatang kapatid lang ang turing sa'kin ni Luis at mukhang wala nang hihigit pa doon.

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa pag iisip kung gaano ka imposibleng maging kami ni Luis, pinutol ko na ang ginagawang pag titig kay Luis at sinimulan nang kainin ang pag kain na nasa harapan ko ngayon.

May umismid sa harapan ko , ini- angat ako ng tingin para tignan kung sino 'yon. "Pwede bang makiupo?" tanong nito. Saglit ko pang pinag isipan kung anong isasagot ko, si Ivo kasi 'yon. Siya lang naman ang kaisa-isang doctor na nag opera sa dalawang mag asawa na dinapuan ng cancer and at the same time ay HIV positive. Walang pinipili ang kakayahan niya, matangkad at gwapo ito kaso hindi ko type. Kung halos lahat ng babae dito sa Doctreal Hospital ay nakukuha ng hindi ko maitatangging kagwapuhan niya, ako hindi. Hindi ko tipo ang kagaya ni Ivo.

"Sure," tugon ko sa kan'ya kahit ang totoo ay hindi ko alam kung gusto ko ba itong makasabay sa pag kain. Agad naman s'yang umupo at napansin kong naka tingin siya sa kinaroroonan ni Luis, sinundan ko ang tinititigan niya at doon ko napagtantong naka tingin siya kay Chesca, kung hindi ko man nabanggit kanina. Si Chesca ang girlfriend ni Luis. Sinuri ko 'yung paaraan niya ng pagtingin, well wala namang mali dahil 'di naman malagkit pero unti unting nagiging malinaw sa'kin ang pinararating ng tingin niya. Kitang kita ang sakit sa mata nito, 'yung tipong hindi niya nagugustuhan 'yung nakikita. Huwag na kayong mag taka kung paano ko nalaman dahil alam niyo nanaman siguro na gano'n din ang nararamdaman ko.

"Ehem, Ano... Pwede bang mag tanong?" Napalingon ito sa'kin dahil sa biglang pag sasalita ko.

"Nag tatanong ka na," walang emosyon n' yang tugon, may pag ka-pilosopo pala 'tong lalaki na 'to.

"Ahm, may gusto ka ba kay Chesca?" Tanong ko at pinilit na huwag maging tunod tsismosa, saglit itong nakipag tinginan sa'kin bago muling tumingin kay Chesca. Hindi lang pala pilosopo, isnabero rin.

"Hoy! " Tawag pansin ko rito at bahagyang iginalaw ang lamesa para makuha kong muli ang atensyon niya.

"Yea, how about you? Are you in love with Luis?" Napatigil ako dahil sa tanong nito, masiyado bang halata? Pero hindi ko naman pinahahalata, don't tell me may kakaiba 'tong powers... Ok, stop masiyado na akong napa-praning.

"Yup, kaso hindi nakiki-ayon ang tadhana pero biruin mo halos parehas pala ang buhay nating dalawa ano? Tamang masid lang sa dalawa habang nag mamahalan at nag haharutan samantalang tayo heto halos mawalan ng gana sa nakikita." Sabi ko na para bang may sama na ng loob sa dalawang mag kasintahan, ngunit nawala rin 'yon nang mapansin kong wala siyang pake sa mga sinabi ko. Naging seryoso 'yung mukha niya kaya napatahimik na lang ako, nahurt ba siya sa sinabi ko? O naoffend? Pero may nakaka offend nga ba sa sinabi ko?

"May alam akong paraan para mangyari 'yung mga bagay na gusto nating mangyari," hindi ko alam kung matatakot ba ako o matutuwa dahil sa sinabi niya.

"Ano?" Puno ng kuryosidad kong tanong sa kan'ya, halata bang desperada na ako pag dating kay Luis? Sa maniwala man kayo o sa hindi, hindi ko ginustong maging ganito, nag mamahal lang naman ako.

"Let's be-" hindi nito natapos ang sasabihin nang mag ring ang phone ko at nakita ko doon ang pangalan ni Ms.Ignacio, ang head nurse ng ER kaya agaran ko rin iyong sinagot.

"Hello?"

"Doc. may pasyente po dito sa ER wala po si Doc. Santiago"

"I'm on my way. "

Napatayo ako mula sa pag kakaupo, balak ko pa sanang mag paalam kay Ivo pero mukhang alam niya na ang nangyari dahil parehas kaming doctor. Pag kapunta ko pa lang ng ER sinalubong agad ako ni Nurse Miki at sinabi nito ang nangyari sa pasiyente, inexamine ko muna ang pasiyente at doon ko nalaman na kailangan na nitong maoperahan agad.

"Please call, Dr. Luhan of Cardiothoracic Ward. We need his assistance," tinaungan ako ni Nurse Miki at agad na sinunod ang sinabi ko.

Nag palit ako nang damit at mabilis na kumilos, good thing dahil pag dating ko sa OR ay maayos na ang lahat.

"Ready?" Tanong ko sa kanila habang tinitignan sila bawat isa.

"Yes Doc," sabay-sabay nilang sagot sa'kin.Huminga ako ng malalim bago sinimulan ang operasyon.

"Scalpel"

"Bovie"

"Clamp"

------

Natapos ang operasyon at doon ko nalaman na pasyente pala ito ni improkrita, 'yung doctor na pinaka malandi dito, sorry sa term ha? Pero iyon 'yung totoo. Gosh! Nakuha niya pang makipag date habang ang pasyente niya ay mag aagaw buhay na 'di n'ya man lang sinagot 'yung tawag sa kan'ya kanina. Seryoso, sinong doktor ang aalis at iiwan ang pasiyente niya sa ER? Sobrang sakit na ng paa ko dahil naka tayo lang ako buong operasyon pero sanay na rin naman ako, mag iilang taon na rin naman ako dito sa hospital at ginusto ko 'tong trabaho ko. Pag ka labas ko ng OR naka salubong ko ang ina ng pasyente.

"Doc kumusta po ang anak ko?" Bakas sa mata nito ang pag aalala kaya kung pwede ko lang sabunutan si Impokrita gagawin ko talaga.

"Maayos naman po ang lagay ng anak niyo, naging matagumpay po ang operasyon," saad ko.

"Maraming salamat Doc!"

"Walang anuman po, ginagawa ko lang ang trabaho ko," sagot ko sa kan'ya at nginitian ito.

Napahilot ako sa sentido ko dahil biglang kumirot ang ulo ko na ang dahilan ata ay wala akong tamang kain nitong mga nakaraang araw dahil sa sunod-sunod na operasyon. Pumunta ako sa Coffee Vendo para kumuha ng kape sa malamang at para na rin makapag pahinga kahit sandali. Nang maubos ko ang kape napag desisyonan ko na pumunta sa ER. Nakita ko si Ivo at agad na nilapitan ito.

"Ano nga pala ang naisip mong paraan?" Tanong ko sa kan'ya pero naka tuon parin ang buong atensyon niya sa ginagawa.

"Pasensiya nga pala, may emergency kasi kanina kaya naiwanan kita," dagdag ko sa sinabi ko nang wala akong nakuhang sagot mula sa kan'ya.

Inilapag nito ang papel at ballpen na hawak-hawak niya sa table at humarap sakin, "Alam mo Doc. Brenza...Maganda ka naman," aba nasa tamang pag iisip ka Ivo.

"Thank you," napabuntong hininga ito kaya nag taka naman ako.

"Be my girlfriend," 'yung ngiti ko kanina dahil sa sinabi nito ay napawi, alam niyo 'yon? Unti-unti talagang nag bago 'yung ekspresiyon ng mukha ko.

"HUH!" Reaksyon ko sa sinabi n'ya, napatingin naman 'yung ibang nurse at pasiyente sa'kin, nginitian ko ang mga ito at pasimpleng humingi ng tawad habang napakamot pa sa ulo.

"You don't have to shout, what I mean is... Isipin mo na ako si Luis at iisipin ko naman na ikaw si Chesca. I know na may pag nanasa ka kay Luis kagaya kong may pangangailangan kay Chesca. Let's use each other para mapununan ang mga pangangailangan na 'yon," pag papaliwanag nito. Natamaan nga naman ako sa sinabi n'ya, naalala ko tuloy nung tinititigan ko 'yung picture ni Luis tapos iniisip ko na hinahalikan ko siya.

"Pagiisipan ko," may pag aalinlangan kong sagot sa kan'ya.

"Go, think of it," sagot nito at umalis na sa harap ko. Napahilot ulit ako sa sentido ko, mas lalo atang sumakit 'yung ulo ko dahil sa offer niya. Seryoso ba siya? Baka mamaya may sakit na din 'yon sa utak at biglang nabaliw.

Mahirap 'yung iniisip niya dahil alam naming dalawa na kahit baliktarin namin 'yung mundo walang mag babago kahit kailan, hindi siya magiging si Luis at hindi ako magiging si Chesca.

It's you, It's always you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon