Chapter 7

607 24 2
                                    


"Hey, dito ka ba matutulog?" Saglit kong nilingon si Ivo na ngayon ay naka sandal sa pintuan ng kusina, samantalang ako naman ay kasalukuyan nag huhugas ng pinagkainan namin.

"I can't, aside from wala akong dalang damit siguradong hahanapin ako ni Kuya ," sagot ko sa tanong niya.

"May kuya ka pala," tugon nito na para bang hindi siya makapaniwala kaya napairap naman ako kasi sa tono nito ay hindi halatang may kapatid pa ako.

"May nanay at tatay nga rin ako e, baka magulat ka rin do'n," sinamaan ako nito ng tingin na siyang ikinatawa ko.

"Biro lang, may kuya ako pero kadalasang 2 to 3 months lang siya rito sa pilipinas. Sa ibang bansa kasi 'yon nag tratrabaho." Pag papaliwanag ko baka mamaya ay singhalan na lang ako nito bigla dahil mukhang hindi uso sa kan'ya 'yung mga biro. May company ang kapatid ko tapos palagi pa siyang suki ng out of the town businesses dagdag pa 'yung pag ka-workaholic niya kaya madalas sa ibang bansa na ito nananatili specifically sa bansa na madalas niyang puntahan.

"Parehas lang pala siya ni Eya," marahil ay tinutukoy nito 'yung kambal niya kasi wala naman itong nabanggit na nakakatandang kapatid.

"'Yung kambal mo?" Paninigurado ko rito.

"Yup! Do you want to meet her? Tutal parehas kayong madaldal at walang tigil sa kasasalita." Umayos ito ng tayo bago nag lakad palapit sa pwesto ko.

"Iniisip ko pa lang na mag kasama kayo, siguradong sasakit na ang ulo ko." Dagdag nito bago hinawakan ang kamay ko at itinapat sa gripo, hinugasan niya iyon para sa'kin. Nakalimutan kong kanina pa pala ako nito pinanonood kaya siguradong alam niya na tapos na akong mag hugas.

"Hoy lalaki! Kung ayaw mo sumakit 'yang ulo mo edi wag kang makinig sa sinasabi ko. Hmpf!" Inirapan ko siya bago tumalikod, hindi ko pa man natatanggal ang apron ay natanggal niya na ang pag kakabuhol no'n.

"Gawin ko man 'yan, maririnig at maririnig ko pa rin 'yang boses mo." Saad nito habang nag lalakad papuntang sala, hindi ko masiyadong nabigyan ng atensyon pero 'yung simpleng bagay na ginawa niya ay nag dulot ng kakaibang pakiramdam.

"Oo nga pala baka gusto mo sumama sa'kin bukas, mag gagala ako wala naman akong masyadong gagawin," pag-aya ko sa kan'ya kahit ang totoo ay gusto ko lang siya makilala lalo. We're both family doctor so most of the time, nag seset muna ng appointments ang mga patients. Kadalasan rin kaming sa ER dahil kung ako ang tatanungin, gusto ko palaging may ginagamot bukod doon, sa ER din kasi ako nag training noong intern ako.

"Sige lang," pag sangayon nito.

"Ok, sure ka ha? Alis na ako bye!" Paalam ko pero hindi pa man din ako nakalalayo nahila na nito ang kamay ko, nag tatakang hinarap ko ito.

"Bakit?" Tumayo siya at hinalikan ako sa pisngi, naramdaman ko ang paginit ng pisngi ko dahil sa ginawa niyang 'yon.

"Take care," bulong nito malapit sa tenga ko at medyo ginulo pa ang buhok ko.

"Si-Sige... Bye ulit." Mabilis akong nag lakad papaalis, ano ba 'yan! Magagalit nga dapat ako kasi hindi niya ako hinatid pero ngayon naman ay hindi ko makalimutan ang paghalik nito sa pisngi ko. Marupok ba ako?

Pag karating ko sa tinutuluyan ko nadatnan ko si kuya na naka tutok sa laptop niya, na hindi nanaman na bago sa'kin. "Hoy 'di mo man lang ba ako kukumustahin?" Tanong ko sa kan'ya pero nakatutok parin ang atensyon nito sa laptop.

"Hoy?!" Muling tawag ko sa kan'ya, nag babakasakaling makuha ko na ang atensyon nito.

"I know that you're okay so I don't have to ask you." Napa pout ako at tumabi sa sa kan'ya.

It's you, It's always you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon