Chapter 3

660 23 1
                                    

Hawak ko ang leeg habang nag lalakad, sumakit kasi 'yon dahil sa ilang oras din tumagal ang operasyon ko. Sumandal ako sa locker ko at bahagyang pinikit ang mata para sana mag pahinga kahit sandali lang. Napapitlag ako nang biglang mag ring ang phone ko, agad ko itong kinuha mula sa bulsa at tinignan kung sino ang tumtawag.

"Ivo?" Banggit ko sa pangalan niya at sandali pang napaisip kung bakit siya napatawag bago ko pinindot ang answer button.

"Yes? Anong meron?" Pagod kong tanong sa kan'ya nang mailapat ko ang phone sa tapat ng tenga ko.

"Parking lot," tinatamad nitong sagot sa'kin, napakunot pa ako ng noo dahil hindi ko maisip kung anong gagawin namin sa parking lot.

"Oh? Anong meron d'yan?" May pag tatakang tanong ko.

"Tss. Pumunta ka dito," sagot nito at kusang napataas naman ang kilay ko. We're like best buddies that are currently conversing casually, kung sumagot kasi ito sa'kin ay parang sobrang close namin to the point na parang mag kakilala na kami ng sobrang tagal.q

"Anong gaga-" hindi ko na natuloy ang balak ko pang itanong dahil binabaan na ako nito. Napabuntong hininga ako at piniling mag palit na ng damit para mapuntahan ito sa parking lot kahit wala akong alam sa balak niyang gawin, wala na rin naman akong gagawin ngayon kasi madalas na pineperform kong surgery ay scheduled.

Nang makarating ako sa parking lot hindi na ako nahirapan pang hanapin si Ivo, nakaupo ito sa hood ng kotse niya habang nakatingin sa relo at halatang inip na inip na siya sa kahihintay sa'kin. Agad akong lumapit sa kan'ya baka kasi manghina ito sa kahihintay at boredom, sayang naman ang hotness niya, cute niya pa naman sa posisyon niya ngayon, amoy mamahalin.

"Ivo!" Pasigaw kong tawag sa kan'ya tutal kaming dalawa lang naman ang nakikita kong tao sa buong parking lot, umayos naman ito ng tayo at inayos ang pagkakatupi ng sleeves ng suot-suot niyang white polo.

"Ang tagal mo," iritadong sabi nito sa'kin, ganda lang ng bungad niya ha? Hindi na siguro ako aasa na babatiin ako nito bago kausapin 'no?

"Aba! Ang kapal mo naman ikaw na nga itong may kailangan ta's pamamadaliin mo pa ako," pinagkrus ko ang mga braso ko at inirapan siya. Pasalamat siya at gwapo siya pero hindi ko parin type, mas masungit pa kasi sa'kin akala mo araw-araw may dalaw.

"Tss. Itikom mo nga 'yang bibig mo nakakarindi," oh 'diba? Baka isipin ko na rin na ahas siya kaka-tss niya. Pumasok siya sa loob ng kotse niya nang hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.

"Aba! Bwisit!" Inis kong saad pero sinigurado kong hindi niya maririnig, mahirap na at baka may masabi nanaman siya.

Binaba nito ang bintana ng kotse niya, "Ano d'yan ka na lang? Para kang nag aabang ng taxi," walang emosyon niyang sabi sa'kin pero kahit na gano'n, makita ko lang 'yung mukha niya iritang irita na ako.

"Argh!" Nasipa ko ang gulong ng kotse nito pero wrong move ata, masiyado akong nadala sa nararamdaman ko kaya ayon, ako lang din ang nasaktan. Lukot ang mukha ko nang pumasok ako sa loob ng kotse niya kasi obvious naman na may pupuntahan kami kaya niya ako pinapunta sa parking lot at hinintay.

Bumungad sa'kin ang maloloko nitong ngiti na parang nang aasar talaga, aaminin ko naman na naasar nga ako. "Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko at bakas parin sa boses ko ang pagkairita.

"Ipapagpatuloy natin 'yung naudlot nating plano," bigla ito nag bago ng emosyon at naging seryoso. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko dahil sa naiisip pero isinantabi ko iyon.

"Huh?" Tanong ko na para bang hindi ko na kuha 'yung pinupunto niya.

"Sa condo ko tayo pupunta," agad akong napalingon sa kan'ya, wala talagang preno? Iba't ibang bagay tuloy ang pumasok sa isip ko.

"Anong gagawin natin doon?" Nanatiiling nakatuon ang tingin niya sa dinadanan namin at hindi man lang nag abalang sagutin ang tanong ko.

Nakarating naman kami kaagad sa condo niya, pag kapasok ko sa loob agad kong nilibot ang aking paningin. Mag sasalita sana ako ngunit nang mapalingon ako sa kan'ya agad ko ring naitikom ang bibig ko, pa'no ba namaan kasi naabutan ko siyang isa-isang tinatanggal ang butones ng suot niyang polo. Nahubad niya nang tuluyan 'yon at isinunod naman niya ang pag tanggal sa pants niya. Naramdaman ko ang init sa aking mga pisngi kaya iniwas ko 'yung tingin ko. Nakita ko nalang na 'yung hinubad niya ay lumipad papunta sa sofa na ngayo'y tinitignan ko.

"Mag sho-shower lang ako," tamad niyang sabi, nag simula siyang mag lakad paakyat sa hagdanan. Pinalibot ko muli ang aking paningin sa buong condo. Nag kalat ang mga damit sa sala, sahig at lamesa.

Napabuntong hininga na lang ako, isa-isa kong pinulot ang damit na nakakalat at nilagay iyon sa tamang lagayan. Pinusod ko ang mahaba at medyo kulot kong buhok bago pinag patuloy ang pag lilinis. Nakarating ako sa lugar kung saan bumungad saakin ang mga platong pinagkainan, mga container na halatang pinag lagyan ng mga pagkain na galing sa mga restaurant o hindi naman kaya ay sa fast food, mga cup noodles at canned foods. Napailing ako at sinimulang itapon ang mga basura at hinugasan ang mga plato. Pasalamat siya sanay na ako sa mga ganitong gawain dahil sa mga nakababata kong pinsan na minsan ko na ring nakasama sa isang bahay. Nakakapag taka lang dahil doctor siya at alam niyang masama ang pagkain ng mga preserved foods lalo na kung aaraw-arawin.Napailing na lang ako nang maisip ko ang bagay na 'yon.

Natapos na akong mag walis at maglinis ngunit 'di parin tapos si Ivo sa pag ligo, nalunod na ata 'yon. Inayos ko na lang ang mga fake flowers sa vase na nakalagay sa gitna ng table.

"What are you doing?" Halos mapatalon ako dahil sa gulat, bigla ba namang susulpot at mag sasalita ng walang pasabi. Hindi ako aware na pangarap niya pala maging kabute, ano?

"Hindi ba halata? O baka bulag ka na talaga," masungit at pabalang kong sagot sa kan'ya. Nakita ko naman ang pag bahid ng iritasyon sa mata niya.

"Stop that," ma-awtoridad niyang utos, nag eenjoy na ata 'tong utus-utusan ako.

"Ang ano?" Nakapamewang kong tanong sa kan'ya.

" 'Yang ginagawa mo"

"Hoy ungas! Pasalamat ka nga at nilinis ko 'yung condo mo para lang 'di ka dagain ta's ikaw pa 'tong may balak mag patigil at doctor ka ba talaga? Halos lahat ng kinakain mo hindi maganda sa katawan." Pangangaral ko sa kan'ya, sana man lang ay kumakain siya ng tama at naayon sa mga pag kain na nakabubuti sa katawan niya.

"Ang ingay mo," napapikit ako dahil sa hindi ako makapaniwala sa naging tugon nito sa'kin, sa haba ba naman ng sinabi ko 'yon lang ang masasabi niya? 'Yung sinabi ko pa naman ay kasing haba ng buhok ni rapunzel tapos 'yung sagot niya kasing haba ng bangs ni dora.

"Alam mo? Kanina ka pa! Manood ka na nga lang doon at mag luluto ako para sa'yo, para may makain kang tama," sa pag kakataong 'to ako naman ang nag utos sa kan'ya and thank god dahil sumunod ito sa sinabi ko.

Mag luluto ako ng nilaga tutal halos kumpleto naman ang mga ingridients sa kusina at ref niya, ang problema lang ay wala siyang oras para mag luto o baka naman ay hindi ito marunong pero kung gano'n man bakit may iilang stocks siya sa ref? Umayat ako sa taas para mag linis doon tutal pinalalambot ko pa naman ang karne, expected ko na rin kasing makalat dahil iyon ang naabutan ko sa sala niya. Hindi naman ako nag kamali sa part na 'yon dahil sa pag pasok ko pa lang ng kwarto niya ay bumungad na sa'kin ang mga damit niyang naka kalat at mga libro na kung saan-saan na nakalagay. Napabuntong hininga ako bago ko sinimulan ang pag lilinis.

It's you, It's always you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon